Baron Geisler on his recovery program: "Parang tinubuan po ako ng utak, e, no'ng nasa loob ako ng rehab."

IMAGE 0


Baron Geisler appears in the remake of Asiong Salonga which stars Governor ER Ejercito in the title role. He plays the role of Asiong's friend who betrays him in the end. Baron is said to be Governor ER's first choice for the role.


Parang ilang at naninibago si Baron Geisler na humarap sa kamera kanina nang mag-guest siya nang live sa Sunday showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi.

Bago siya sumalang sa interview sa kanya ng mga host ng show na sina Cristy Fermin, Mo Twister, Dolly Ann Carvajal, at Ruffa Gutierrez, sa isang sulok ng studio ay nabungaran ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor na alumpihit, panay ang hithit sa hawak na sigarilyo na tila ba ninenerbiyos nga.

Kung sabagay, three months din ang inilagi ni Baron sa loob ng rehab. Ito'y kaugnay na rin ng kagustuhan niyang matigil na ang pagiging alcoholic niya at hindi magandang epekto nito on him psychologically at maging sa kanyang nagiging behavior kapag nalalasing.

Bale unang pagharap niya ulit iyon sa kamera matapos siyang lumabas ng rehab. And in fairness, makikita ang malaking pagbabago sa hitsura ng binata.

Ahit ang kanyang bigote at balbas. Clean-cut ang kanyang hairstyle. Pormal at behave sa kanyang bawat galaw.

Hindi na siya kagaya ng dati na parang barumbado ang hitsura at siga kung umasta.

Nagulat nga pati si Ruffa na biglang "Ma'am" ang tawag sa kanya ni Baron.

And seeing him that way, convincing nga na desidido siyang ituluy-tuloy na ang dati'y hindi niya mapanindigang pagbabagong-buhay.

Naaalala nga namin bago siya pumasok sa rehab, may pahayag siya na, "I'll get back not as a better actor, but a better person."

So, talagang wala na? Hindi na siya talaga nati-tempt kahit tumikim man lang ng alak ngayon matapos nga siyang magpa-rehab?

"Ay, hindi talaga mawawala iyon," ani Baron.

"It's a battle talaga. Pero... I just have to make the right choice."

Noong panahong kasagsagan ng batikos kay Baron dahil sa mga isyu at gulong kinasasangkutan bunsod ng pagiging alcoholic niya, hindi raw siya nagtanim ng galit sa press people na kumakanti sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi natututo rin ako. Sa bawat issue, sa bawat masamang nakasulat, sa dulo naman ay may magandang sinasabi. Kaya... thankful pa rin ako sa press talaga.

"At ngayon nga na nakalabas na ako ng rehab, nando'n talaga 'yong laban, e," na magsimula ng isang bagong buhay ang tinutukoy ni Baron.

BEST BEHAVIOR. Natuwa ang aktor sa balita na si Cherry Pie Picache, isa sa mga nagkaroon ng issue na nabastos niya, nagpahayag na willing daw muling makipagtrabaho with Baron basta behave na raw talaga siya.

"Wow! Thank you... thank you!" nangiting reaksiyon ng binata.

"Grabe! I'm so blessed to hear that. Thank you!

"I would like to work with you again... Ma'am!" mensaheng nasabi pa niya for Cherry Pie.

Nakausap na ba niya ang iba pang nagkaroon din ng reklamong pambabastos laban sa kanya gaya halimbawa ni Yasmien Kurdi, at ang dalagang anak nina William Martinez at Yayo Aguila na si Patrizha?

"Wala pa pong pagkakataon," sagot ni Baron.

"Kasi may kaso pa nga po ngayon. So, right now, I'm just leaving that to my lawyers. Sila po muna ang bahala roon."

ACTING CAREER. Laking pasasalamat daw ni Baron na sa kabila ng mga nangyari at pinagdaanan niya, may mga tao pa ring nagtitiwala sa kakayahan niya bilang isang magaling na aktor. May acting career pa rin siyang binabalikan sa ngayon.

"The reason I'm here din is... ang laking bagay ni Governor ER [Ejercito ng Laguna]. At saka kay Direk Tikoy Aguiluz. At saka sa manager kong si Arnold Vegafria.

"Kaya may career pa rin ako, because of these people who believe in me. And thankful po ako sa lahat ng tulong nila," saad niya.

Maganda nga ang character na ginagampanan ni Baron sa remake ng Asiong Salonga na pinagbibidahan ni Governor ER. Challenging at talagang markado.

Kaibigan ni Asiong ang kanyang papel na sa bandang huli ay siya palang papatay rito. At first choice siya mismo ni Governor ER for the said role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyempre pa, malaking bagay rin na nandiyan lang lagi at nakasuporta sa kanya anumang oras ang kaniyang pamilya.

"Sobrang thankful nga rin ako kay Mom. At saka sa brother ko at sa sisters ko. Sobrang supportive talaga sila.

"Tapos natutuwa rin ako na si Mommy, sumasama sa akin sa mga Bible study. So natutuwa ako na may bond na kami ngayon.

"It sounds corny but... it's true. Thank you Mom, I love you!"

Looking back, may panghihinayang ba o regret siyang nararamdaman sa mga nangyari sa buhay niya at sa mga maling nagawa niya?

"May konti pong panghihinayang. Parang tinubuan po ako ng utak, e, no'ng nasa loob ako ng rehab.

"Uhm... I just really have to be smart about things. 'Yon lang."

REHAB. What was rehab like?

"It's very, ah... good. Uhm... you get to meditate. I get to process things and use my good judgment."

Kapag naaalala niya ang dating Baron Geisler na kapag nakakainom ay laging nasasangkot sa mga gulo at kung ano pang hindi magagandang issue, ano ang nararamdaman o pumapasok sa isip niya?

"Nakikita ko lang na parang isang phase sa buhay ko iyon. So, parang ibang yugto na ngayon."

And now, he's looking forward to starting a new phase in his life. What are his plans?

"Now I'm focusing on my recovery pa rin.

"Kung may dumatiung na mga blessings [trabaho], then bonus na lang 'yan.

"But right now, I think... for me, it's focusing to be a better person.

"Right now, I'm doing Asiong Salonga. And hopefully may dumating na iba pa. I miss TV," panghuling nasabi ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN