Sid Lucero on working with Marian Rivera: "Sobrang taas ng respeto ko sa kanya bilang... hindi lang artista e, bilang katrabaho."

IMAGE 0


Sid Lucero, who plays Bagani in the top-rating epicserye, Amaya, clarifies rumors that Marian Rivera is cold and difficult to work with: "Hindi e, hindi, e! Ang dating sa akin yung pagkataray niya sa set, iyon yung paglalambing niya, e. Siguro nami-misinterpret lang yun kasi never akong natarayan sa kanya at all, e. Never, not once."


Hanggang January pa ang airing ng Amaya, kaya naman nagkaroon ng thanksgiving mass/dinner ang naturang top-rating GMA epicserye last October 13 sa 17th floor ng GMA TV complex.

Dito nakausap ng PEP.ph si Sid Lucero na gumaganap na Bagani sa show.

Masaya si Sid na extended ang kanilang programa.

"Of course siyempre, ang sarap! Kasi aside from the fact na mahal namin ang trabaho namin, mas nakaka-engganyong magtrabaho kapag alam naming nagugustuhan ng mga tao yung ginagawa namin kasi para naman sa kanila talaga ito. So ang sarap talaga," umpisang sinabi ni Sid.

"Ibig sabihin nagtagumpay ang GMA sa risk that they took with this project, kasi malaking-malaking risk ang ginawa nila. Yung cost malaki, yung hindi namin alam kung tatanggapin ba ng masa o hindi, e, tinanggap at minahal."

At tinanggap at minahal ng tao ang partnership nila ni Marian Rivera.

"Sana, oo.

"Well hanggang ngayon siyempre medyo kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung magwo-work o hindi kasi ano naman, alam naman natin ang ibang tao kahit konting mali lang, lalo na sa pag-deliver ng lines, baka masira na yung kung ano yung tingin nila sa partnership, di ba?

"Siyempre nakakatakot din kung magwo-work ba yung partnership o hindi, at hanggang ngayon siyempre, iniisip ko pa rin kung paano ko pa mapapaganda yung chemistry namin ni Marian."

Ngayon lang namin na-interbyu si Sid. Noong press launch ng Amaya last May ay umalis agad siya. Biniro tuloy namin siya na umiiwas ba siyang mainterbyu noon dahil may isyu tungkol sa kanya noong mga panahon na yun?

"Wala naman kasi talagang isyu, e. Sabi lang nila huwag na lang magpainterbyu para huwag nang lumaki. E di iyon, nawala rin."

Working with Marian...

"Nung first couple of months nahirapan ako kasi siyempre, homecourt advantage siya, kakalipat ko lang ulit, kakabalik ko lang. Siyempre, hinirang na siyang reyna ng primetime at malaking bagay yun. Para kang champion, di ba? Di ka puwede basta matatalo or whatever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So para kang... pagharap ko sa kanya, 'O nga pala, kailangan nating, you know, we have to deliver!'

"Para mapantayan natin kung ano man yung na-achieve niya bilang artista and then sooner or later, kaya ako nahihirapan kasi pini-pressure ko sarili ko na dahil siya si ganito, kailangan kong gawin itong ganyan.

"May isang eksena kami na nahirapan ako, sobrang sensitive [ng eksena], hinawakan niya yung kamay ko, tapos na-realize ko na, 'Oo nga naman pinahirapan ko ang sarili ko, tama! Oo, masyado ako nag-e-effort.'

"So nung nakita niya yun sabi niya, 'Okay lang, let's do it!'

"Mata lang lahat. 'Relax lang, gawin mo lang yung ginagawa mo and nandiyan na, yun na.' Ganun siya.

"Sobrang taas ng respeto ko sa kanya bilang... hindi lang artista, hindi lang, how do I say this... hindi lang artista e, bilang katrabaho."

Hindi naman nagpakaplastik si Sid para sabihing super-close na sila ni Marian, pero close naman raw sila.

"Masasabi kong oo. Nakakapag-joke na ako sa kanya and all that we joke with each other pero hindi ko masasabing magkasing-close kami ni Glaiza, kasi si Glaiza matagal ko nang kilala at nakatrabaho.

"Pero alam ko may chance to get closer with her [Marian] kahit pagkatapos na ng Amaya kasi best friends... alam ko si Dong [Dingdong Dantes] at si Gabby [Eigenmann] mag-best friends e, so kumbaga yung mundo naming dalawa medyo malapit din, e. "Hindi imposibleng magkita kami kahit sa labas ng trabaho."

May mga na-discover si Sid tungkol kay Marian.

"Na she is one of the most sensitive [people] that I've ever worked with in terms of being an actress. Na yung time na eksena na nalaman ko na eksena na wala siyang malay tapos kasama ko lang yung character na si Ahak [Sheena Halili], nakita ko pinapanood niya ako, naramdaman niya agad na nahihirapan ako, so she offered me tactile support.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As in konting hawak lang ng kamay, yun na yun! Ibig sabihin alam niya na nahihirapan ako tapos she said na, 'Okay yan.'

"After that I said, 'Wow! Hats off talaga ako dito sa babaeng ito!'

"Not only that, she achieved so much in so little time that she has been in this industry, not only has she been you know, kasi alam naman natin kasi, hindi... how do I say this? Hindi ito yung kinalakihan ko sa industriya e, galing ako sa indie, e.

"So pagpasok ko dito sa ano, nakaka-overwhelm siyempre! The treatment of certain types of people is... hindi naman natin sinasabing may favoritism, but there's always ano, kunyari, like with Marian you can't just, like hindi mo naman puwedeng basta-basta gaguhin ako di ba? You have to give respect to what she's done with herself and the industry."

Hiningan namin ng comment si Sid tungkol sa mga paninira na kesyo mataray at suplada diumano si Marian.

"Hindi e, hindi, e! Ang dating sa akin yung pagkataray niya sa set, iyon yung paglalambing niya, e. Siguro nami-misinterpret lang yun kasi never akong natarayan sa kanya at all, e. Never, not once.

"In fact siya nga yung umaalalay sa akin, e. Nakakatuwa kasi mas matagal na ako pero..."

At best actor na siya.

"Ang mga award-award, wala naman yan e, walang ibig sabihin, e. Sinabi lang nila na, 'Uy ang galing ng ginawa mo dito!'

"Hanggang dun lang yun. Pero for someone like this na... wala sa award ang galing ng tao e, o ang galing ng artista. Nasa sensitivity mo sa kapwa mo artista, nasa kaalaman mo kung nasaan ba siya, kung ang utak ba niya e nasa ginagawa niya.

"Kung focused ba siya. At dahil sobrang sensitive niya, kaya siya magaling! At hindi lang yun, wala sa utak niya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga times na may mga eksena na topless sila lahat, at kahit siya naka-top na... dati kasi 'Uy ano please, yung mga hindi kailangan sa set, baka naman puwedeng umalis na kayo, kasi yung iba diyan nakatingin, di ba?'

Kahit raw may damit na si Marian, concerned pa rin daw ang aktres sa mga ibang babaeng talents na naka-topless sa eksena.

"So kahit siya yung nakadamit, kahit yung ibang mga uripon, mga extras, 'Hindi pa rin kayo kailangan dito. Grabe naman, kahit ba naka-costume na kami, ganun ba iyon? Dahil ba extra lang sila?'

"Lahat talaga pinangangalagaan niya.

"Even yung timing, di ba siyempre naghahabol kami? So siya, 'Gawin na natin ito para magawa na natin.'

"She really cares for her work, not just for her work but for the entire production's work.

"And para sa akin wala pa akong nakakatrabahong ganun e, wala pa, wala pa."

Bukod dito....

"Na may collaboration, na nag-uusap sila, kinakausap niya yung production, yung direktor, yung writer, lahat, may sarili siyang insight na lagi niyang binibigay, para sa ikagaganda ng show.

"Kaya wala talaga akong masabi, wala akong masabi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN