Gretchen Barretto wins third consecutive Best Actress trophy from Star Awards for TV

IMAGE 0


Gretchen Barretto on winning Best Drama Actress for her role in Magkaribal: "Kahit isang taon na itong tapos, nandito pa rin at buhay na buhay pa rin sa puso at isip ng tao. And tonight is the last night that I will be Victoria Valera! This is my last night."


Nagwagi si Gretchen Barretto bilang Best Drama Actress sa 25th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) kagabi, November 22.

Ito'y para sa pagganap niya sa nagtapos nang primetime series ng ABS-CBN, ang Magkaribal.

Ito ang ikatlong beses sa tatlong magkakasunod na taon na nanalo si Gretchen sa Star Awards for TV.

Dalawang beses na siyang nanalo sa kategoryang Best Single Performance by An Actress—para sa pagganap niya sa dalawang episodes ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

"Salamin" noong 2009 at "Larawan" noong 2010.

Pangatlo na itong Best Drama Actress niya, na natanggap naman para sa Magkaribal.

Kabilang sa mga tinalo ni Gretchen sa kategoryang ito ang mga nakasama niya sa Magkaribal na sina Angel Aquino at Bea Alonzo.

Pagsisiwalat ni Gretchen sa kanyang acceptance speech, "Muntik nang hindi natuloy ang Magkaribal.

"Nagdasal ako sa Baclaran. Naniwala po ako na through God's grace, mangyayari ang proyektong ito.

"Gusto ko pong magpasalamat... First, to God be the glory... Our Lady of Perpetual Help, thank you so much.

"And, of course, ABS-CBN for this wonderful project."

Abut-abot din ang pasasalamat ni Gretchen sa kanyang co-stars, sa kanilang direktor, writer, at buong production staff at crew ng Magkaribal.

Pinasalamatan din ng aktres ang kanyang partner na si Tonyboy Cojuangco, na escort niya kagabi, "for loving me and giving me inspiration."

Hindi rin niya nakalimutang banggitin ang kanyang anak na si Dominique at ang kanyang manager na si Boy Abunda.

IN CHARACTER. Pagdating ni Gretchen sa Newport Performing Arts Theater ay pinagkaguluhan na siya kaagad ng photographers at media.

In character kasi siya bilang Victoria Valera, na siyang pangalan ng kanyang karakter sa Magkaribal.

"Halata bang ninenerbiyos ako?" natatawang tanong ni Gretchen nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa simula ng awards night.

Dagdag pa niya, "Ninenerbiyos at excited ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And thankful talaga ako sa mga nasa likod ng pagbuo sa project na Magkaribal.

"Kahit isang taon na itong tapos, nandito pa rin at buhay na buhay pa rin sa puso at isip ng tao.

"And tonight is the last night that I will be Victoria Valera! This is my last night.

"Because, after tonight I am going to be Marga Silverio."

Ang tinutukoy ni Gretchen ay ang role na gagampanan naman niya sa bagong serye niya sa ABS-CBN—ang Alta.

Dagdag niya, "So, I will cherish this moment.

"It's kinda emotional for me. Parang roller-coaster ride 'yong emotions ko because it's like the end... but a beginning for Alta."

ANGEL AQUINO. Gaya ng nabanggit, isa sa mga nakatunggali ni Gretchen sa Best Drama Actress category ay ang co-star niya sa Magkaribal na si Angel Aquino, na gumanap bilang Vera Cruz, ang mortal na kaaway ng karakter ni Gretchen.

Si Angel ay nominado rin sa Asian TV Awards bilang Best Drama Actress para sa pagganap niya sa Magkaribal.

Hiningan ng pahayag si Gretchen tungkol sa international recognition na natamo ni Angel.

"Congratulations, of course.

"Angel is not just an ordinary actress.

"But to me, she's one of the best that we have in the business.

"She's not only a good actress but a very good friend of mine.

"So, I'm very, very proud of her.

"And in fact, she's the one among other nominees that I'm very afraid of tonight!

"Sabi ko, 'My God! Bakit ikaw ang kailangang ma-nominate with me?" natatawang pag-amin ni Gretchen.

Kitang-kita kung paano napahinga nang malalim si Gretchen nang tawagin ang kanyang pangalan bilang winner sa Best Drama Actress category.

Bago natapos ang kanyang acceptance speech, tinawag pa ni Gretchen si Angel, na tinalo man niya ay tuwang-tuwa rin para sa kanya.

Ani Gretchen, "Hindi ako magiging Victoria Valera kung wala po si Angel Aquino na gumanap bilang si Vera Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nagpapasalamat ako sa kanya.

"Para sa akin kasi, ang victory ng isa, victory po ng buong cast and crew ng Magkaribal.

"Dahil hindi ko po magagawa ito nang mag-isa.

"Kung hindi po dahil kay Bea, at kay Angel lalung-lalo na, at kay Derek Ramsay, Enchong Dee, and of course Erich Gonzales na talagang mahal na mahal ko.

"And of course, our director."

Dalawa ang direktor ng Magkaribal—sina Nuel Naval at Mae Czarina Cruz.

KC CONCEPCION. Isa sa co-stars naman ni Gretchen sa susunod niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Alta, ay si KC Concepcion.

Hindi naman kaila, maging kay Gretchen, na may pinagdadaanan ngayon si KC dahil sa nababalitang breakup nila ni Piolo Pascual.

Tinanong ng PEP si Gretchen kung nakakausap ba niya si KC tungkol dito.

Aniya, "Nakakausap.

"Feeling ko, kung anuman ang pinagdadaanan niya, kaya niya, e.

"I see her strength.

"And nag-workshop kami. More or less, kilala ko na... kaya niya.

"Uhm... I really like her.

"You know, she's really a good person inside.

"And it's part of her journey in life."

Ano ba ang alam niya sa kasalukuyang pinagdadaanan ni KC?

"What I know is what I know.

"And I'm never gonna say what I know!" natatawang sabi ni Gretchen.

May maipapayo ba siya kay KC?

"Enjoy life. Be honest. Be true to yourself. And go for it... whatever it is."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN