Ogie Alcasid on rumored past romance with Manilyn Reynes: "Hindi, hindi nangyari yun. Pero super close talaga kami niyan."

IMAGE 0


Ang impression ng marami ay naging mahigpit na magkaribal si Ogie Alcasid (above) at si Janno Gibbs sa puso ni Manilyn Reynes. "Hindi, sa movie lang 'yan. Si Janno—si Janno talaga ang boyfriend niya," natatawang biro ni Ogie. "Basta after Janno, si Keempee ang naging love team niya. Noong nawala na ang love team nila, naging ako na. Tapos, nagkaroon kami ng movie na Feel Na Feel."


Tila expected na ni Ogie Alcasid na dahil sa reunion nila ni Manilyn Reynes sa bagong series ng GMA-7, ang Daldalita, mauungkat muli ang sinasabing naunsiyaming love team nila noon ni Manilyn.

Nangiti lang si Ogie nang ang bungad na itanong sa kanya ng ilang entertainment press sa nakaraang presscon ng Daldalita sa Studio 6 ay kung totoo raw ba na nagkaroon sila ni Manilyn ng relasyon noon.

Both are now happily married — Manilyn and husband, Aljon Jimenez have three kids, while Ogie and wife Regine Velasquez are expecting a baby boy next month.

Ayon kay Ogie, "Hindi, hindi nangyari yun. Pero super close talaga kami niyan. In fact, noong araw, noong nag-aaral ako sa UP, ang bahay nila sa Teacher's Village. Minsan diyan ako kumakain. Diyan ako, alam niyo na puwedeng mag-banyo?" natatawa niyang sabi.

"Noong nagsu-shooting pa kami sa Regal, we're really, really close. Hindi lang dahil magkasama kami sa pelikula at sa recording. Mabait na tao si Manilyn. Nakakatuwa na after 20 years, magkaibigan pa rin kami. At yung asawa niya e, kaibigan ko rin.

"There's one time na nag-Europe kami, nagpunta kami ng Spain, Amsterdam, so, ang cute. Inaanak ko ang isang anak niya."

Ang impression ng marami ay naging mahigpit pa nga silang magkaribal ni Janno Gibbs.

"Hindi, sa movie lang 'yan. Si Janno—si Janno talaga ang boyfriend niya," natatawang biro ni Ogie. "Basta after Janno, si Keempee ang naging love team niya. Noong nawala na ang love team nila, naging ako na. Tapos, nagkaroon kami ng movie na Feel Na Feel."



Malaking factor rin daw, ayon kay Ogie, na nakasama nga niya si Manilyn sa bagong series kunsaan, matagal na rin siyang hindi nagso-soap-opera talaga.

Pero ayon din kay Ogie, "Ako naman, I'm one guy na hindi naman ako namimili ng project, e. So, kung anuman ang ibigay... na sa tingin nila, bagay naman sa akin. And that's the thing about GMA, they give me projects that they feel, kaya ko, or they feel na, 'I-challenge natin si Ogie. Kasi si Ogie, nakikita natin, palaging comedy or kumakanta. Bigyan naman natin siya ng a little light drama.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DRAMA MOMENTS. Sa trailer pa nga lang ng Daldalita, may napapanood na mga drama moments niya. Paano nga ba niya napaghandaan yun, to think very happy siya ngayon sa buhay bukod pa sa puro sunod-sunod na comedy ang ginagawa niya?

"Kasi, you know, when you have really good actors, hindi ka na halos umaarte. Si Mane, si Donna [Cruz] at pagkatapos si Direk na ang dali-daling kausap.

"Athough noong unang araw, kakapa-kapa pa talaga ko. I'm a little bit unsure of myself. Palagi akong, okay ba? Okay ba sa inyo? Ayoko kasi na ang dating, parang naaasiwa ka or pilit. Kasi nga, sanay kang nakikita na nagpapatawa ko. But they were happy naman with the scene. Second day, comfortable na ko."

Kung tutuusin, si Ogie na yata ang isa sa pinaka-workaholic, loaded ng iba't-ibang showbiz commitments. He's very visible on TV [may Bubble Gang pa siya, Party Pilipinas where he is also one of the creatives], aktibo sa concert scene, at may napakaraming advocacy. He's also a husband and expecting. Bukas ay may special pa siya sa GMA-7, ang Ogie's Celebration, titled "Where Love Reigns."

Saan ba niya nahuhugot ang lahat ng energy at napagkakasya ang mga schedules niya na tila wala na talaga siyang pahinga?

Ayon naman kay Ogie, "Meron, meron akong pahinga. Sa bahay—ang asawa ko, napaka-understanding. Madalas siyang matulog, so, tulog din ako," natatawa niyang sabi.

"But you know, it's really God. It's really God working in our lives right now. My wife's current state and our baby — it's really a very blessed union. Even our children, Michelle [Van Eimeren] and her husband are very blessed. And our big whole family is very blessed.

"Kami ni misis, hindi kami nagkukulang sa pananalig. Every week, we try to make time na bukod sa pag-church together with our Pastor, we have Bible study in our house. Iba eh...kapag may ganoon kang kasama na ganoon din ang tingin sa buhay, everything just follows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, hindi naman nawawala ang problema, hindi naman nawawala ang stress sa buhay. I think, ang nangyari sa amin, mas natutunan naming i-face ang challenges and really, kapag diretso ka sa kanya, talagang ang galing. Ang galing talaga."

SPECIAL GUEST. May guest appearance rin sa soap si Donna Cruz bilang Misis ni Ogie at tunay na ina ni Jillian Ward. Ayon kay Ogie, cute raw ang mga eksena nila ni Donna.

"Si Donna na mas lalo pa yatang gumanda. I'm sure, namimiss din siya ng mga fans niya. Dito, I'm sure, they'll be thrilled to see her again. Ang galing pa rin niyang kumanta. Tapos ang galing pa rin niyang umarte. Nakakatuwa, ang dami niyang kuwento tungkol sa sarili niya, sa asawa niya.

"She's really, really a good person. Malaking pasasalamat na pumayag siya because she adds something new to Daldalita. Lalo pa at alam nating si Donna, e, pihikan. Hindi siya yung bigla-bigla lang tumatanggap ng ganitong klase ng project. So, salamat Donna, salamat Yong, sa mga anak niyo, salamat!"

Kaya naman daw pumayag si Donna kasi, siya ang makakapareha?

"Sabi nga raw niya yun, kasi, sobrang wholesome ko raw," biro pa niya. "Kita mo yun? Pero sabi ko, thank you. Si Donna kasi is actually, medyo close rin sa asawa ko. Gumanap sila ng movie noon at si Donna, nakakasama natin noon, GMA rin siya at nakakasama ko rin sa concert, so, hindi rin siya iba sa akin."

Originally, si Gelli de Belen ang napabalita na unang gaganap sa role ni Manilyn Reynes. Nalungkot din ba siya nang hindi ito matuloy at heto nga, isa ng Kapatid si Gelli dahil lumipat na ito sa TV 5?

"Hindi ko kasi alam kung ano ang nangyari. Pero sa akin, kahit sino. At siyempre, si Pi-Chi [Rufa Mae Quinto], okay sa akin. Very close friend ko rin, so, walang problema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong feeling niya na ang mga kaibigan niya, like Gelli, at pati daw si Carmina Villarroel, might transfer to another network?

"Wala akong negative vibes do'n kasi, each of us naman, may kanya-kanyang decision. Siyempre, hindi rin natin sila masyadong nakikita kasi wala sila rito. Pero first and foremost, kaibigan ko sila, e."

Biro naman namin kay Ogie, hindi kaya siya na at si Michael V ang susunod na makakatanggap ng offer from TV5 dahil puwede na ulit mabuo ang Tropang Trumpo nila noon.

Natawa naman si Ogie.

Aniya, "Si MVP [Manny V. Pangilinan], ninong ko 'yan, e. Si FLG [Felipe L. Gozon], ninong ko rin. Kaya lang, GMA has been very good to me. Halos dito na ko tumanda. So, yun...naiintindihan naman siguro natin yun."

ANOTHER HIT. On the other hand, ang Boy Pick-Up ni Ogie na isang segment sa Bubble Gang ay masasabing pumik-up ng husto at hit na hit ngayon. May balitang gagawin na rin daw itong movie na hindi naman itinanggi ni Ogie.

Aniya, "Yes, as a matter of fact, may mga producers na rin na kumausap sa akin. Yun nga, si Aloy [Adlawan], may ginawa na rin kaming storyline, nagawa na yung sequence treatment. Ngayon, yung may producer, malalaman natin next week kung sino talaga ang magpo-produce.

"But you know, Bubble Gang, GMA 'yan, hindi naman puwedeng mawala ang GMA diyan. Kung saka-sakali, baka meron din tayong co-producer."

Writer-actor lang naman daw siya and he will not act as one of the producers ng movie.

"Nagpapasalamat ako dahil na-recognize ang popularity ni Boy Pick-Up. Yung mga bata ngayon puro nonsense na ang sinasabi," natatawa niyang sabi.

"So, may MTV na rin na ginawa si Michael V. Ang ganda ng kanta, wala ring kuwenta. I'm sure, I'm really sure, maghi-hit ito sa mga bata."

We asked Ogie kung ano nga ba ang meron sa kanya na nagagawa niya ang sabi nga niya'y "nonsense" into something?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko rin alam. Siguro dahil medyo sa bahay, ganyan din ako. Minsan, ang misis ko natutulog, bigla na lang ako sasayaw. Sasabihin ng asawa ko, 'Ano ba ang ginagawa mo?' Wala! E, bakit ka ba nakikialam, e, sa nagsasayaw ako.

"Pero sadyang ganyan ako. Ayoko ng hindi masaya. I find happiness in most everything. Kaya siguro yung nonsense, nagiging may sense. Ngayon, may mga jersey na kami, may caps, nakakatuwa. Pero alam niyo, kaya rin naman siya nakakatawa, hindi lang dahil sa akin.

"Yung pag-introduce ni Bitoy. Yung banatan ng dalawa. Tapos yung banat-banat ko nang walang kuwenta, yung sigaw. Kung titingnan mo walang kuwenta, pero, may choreography rin yun."

Sa attitude niya at ni Regine, hindi malayong very happy baby ang magiging anak nilang mag-asawa.

Nakangiting sabi naman ni Ogie, "Totoo. Totoo 'yan. Minsan nga, ang mga kaklase ko, tinatanong sa akin, may kinalolokohan sa YouTube, hindi ko maintindihan. Sabi ko, e, hindi mo dapat iniintindi yun. Kaya nga walang sense yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN