Manilyn Reynes impressed with Jillian Ward: "Nakakatuwa naman ang katalinuhan ng batang 'yan."

."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26666/manilyn-reynes-impressed-with-jillian-ward-nakakatuwa-naman-ang-katalinuhan-ng-batang-yan" data-desc="It's back to work for Manilyn after giving birth to her third child with husband Aljon Jimenez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/46cf06af1.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26666/manilyn-reynes-impressed-with-jillian-ward-nakakatuwa-naman-ang-katalinuhan-ng-batang-yan" data-desc="It's back to work for Manilyn after giving birth to her third child with husband Aljon Jimenez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/46cf06af1.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26666/manilyn-reynes-impressed-with-jillian-ward-nakakatuwa-naman-ang-katalinuhan-ng-batang-yan" data-desc="It's back to work for Manilyn after giving birth to her third child with husband Aljon Jimenez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/46cf06af1.jpg">

."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26666/manilyn-reynes-impressed-with-jillian-ward-nakakatuwa-naman-ang-katalinuhan-ng-batang-yan" data-desc="It's back to work for Manilyn after giving birth to her third child with husband Aljon Jimenez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/46cf06af1.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26666/manilyn-reynes-impressed-with-jillian-ward-nakakatuwa-naman-ang-katalinuhan-ng-batang-yan" data-desc="It's back to work for Manilyn after giving birth to her third child with husband Aljon Jimenez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/46cf06af1.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26666/manilyn-reynes-impressed-with-jillian-ward-nakakatuwa-naman-ang-katalinuhan-ng-batang-yan" data-desc="It's back to work for Manilyn after giving birth to her third child with husband Aljon Jimenez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/46cf06af1.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26666/manilyn-reynes-impressed-with-jillian-ward-nakakatuwa-naman-ang-katalinuhan-ng-batang-yan" data-desc="It's back to work for Manilyn after giving birth to her third child with husband Aljon Jimenez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/46cf06af1.jpg">

IMAGE 0


Nagsimula si Manilyn Reynes (above) na mag-artista nuong 10 years old lang siya. Kasing-kulit daw niya si Jillian Ward na 6 years old pa lang ngayon. "Noong makita ko itong si Jillian, parang nag-flashback ako. Nakita ko yung hitsura ko noong nagsisimula ako sa Regal Films noon," she says. Manilyn, Jillian and Ogie Alcasid are in the cast of new drama series, Daldalita.


Hindi na mapigilan ni Manilyn Reynes ang sobrang matuwa sa child star ng GMA-7 na si Jillian Ward. Nakikita kasi ni Manilyn ang kanyang sarili noong nagsisimula pa lang siya bilang child actress sa bakuran ng Regal Films.

Nagsimula si Manilyn na mag-artista nuong 10 years old lang siya. kasing-kulit daw niya si Jillian na 6 years old pa lang ngayon.

"Noong makita ko itong si Jillian, parang nag-flashback ako. Nakita ko yung hitsura ko noong nagsisimula ako sa Regal Films noon," ngiti pa ni Mane.

"Tapos ganyan din ang hitsura ko, na naka-bangs ang buhok ko, mahilig akong magsuot ng mga baby doll dresses at madaldal ako. Tanung ako nang tanong parati. Kasi galing ako ng Cebu tapos bago para sa maningin ko ang Manila.

"Kaya nga natuwa si Mother Lily [Monteverde] sa akin noon kasi madaldal ako. Noong pinakanta ako, pinaakyat ako sa lamesa at kumanta ako sa harapan niya. Hayun naging artista ako!"

Napapanood raw ni Manilyn si Jillian sa mga shows nito na Trudis Liit, Jillian: Namamasko Po at Captain Barbell. Nag-guest na raw ito sa comedy series nila ni Michael V. na Pepito Manaloto. Doon daw nakita ni Manilyn na matalas ang utak ni Jillian at nakaka-memorize ito ng mga linya niya kahit na hindi pa ito nakakapagbasa.

"Ang sharp ng memory ng batang 'yan. Yung sabihin mo lang sa kanya yung mga lines niya, alam na niya at wala siyang nakakalimutan na sabihin.

"Nakakatuwa naman ang katalinuhan ng batang 'yan at masaya ako na nakasama ko siya sa series na Daldalita. Hindi pa naman kami nagkakasama sa mga eksena kasi sa istorya, nawala siya noong baby pa lang. Kaya hahanapin namin siya ni Ogie [Alcasid] sa Daldalita."

FLASHBACK. Nagsimulang mag-artista si Manilyn noong 1983 at magkakasunod ang mga pelikulang ginagawa niya: To Mama With Love with Gloria Romero; Daddy Knows Best with Dolphy; at Minsan May Isang Ina with Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging certified Regal Baby si Manilyn at naging successful ang naging tambalan nila noon ni Janno Gibbs sa mga pelikulang Jack En Poy, Love Letters, Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting, Stupid Cupid, Wake Up Little Susie, Super Inday and The Golden Bibe, Me and Ninja Liit at Magic To Love.

Nakikita ni Manilyn na magiging mas sikat si Jillian kapag naging teenager na ito. Bukod kasi sa maganda si Jillian, very talented pa ito.

"Sisikat ang batang 'yan. Hintayin nating maging teenager siya.

"Kapag nasa edad na siya nila Barbie [Forteza], naku kukuyugin ng mga boys 'yan! Ang ganda kasing bata ni Jillian talaga.

"Sana ay ma-maintain niya ang talent niya. Bukod sa marunong siyang umarte, marunong din siyang kumanta at sumayaw. Ma-improve pa niya 'yan habang lumalaki siya. Huwag lang siyang mahiya kapag teenager na siya.

"Usually kasi, kapag nasa teen stage na, diyan na tayo nahihiya, e. Nawawala na yung pagiging makulit at pagiging bibo. Basta huwag lang mawala yung hilig niyang mag-perform."

Hangad din ni Manilyn kay Jillian ay ang huwag masyadong mapagod at pag-ingatan ito ng kanyang mga magulang. Alam daw ni Manilyn ang hirap ng pagiging child actress at hindi raw masyadong maganda yung napapagod sa trabaho at sobrang na-e-expose sa malalakas na ilaw ang mga batang kaedad ni Jillian.

"Worry ko lang na baka hindi tumangkad si Jillian na tulad ko!" malakas na tawa ni Mane.

"Kasi nga, exposed siya sa mga ilaw sa set, tapos napapagod siya. Sana nga lang ay nababantayan ang kalusugan niya. Nakikita ko naman sa bata na very healthy siya at masigla. Parang hindi nga napapagod.

"Ang kagandahan lang ngayon ay may cut-off time na ang mga bata. Hanggang sa ganitong oras lang siya at hindi sila puwedeng abutin ng sobrang late or madaling-araw. Tama lang naman iyon kasi proteksyon na nila iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong panahon kasi namin, walang mga curfew. Inaabot kami ng madaling araw noon sa shooting. Mas okey ngayon kasi pinuprotektahan na ang mga batang artista," diin pa ni Mane.

Sobrang happy si Manilyn dahil muli na naman siyang nakakapagtrabaho after magpahinga siya ng ilang buwan pagkatapos niyang ipanganak ang ikatlong baby nila ng mister niyang si Aljon Jimenez.

Thankful si Manilyn sa GMA-7 dahil hindi siya nawawalan ng trabaho at kapag kinakailangan niyang magpahinga ay pinapagayan siya.

Huling napanood si Manilyn sa telefantasya na Magic Palayok. Bago iyon ay napanood siya sa First Time, All My Life, MariMar at Bakekang. Naging host din siya ng Moms at patuloy pa rin ang paglabas niya sa Pepito Manaloto.

Ngayon sa Daldalita ay katambal niya ang dating na-link sa kanya na si Ogie Alcasid. Nakatambal ng ilang beses ni Manilyn si Ogie sa mga pelikulang Feel Na Feel, Michael And Madonna at Small and Terrible sa bakuran ng Regal Films.

Si Manilyn din ang original na ka-duet ni Ogie sa song na "Pangako." Ayon kay Manilyn, pareho nilang sinulat ni Ogie ang song na iyon bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan.

GOOD FRIENDS. "Kami naman ni Ogie, we've been good friends ever since.

Kung inakala nila na naging kami, hindi po," paglilinaw ni Mane.

"Mga nakarelasyon ko lang sa showbiz ay si Janno Gibbs at si Keempee de Leon. Tapos si Aljon na ang pangatlo at naging mister ko at ama ng tatlong anak ko.

"Maganda kasi ang working relationship ko with Ogie. Tsaka napakabait na tao niyan. Noong una kaming nagkasama sa movie, hindi pa niya alam ang gagawin niya kaya tinulungan ko siya.

"Since then, naging constant na ang pag-uusap namin and we did two more movies. Madalas siyang bumisita sa bahay namin noon sa Teacher's Village. Nagkakasama kami sa mga out-of-town shows at minsan, guest ako sa mga shows niya sa iba't ibang venues.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi kami nagkaroon ng serious na relasyon talaga. It's more work-related lang. Kaya, hanggang ngayon nandoon ang respeto namin sa isa't isa. We've remained good friends at maganda iyon.

"The last time na nagkatrabaho kami ni Ogie ay sa movie na Oh My Girl. Si Judy Ann Santos ang partner niya roon. When they called me for Daldalita—originally si Gelli de Belen ang nasa role ko—okey lang kasi parang mag-reunion kami ni Ogie."

Pinagdarasal ni Manilyn na maging maayos ang panganganak ni Regine Velasquez sa unang baby nila ni Ogie. Alam niyang sobrang excited si Ogie sa baby boy nila ni Regine na si Nathaniel James.

"Noong nagte-taping nga kami sa Taal, Batangas, ang mga anak namin ang nagiging topic namin ni Ogie. Kinumusta niya ang mga anak ko at si Aljon.

"Ninong siya ng isang anak ko kasi. Ako naman bukod kay Regine, kinumusta ko rin ang two girls niya at si Michelle [Van Eimeren, Ogie's ex-wife].

"Nakikita ko sa mukha ni Ogie yung excitement kasi nga magiging daddy ulit siya, at first time niyang magkaroon ng baby boy. Buti nga raw ako, puro lalake ang mga anak ko. E gusto ko naman magka-girl sana.

"I wish nga na maging maayos ang panganganak ni Regine at maging healthy ang baby nila. I know na magiging mabuti at maasikasong parents silang dalawa," pagtatapos pa ni Manilyn Reynes.

."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26666/manilyn-reynes-impressed-with-jillian-ward-nakakatuwa-naman-ang-katalinuhan-ng-batang-yan" data-desc="It's back to work for Manilyn after giving birth to her third child with husband Aljon Jimenez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/46cf06af1.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26666/manilyn-reynes-impressed-with-jillian-ward-nakakatuwa-naman-ang-katalinuhan-ng-batang-yan" data-desc="It's back to work for Manilyn after giving birth to her third child with husband Aljon Jimenez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/46cf06af1.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26666/manilyn-reynes-impressed-with-jillian-ward-nakakatuwa-naman-ang-katalinuhan-ng-batang-yan" data-desc="It's back to work for Manilyn after giving birth to her third child with husband Aljon Jimenez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/46cf06af1.jpg">


."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26666/manilyn-reynes-impressed-with-jillian-ward-nakakatuwa-naman-ang-katalinuhan-ng-batang-yan" data-desc="It's back to work for Manilyn after giving birth to her third child with husband Aljon Jimenez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/46cf06af1.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26666/manilyn-reynes-impressed-with-jillian-ward-nakakatuwa-naman-ang-katalinuhan-ng-batang-yan" data-desc="It's back to work for Manilyn after giving birth to her third child with husband Aljon Jimenez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/46cf06af1.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26666/manilyn-reynes-impressed-with-jillian-ward-nakakatuwa-naman-ang-katalinuhan-ng-batang-yan" data-desc="It's back to work for Manilyn after giving birth to her third child with husband Aljon Jimenez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/46cf06af1.jpg"> ."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26666/manilyn-reynes-impressed-with-jillian-ward-nakakatuwa-naman-ang-katalinuhan-ng-batang-yan" data-desc="It's back to work for Manilyn after giving birth to her third child with husband Aljon Jimenez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/46cf06af1.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN