Anne Curtis on box-office success of Vice Ganda's movie: "Siya nga 'yong the one and only Box-Office Gay!"

IMAGE 0


Anne Curtis on back-to-back success of her and Vice Ganda's movies: "Well, regardless, it's still a box-office hit kasi magkaibang genre naman. Napaka-wholesome ng Praybeyt Benjamin compared to No Other Woman. So they're box-office hits in their own ways. I guess the positive thing about this is nabuhay ang industriya ng pelikulang Filipino."


Noong makaabot ng higit sa P250 million ang kinita sa takilya ng No Other Woman—sa loob ng tatlong linggo nito sa mga sinehan—marami ang nagdeklarang ito na ang magiging "highest-grossing film" ngayong 2011.

Tampok sa No Other Woman sina Anne Curtis, Derek Ramsay, at Cristine Reyes.

Pero nang kumita ng P200 million ang pelikula ni Vice Ganda na Praybeyt Benjamin—sa loob lamang ng walong araw nito sa mga sinehan—mukhang mabubura nito agad ang record na naitala ng No Other Woman.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Anne Curtis sa ASAP Rocks noong Linggo, November 6, hiningi namin ang kanyang reaksiyon sa box-office success ng pelikula ni Vice.

"Siya nga yung the one and only Box-Office Gay!" natatawang sabi ng young actress.

Dagdag pa ni Anne, "Of course, sa sister ko lang ang title na yun, kasi when you think about it, he's the only gay who made it this big.

"Sobrang nakaka-proud, especially when I know my co-Viva sister, at sister ko din sa totoong buhay, ang makakakuha ng ganitong karangalan."

Magkasama sina Anne at Vice sa variety show ng ABS-CBN na Showtime.

Pareho rin silang contracts stars ng Viva Entertainment, Inc.

Bukod dito, parehong co-produced ng Viva Films at Star Cinema ang mga pelikula nilang No Other Woman at Praybeyt Benjamin.

Ayon pa kay Anne, "Vice is super-duper happy.

"Ano pa lang, in how many days ano na kaagad...so there's no issue at all.

"I think positivity lang 'yan, same show, and we're both under Viva pa, so super-saya."

Para kay Anne, hindi importante kung alin sa pelikula nila ni Vice ang maging No. 1 sa box-office for 2011.

Aniya, "Well, regardless, it's still a box-office hit kasi magkaibang genre naman.

"Napaka-wholesome ng Praybeyt Benjamin compared to No Other Woman.

"So they're box-office hits in their own ways.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I guess the positive thing about this is nabuhay ang industriya ng pelikulang Filipino."

Dagdag ni Anne, "I was reading nga an article in Inquirer, how they said it's so refreshing to see two films of different genres making it big.

"Any issue being made about it I think should be taken in a positive way."

RUMORED TRANSFER. Samantala, mukhang namatay na nang tuluyan ang balitang lilipat ng raw ng TV5 si Anne dahil nakatakdang gumawa muli ng proyekto ang aktres sa ABS-CBN.

"Abangan ninyo ang mga pasabog ko next year.

"Pipirma ako ng contract really soon.

"I'll have another teleserye in ABS for sure," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN