Jillian Ward unaffected by entry of new child stars in Kapuso network

IMAGE 0


Child star Jillian Ward topbills the new early primetime series of GMA-7, Daldalita, where she interacts and communicates with farm animals.


Tila hindi talaga nawawalan ng energy ang child wonder ng Kapuso network na si Jillian Ward.

Pero kumpara noon, kapansin-pansin na sanay na siya tuwing ini-interview siya ng press.

Biro nga kay Jillian ng ilang entertainment press na nag-interview sa kanya sa press conference ng bago niyang serye sa GMA-7, ang Daldalita, noong October 12, "showbiz" na raw siyang sumagot.

Pero tinatawanan lang niya ito.

Ano ang feeling ni Jillian na may bago na naman siyang pinagbibidahang show?

"Masayang-masaya po," sagot niya.

ANIMAL FRIENDS. Mga hayop naman ang kasama ni Jillian ngayon sa bago niyang series na Daldalita—sina Daisy the Duck (na binobosesan ni Candy Panglinan), Kirat the Mouse (boses ni Mike "Pekto" Nacua), at Bobby the Pig (boses ni Wally Bayola).

Ang mga ito ang madalas niyang mga ka-eksena.

Pero imbes na isa sa tatlong nabanggit na hayop ang piliin niya kung naging hayop siya, buong-ningning niyang sinabi na ang "kambal-ahas" ni Marian Rivera sa Amaya raw siya—si Kapid.

Bakit ahas siya?

"Wala!" natatawa lang na sagot ni Jillian

May gusto ba siyang ahasin?

"Hindi! Wala akong gustong ahasin.

"Ayaw ko kayang maging animal po. Teddy bear na lang!" bigla niyang bawi.

Sino ba ang pinaka-close niya sa tatlong alaga niyang hayop sa Daldalita?

"Pinaka-close po si Daisy Duck at si Bobby The Pig."

Ayaw niya sa daga?

"Ewww! Nai-ewww lang ako sa daga," sabi niya.

HUMAN CO-STARS. Kinumusta rin ng PEP kay Jillian ang mga co-stars niya sa Daldalita, lalo na ang gumaganap na tatay niya na si Ogie Alcasid.

Ayon kay Jillian, mabait daw ito. In fact, sinabihan na raw siya ni Ogie na bibigyan siya ng gift nito sa next taping nila.

"Bibigyan niya ako ng gift. Yung baby alive. Parang doll daw."

Nanghingi ba siya?

"Hindi po!"

Si Eunice "Charming" Lagunsad naman ang kontrabida ni Jillian sa series dahil base sa trailer ay ito ang nang-aapi at nananakit sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit naman ni Jillian, "Hindi naman po totoo yun. Palagi nga po siya nagso-sorry pagkatapos ng take."

KAPUSO CHILD STARS. Sinubukan din naming pag-reakin at intrigahin si Jillian kung masasabi ba niyang siya pa rin ang pinakasikat na child star ng GMA-7.

Pagkatapos kasing mailunsad si Jillian sa Trudis Liit ay sunud-sunod na ang pagdiskubre ng GMA-7 ng bagong child stars; gaya ng tatlong bida sa Munting Heredera na sina Mona Louise Rey, Barbara Miguel, at Kyle Ocampo.

Nangiti lang si Jillian at tila nakahalata na iniintriga lang siya.

"Hindi ko lang po alam sa inyo kung ano sa tingin n'yo!" sabi niya.

Nang kulitin namin siya, tumanggi pa rin siyang magsalita.

"Wala po akong sasabihin do'n."

Ano naman ang masasabi niya sa ibang child stars ng GMA-7, lalo na ang mga nasa Munting Heredera?

"Sana po, mas lalo pa nilang galingan at gusto ko rin po silang makasama," sagot ni Jillian.

Sino ang mas gusto niyang makasama?

"Lahat po sila gusto kong makasama."

Biniro si Jillian ng press na "showbiz" na talaga siya.

"Ano pong showbiz?" natatawa namang tanong ni Jillian.

Pero siya ba ang pinakamaganda sa kanilang lahat?

"Ewan ko po sa inyo," pambabara na naman niya sa mga kaharap na press.

Kapag nakikita niya yung ibang child stars, nasasabi ba niyang siya pa rin ang pinakamaganda?

"Wala po akong sinasabing ganoon," sagot ni Jillian.

May crush na ba siya ngayon?

"Wala pa rin!"

Nang biruin siya na dapat ay may crush na ngayong six years old na siya, ito naman ang nakatutuwang sagot niya: "Weeeh!"

JILLIAN'S EARNINGS. Ano naman ang ginagawa niya sa pera na ibinabayad sa kanya tuwing may mga show siya?

"Nilalagay po sa bank, tapos inaano po sa exam ko po, at saka sa lahat-lahat po," sagot ng child wonder.

Siya na ba ang may pinakamataas na talent fee sa mga child stars?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko po alam kung magkano ang suwedo ko. Si Mama ang nakakaalam," aniya.

Pagkatapos nito ay tinawag ni Jillian ang ina sabay tanong na, "Ma, matanong ko lang, yung wallet ko ba, nilagyan mo ng 1,000 [pesos]?"

Sinagot naman si Jillian ng ina na: "Hindi ka pa naman marunong mag-pera."

Pero hirit ni Jillian,"Mama, bigyan mo ko ng dollars, ha. Para sa wallet ko may dagdag na akong dollars."

Hindi ba siya napapagod sa pagtatrabaho niya?

"Nope!" mabilis na sagot ni Jillian.

At saka siya tumayo at walang katapusan na nag-tsunami walk.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN