Vilma Santos denies reports that she is not in favor of Jennylyn Mercado, rumored girlfriend of her son Luis Manzano

IMAGE 0


May kumakalat na tsismis na hindi raw talaga feel ni Batangas Governor Vilma Santos si Jennylyn Mercado para sa anak niyang si Luis Manzano. "Wala akong sinasabing gano'n. Am I the type who will say that? Na... hindi ko type si Jennylyn?" says Vilma. "Again, uulitin ko... hindi ako nakikialam sa ano ni Lucky. Wala."


Katatapos lang mag-taping ni Vilma Santos bilang guest star sa top-rating primetime series ng ABS-CBN na 100 Days To Heaven nang dumating sa Kapitolyo ng Batangas kahapon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang pang movie press.

"Ano ako... tagabantay," kuwento ng Star For All Seasons hinggil sa kanyang role.

"The mere fact na nag-guest ako, malaking bagay sa akin 'yon. Definitely I'm happy.

"At saka honored ako kasi No. 1 ang 100 Days, e. Plus the fact na nandiyan yung kaibigan ko... si Coney Reyes. Best friend ko si Coney."

HORROR MOVIE. Nakapag-first shooting day na rin siya recently para naman sa pelikula nila together ni Kim Chiu na The Healing under Star Cinema.

"Interesting," aniya. "Na-miss ko talaga ang shooting [ng pelikula].

"First scene, kaeksena ko si Martin del Rosario. Two sequences kami.

"Tapos no'ng gabi, ako na lang mag-isa. Siguro natapos 'yong first shooting day namin mga 1:30 in the morning. Pero maganda. Nakaka-excite.

"Ang role ko, nanay ako ni Martin tapos stepdaughter ko si Kim [Chiu].

"Ang tema ng pelikula, tungkol sa mga faith healers.

"Ang mangyayari, naniniwala ako sa mga faith healers so dinala ko ang tatay ko. Tapos biglang gumaling.

"So marami akong kaibigang dinala at ipinagamot. Pero may mga pangyayari at the end of the day, may balik pala 'yan. Hindi mo alam.

"At marami ang mabibiktima kasi ako ang nagdala. Magiging responsibilidad ko silang lahat."

Sa totoong buhay ba ay naniniwala siya sa faith healers?

"Oo. Ginamot na ako ng mga faith healers, e. 'Yong may papel na sinusulatan?"

Anong sakit niya na kanyang ipinagamot sa faith healer?

"No'ng Mayor pa ako ng Lipa, no'ng unang term ko, na-hospital ako for two weeks. Hindi alam kung ano 'yong sakit ko. Lahat na lang ng test okay, e.

"After kong maospital, pagpunta ko rito sa Batangas, may gumamot sa akin. 'Yon ngang isinusulat sa papel tapos itatapal sa 'yo. Tapos hawak 'yong paa mo, tapos may prayers. And I got well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ibig ko lang sabihin na-experience ko nang magpagamot din sa faith healer. At dito sa Batangas, maraming ganyan.

"Kaya part ng research ng movie na ito, dito kumuha sa Batangas ng mga experiences ng mga taong napagaling ng faith healers.

"I think magsu-shooting din kami dito sa Batangas. Sa Barangay Sto. NiƱo, Lipa City. Iyon yata ang na-approve na lugar."

Ang direktor na si Wenn Deramas, may nabanggit kamakailan na ang next project daw na gagawin nito is with Vilma. Ito ba 'yong movie na planong pagsamahan nila ni Ai-Ai delas Alas?

"Ah... nagsabi lang sa akin si Direk Wenn. Na gusto niya sana, first quarter next year, gusto niya makagawa ako sa kanya. Kasi may script na siya."

ON JENNYLYN. Lately, may mga nagiging intriga na naman kay Governor Vi. Isa na nga rito 'yong tungkol sa diumano'y hindi raw niya talaga feel si Jennylyn Mercado para sa anak niyang si Luis Manzano.

Pero itinanggi ito ng Star For All Seasons.

"Wala akong sinasabing gano'n. Am I the type who will say that? Na... hindi ko type si Jennylyn?

"Again, uulitin ko, hindi ako nakikialam sa ano ni Lucky. Wala.

"You can even ask Lucky. Kung meron akong sinabing, 'Anak, gusto ko 'yan, ayoko 'yan.' Hindi ako gano'n.

"Kasi naiinsulto ang anak mo kapag gano'n, e. Hindi ako type na magsasalita ng gano'n.

"Hindi ako umaayaw. Hindi ako nagsasabi ng pabor. Basta ang importante, kung sino ang gusto ng anak ko, maligaya siya.

"Kung 'yon ang gusto niyang mapangasawa, it will be his decision.

"I'm always open. I'm always open. Because buhay ng anak ko iyon. Di ba?

"Now, kung magkaroon siya ng problema, kaya niya. Kayang tumayo ng anak ko. Nandito lang si Mommy to guide him.

"Pero not to impose or to tell him, 'Bagay sa 'yo 'yan o hindi bagay sa 'yo 'yan.' Hindi ko type 'yon. Hindi ako gano'n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sabagay, bago ang group interview ng mga press people na dumalaw sa kanya doon sa Kapitolyo ng Batangas, naunang nag-interview sa kanya si Jennylyn Mercado para sa isang segment na ipapalabas sa Showbiz Central this Sunday. Mukha namang magkasundo sila.

Vilma was so candid nga na panay pa ang biro kay Jennylyn na aniya'y napagakagaling palang mag-host dahil natural na natural.

Bago ang panayam na iyon, kailan sila last na nagkita ni Jennylyn?

"Fishing, huh!" natawang biro ng Star For All Seasons.

"E, kung sabihin kong kahapon lang?" sabay tawa ni Vilma.

"Ano... the other day lang, nagkita kami. 'Yon lang. Hanggang do'n lang. Period!" pag-iwas niya na magdetalye pa tungkol sa pagkikita nilang 'yon.

Sa ginawang interview ni Jennylyn sa kanya, may nasabi siya rito na 'please take good care of Lucky.'

FAMILY BONDING. Nakatakda magbakasyon out of the country for two weeks si Vilma at ang kanyang pamilya. Bukod sa bonding time, parang regalo na rin niya ito kaugnay ng birthday niya ngayong November 3.

"Asia lang kami. Ang unang plano sana ay sa States. Gusto ko sana manood ng laban ni Manny Pacquiao.

"E, hindi na. Kasi hindi na na-extend 'yong sem break ni Ryan [bunsong anak ni Vilma], e.

"Two weeks na bakasyon lang. Para lang makapahinga. Maka-unwind."

'Yon bang bakasyon niyang iyon e parang honeymoon din ulit nila ni Senator Ralph?

"In a way. Bigyan naman ninyo kami ng time. Kapag dito [sa Pilipinas], wala kaming time."

Pero kasama nila ang dalawang anak nilang sina Luis at Ryan?

"Napakaraming rooms ng hotel, 'no?" sabay tawa ni Vilma.

"No, it's bonding time. It's really bonding time.

"This time, we want to be ordinary. And it can only happen if we will go out of the country.

"Hindi ibig sabihin, ayaw namin sa Pilipinas. It's just... tao rin kami. Napapagod din at naghahanap din ng... teka muna, sandali naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Yong para bang break naman. Makapag-unwind naman. Para fresh ka ulit. Di ba?

"So, that's what we need at this point in time. Kasi pareho kaming nagtatrabaho ni Ralph, e.

"Baka nga hindi makasama si Lucky. Kasi mag-uumpisa na silang mag-taping ng Alta [bagong teleserye ng ABS-CBN].

"Kapag nag-umpisa 'yon, hindi talaga siya makakasama.

"If I'm not mistaken, ngayong October 23 na yata ang simula ng taping nila. E, we're leaving on the 27th."

BIRTHDAY GIFT. Birthday ni Ate Vi on November 3. Ano nga ba ang pinakamahalagang birthday gift na natanggap niya from her family sa mga nakaraang kaarawan niya?

"Pag sa pamilya ko? Alam mo sa pamilya ko, ano lang, e... ewan ko kung maiintindihan n'yo. Sa pamilya ko, bigyan lang nila ako ng asalto kahit mga naka-pajama sila, malaking bagay na 'yon, e.

"Kasi hindi na puwedeng materyal. Marami akong materyal. I mean, modesty aside.

"Pero 'yong... naka-pajama sila, magpi-prepare sila na gugulatin ka bago 12 [midnight]. Na biglang kunwa-kunwari pa, alam mo naman. Na... su-surprise-surprise alam mo namang meron.

"Masaya na ako no'n mga pagdating, 'Mommy, happy birthday!' Tapos meron silang cake.

"Totoo 'yon. Malaking bagay iyon. Kasi they treasure you.

"Pero when it comes to material, meron naman ako."

Lagi niyang sinasabi, priority niya una sa lahat ang kanyang pamilya. Pero ano 'yong mga ginagawa niya dati, bilang ina at asawa, which she really misses doing?

"Wala talaga, e. Ever since ganito na ang buhay ko.

"Maski noon, wala akong nagagawa, e. Ni hindi ko masamahan ang mga anak kong mag-supermarket, e.

"Kasi imbes na ma-enjoy naming mag-shopping, may mga lalapit. Hindi mo naman puwedeng isnabin. Kasi kaya ka naman nandiyan, dahil sa mga taong ito. Pero ma-i-spoil 'yong shopping mo.

"Kaya ang ending, hindi ka matatapos. Pagbibigyan mo sila. Pero ang ending mo is to leave kasi... hindi mo na siya ma-i-enjoy, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ang pinakamasarap sa shopping o pag-grocery, e, 'yong nakikita mo... 'eto gusto ko ito.

"Iyon ang wala sa buhay namin. 'Yong gano'n. At iyon ang hinahanap namin. So ever since, wala kaming gano'n.

"Kung meron man kaming bonding with the family, we always find time for it. But para maging routine everyday, hindi talaga, e. Kasi hindi nga kami ordinaryo talaga.

"Lalo na ngayon nasa politics pa. Artista pa si Lucky. So, hindi talaga normal.

"Masuwerte talaga ako sa mga anak [Luis and Ryan] ko. Iyon lang 'yon.

ON RYAN. Ang bunso niyang si Ryan is now fifteen. May mga nililigawan na nga ba ito?

"Ma at pa!" natawang sabi ni Vilma.

"Pero ang alam ko, may mga naisasama siya sa bahay. Hindi ko naman tinatanong.

"Basta may nakita ako na, 'Mom this is ano... hello!'

"Akong Mommy, 'Oh, you're pretty... o, enjoy... anything you want to eat?'

"Na, 'O, anak you take care of that... huwag lang kayong mag-lock ng pinto!'"

Nawala na ba kay Ryan 'yong dating pagkagusto nitong pumasok din ng showbiz?

"Hindi. Artista pa rin 'yon. Medyo nahu-hold lang siguro ng konti.

"Kasi studies first. Alam niya ang priority.

"Pero kapag may napapanood 'yon, parang gusto niya gano'n din. Na, 'I can do that!'

"Sumasayaw nga. He can sing. He can play drums.

"Pero pag 'yan parang si Lucky no'n, na nang binitawan mo na...

"I think si Ryan gano'n din. Naka-hold pero kapag binitawan mo, bibigay din 'yong artistic side niyan, e.

"Ryan is 15. Fourteen years na akong nasa politics. Sa tingin ko may side din [siya] ng politics, e. Kasi iyon ang nakamulatan niya.

"Everytime we discuss, nakikihalo siya, e. So kahit papaano nando'n siya sa ano na 'yon. Artist and at the same time open siya sa politics na... maybe someday maging public servant."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON LUIS. Si Luis naman, lumilinaw na ba na mahihikayat na itong tumakbo as mayor ng Lipa?

"Wala pa kaming pormal na pinag-usapan ng anak ko. Basta nagdaan lang 'yong usapan namin, 'Anak, just in case ba, you will entertain politics?'

"'Oo naman!' Iyon ang sagot niya.

"Tanong ko sa kanya, 'Are you prepared already?'

"Sabi naman niya, 'Before I enter politics, I will prepare.'

"Hindi na kami nag-elaborate on that. Pero at the end of the day, hindi decision namin. Decision iyon ni Lucky."

Next year, Vilma will be celebrating her golden (50th year) anniversary in showbiz. Ano ang plano niya kaugnay nito?

"Ang plano alam ko... may mga shows. Plano pa lang, ha! Mabuting alam n'yo. Parang... may gagawin ding libro about me.

"Pero ayoko kasing nagbibitaw na hindi pa ako sigurado. Basta... plano.

Pero at the end of the day kasi... my schedule is not easy, e. Para ma-accommodate ko lahat."

Darating ba ang panahong iiwanan na niya nang tuluyan ang showbiz?

"I don't mind someday na mag-Gloria Romero ako. O mag-Susan Roces na ganyan.

"I'm still open to it [showbiz]. Nasa dugo ko talaga, e.

DIREK VI. "'Yong pagdidirek? Dream ko talaga 'yan. Malay mo, baka kung hindi man... direktor ako.

"Hindi pa nawawala 'yong dream kong 'yan. Na someday, I want to direct a movie."

If in case matuloy ang pagdidirek niya, sinong artista ang gusto niyang unang idirek?

"I have no one in mind. Basta... I want to get good actors.

"Basta meron akong isang klase ng pelikula na gusto ko talagang idirek. Isang movie na nangyari 24 oras lang. Gusto ko gano'n.

"Pero tingnan natin. Depende sa schedule ko nga, e."

Sa larangan naman ng politika, honestly, wala pa rin daw siyang plano na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't plan, e. Hindi ko nga alam, e. Bahala na si Darna!" natawang biro pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN