PART 2. Mark Herras happy about ex-girlfriend Jennylyn Mercado's involvement with Luis Manzano

IMAGE 0


Mark Herras on ex-girlfriend Jennylyn Mercado: "Alam ko naman yung mga pinagdaanan ni Jen sa buhay, 'di ba? And I know she's a very, very strong person, 'di ba? So she deserves to be happy naman."


Dahil dati niyang karelasyon si Jennylyn Mercado, naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mark Herras kung ano ang reaksiyon niya sa pagkakamabutihan ngayon ng actress-singer at ng Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano.

"Siyempre, I'm happy for Jen, alam mo yun?

"I mean, alam ko naman yung mga pinagdaanan ni Jen sa buhay, 'di ba? And I know she's a very, very strong person, 'di ba?

"So she deserves to be happy naman."

Ayon pa kay Mark, "I mean, kung saan siya masaya, 'di ba?

"At sa mga issues naman, kayang-kaya niyang sagutin yung mga yun so...

"Masayang-masaya ako for Jen. I mean it, masaya ako."

Sa tingin ba niya ay bagay sina Jennylyn at Luis?

"Oo naman!" mabilis niyang tugon.

SUPPORTIVE EX-BOYFRIEND. Ano naman ang masasabi ni Mark sa pagkaka-link ni Jennylyn kay Raymart Santiago?

"Hindi ko na po alam yun, wala akong alam, hindi ako nakikibalita," sabi ni Mark.

Sa tingin ba niya ay capable si Jen na magkaroon ng relasyon sa dalawang lalaki nang sabay?

"Hindi naman siguro," sagot niya.

Supportive siya sa kung anumang pinagdadaanan ni Jen?

"Supportive in a way na siyempre hindi na tulad dati. I mean... na civil, civil kami pero..."

Pero bakit ang sweet nila noong nag-guest si Mark sa Showbiz Central—kung saan isa sa mga hosts si Jennylyn—at sa Party Pilipinas noong nagkaroon sila ng dance number kamakailan?

"E, ganun naman talaga kami mag-usap ni Jen, e. Ganun talaga kaming magkulitan.

"Pero, I mean in... parang sa mga personal life or sa mga issues, hindi na ako yung 'Uy, kumusta ka?'

"Hindi na po, hindi po ganun, siyempre."

May kanya-kanyang buhay na nga kasi sila—may Luis si Jennylyn at si Mark naman ay masaya sa relasyon nila ni Ynna Asistio.

Masaya naman si Mark na napupuri ang hosting job ni Jennylyn sa Showbiz Central.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At least may bago po, may bago po kay Jen. Singing, then sa hosting. Sa acting siyempre, 'di ba?

"At least may pabagu-bago kay Jen."

STARSTRUCK. Bilang pinakaunang StarStruck Ultimate Male Survivor, hiningan din ng PEP ng pahayag si Mark tungkol sa kapwa niya StarStruck graduates na sina Vivo Ouano at Jeric Rizalado na sangkot diumano sa drugs.

"Siguro po... actually ayokong mag-comment about that.

"Pero for them, for Vivo and for Jeric na lang po, siguro kung anuman yung mga nangyari sa kanila ngayon, kung totoo man or hindi, sana maging lesson na sa kanila yun.

"I mean, maging lesson na sa kanila yun, kung anuman ang dapat at hindi dapat gawin.

"Dahil lahat naman ng tao dumadaan sa ganyan, e.

"Pero, 'di ba, lahat ng iyan, may hangganan?"

Sa tingin ba ni Mark ay may epekto iyong negatibo sa StarStruck in general?

"Hindi naman. Hindi naman po siyempre.

"Hindi naman porke't may nangyaring ganun sa dalawang Avengers ng Batch 3, e, maaapektuhan na yung buong StarStruck.

"Siyempre, hindi naman po."

Ayon sa pinakahuling ulat, ibinasura na ng Department of Justice (DOJ) ang isinampang kaso laban kina Vivo, Jeric, at dalawang iba pa "for lack of probable cause." (CLICK HERE to read related story)

LOYAL KAPUSO. Ilang taon pa ang kontrata ni Mark sa Kapuso network?

"I think I have two more years."

Kapag natapos na ang kontrata niya, halimbawang kunin siya ng ibang TV networks, iku-consider ba niya?

"Sabi ko nga po, ang loyalty ko at sobrang utang na loob ko is sa GMA.

"Pag dumating yung point na... huwag naman sana... na siyempre pag 'di ka na napapansin, ganun-ganun, iyon naman yung time na kung saan may trabaho, dun ka siyempre.

"Pero hangga't maaari, sobrang alaga po ako ng GMA at masaya po ako dito."

RAINIER CASTILLO. Still on StarStruck, nagpahayag naman ng prangkang komento si Mark tungkol sa pag-alis ng kaibigan niyang si Rainier Castillo sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rainier ang First Prince ni Mark sa unang batch ng StarStruck na ngayon ay nasa TV5 na.

"Kay Buboy [Rainier's nickname] po? Actually, nagkausap kami two weeks ago, nung nag-guest kami ni Mike [Tan] sa Spooky Nights.

"Tinawagan namin si Buboy, ganun-ganun, kamustahan, siyempre andun pa rin siya.

"Para sa akin, kung para sa akin po, sayang na lumipat siya.

"Wrong move na lumipat siya, kasi po parang ilang months lang siyang napapahinga sa trabaho, tapos may next [project] na naman siya.

"Ako nga, pitong buwan akong nawala, e. Na walang regular show, 'di ba? Puro lang po ako guesting bago itong Time of My Life, 'di ba?

"Parang for Rainier, okay, may TV show siya sa 5, pero hindi siya dapat nagsugal, e. 'Di ba?

"Alam mo yun... sayang, sayang.

"Iyon nga po, sayang, sayang," nanghihinayang na sabi ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN