Alex Gonzaga refuses to comment on controversy involving her sister Toni and Mariel Rodriguez

IMAGE 0


"Ayoko nang magsalita. Kung ano na lang yung sinabi ng ate ko, siguro yun na lang yun. Kasi hindi ko naman nakakasama si Ate Mariel. Tapos at the same time, hindi rin naman namin yun napag-uusapan ng ate ko," says Alex Gonzaga (in photo) on controversy involving her sister Toni with Mariel Rodriguez.


Isang linggong ipinagdiriwang ng Juicy Express, ang morning showbiz talk show ng TV5, ang kanilang ikatlong anibersaryo na nagsimula kahapon ng umaga, September 26.

Pinakamasaya nga sa hosts nito si Alex Gonzaga dahil originally, solo lang siya nang magsimulang umere ang show noong 2008.

Naging ka-tandem naman ni Alex si IC Mendoza pagkatapos ng first season.

Last year ay mas dumami pa ang hosts ng Juicy at nadagdag nga sina Cristy Fermin, Mo Twister, at Shalala.

"Siyempre, masayang-masaya ako kasi tatlong taon na ang Juicy. Mula sa paggiging solo host, nakasama ko nga si IC.

"Tapos kasama na namin ngayon sina Nanay Cristy, Mo, at Shalala.

"Siyempre, the more, the merrier, di ba? Kaya mas masaya yung show.

"Mas kumpleto at mas maraming inputs mula sa hosts. Mas marami rin kaming nake-cater na audience.

"Nagpapasalamat kami sa TV5 dahil tuluy-tuloy lang ang show namin kahit iba-iba na ang naging timeslot namin.

"Ngayon nga ay napapanood na kami tuwing 11 o'clock ng umaga, Mondays to Fridays.

"Thankful din kami sa mga manonood at sa mga press people na patuloy na sumusuporta sa amin," sabi ni Alex.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex kahapon pagkatapos ng live airing ng Juicy Express sa Studio B ng TV5 sa Novaliches.

Ine-expect ba ni Alex na tatagal ang show nila?

"Siyempre nung una, parang kahit isang season [lang] masaya ka na.

"Tapos, bumilang ng isang taon. Dalawang taon, at ngayon nga nasa third year na kami.

"Sa itinatakbo ng show namin, siyempre masayang-masaya kami.

"So, sana mas maraming taon pa. Mas tumagal pa. Sana habang may showbiz, may Juicy."

Ano sa tingin niya ang strength ng Juicy kaya nagtatagal ito?

"Ang strength talaga ng show feeling ko ay ang hosts. Kasi, pag wala yung isa, parang hindi na kumpleto.

"Kaming lima kasi, iba-iba yung nake-cater namin na audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag pinagsama-sama mo, isang buo, so mas maganda.

"Bawat isa sa amin may personality at characteristic na iba sa kasama naming hosts, kaya yung mga audience namin nakaka-relate.

"Puwede kang mamili sa amin kung kanino ka nakaka-relate at kung kaninong opinyon ka sumasang-ayon."

AVOIDING ALEX? Dahil sa ilang pagbubulgar nila sa show, may mga artista na ba na umiiwas sa kanya sa takot na mailabas ang mga sikreto nila?

"Mero'n naman. Kinakausap ako nung ibang friends ko na artista.

"Tapos yun, napag-uusapan naman nang maayos.

"Alam naman nila na trabaho lang. At saka alam naman nila kapag sila ang napag-uusapan at nagku-comment yung ibang hosts.

"Siyempre, hindi ko naman mapipigilan, o mababago kung anuman yung opinyon nila.

"All I can do is say my opinion and defend them," saad niya.

COMPETING WITH MY SISTER? Nararamdaman niya ba na mas pinagkukumpara sila ngayon ng ate niyang si Toni Gonzaga dahil pareho na silang showbiz talk show hosts?

"Sa tingin ko, hindi na kami naku-compare ngayon.

"Kasi, achievement-wise, mas marami namang naging achievements ang ate ko.

"At saka matagal na rin siya sa industriya. Marami na siyang napatunayan.

"So, kung sinasabi man ng iba na ginagaya ko ang ate ko, okay lang sa akin.

"Kung mero'n mang nakakapag-inspire sa akin para mas pagbutihan ang trabaho ko, o kung mero'n man akong iidolohin, iyan ay ang ate ko na laging pinagbubuti ang trabaho niya."

Si Toni ay isa sa mga hosts ng Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz.

OUT OF TONI'S SHADOW? Ano naman ang comment niya na may mga nagsasabing nakagawa na rin siya ng pangalan niya sa showbiz higit sa pagiging kapatid ni Toni?

"Wow, siyempre natutuwa ako sa mga taong sinuportahan din ako at naniwala sa akin kahit na sinuportahan din nila ang kapatid ko.

"So, thank you dahil hindi sila nakuntento sa isang Gonzaga. Sinusuportahan din nila yung isa pang Gonzaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi niya sa biro ng ate niya na pinag-guest na rin siya sa upcoming 10th anniversary concert nito na Toni @ 10 para raw makatipid sa budget?

"Oo nga, e. Pero alam mo, kailangan din niya ako para mapuno ang venue," ganting biro ni Alex.

"Kasi, hindi bibili ang ibang pinsan namin pag hindi ako kasama sa concert.

"Malaki ang angkan namin kaya kailangan niya ako roon. Chos!"

TONI-MARIEL ISSUE. Ayaw namang mag-comment ni Alex tungkol sa umano'y nanariwang away nina Toni at Mariel Rodriguez.

"Ayoko nang magsalita. Kung ano na lang yung sinabi ng ate ko, siguro yun na lang yun.

"Kasi hindi ko naman nakakasama si Ate Mariel. Tapos at the same time, hindi rin naman namin yun napag-uusapan ng ate ko."

P.S. I LOVE YOU. Bukod sa Juicy, malapit na ring mapanood sa panibagong teleserye ng TV5 si Alex, ang P.S. I Love You.

Paglilinaw ni Alex, hindi ito remake ng pelikulang pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noong 1981.

"Sequel ito after 30 years. Bagong kuwento po ito.

"Yung original character ni Mr. Gabby Concepcion gagampanan pa rin niya dito sa sequel bilang kasama sa cast.

"Tapos yung kay Ms. Sharon naman ay gagampanan ni Ms. Dina Bonnevie ngayon.

"Kami naman yung next generation cast."

Ano ang role niya rito?

"Anak ako dito ni Ms. Dina. Ang pangalan ng character ko ay si Andrea Tuazon.

"Maraming twists at revelations ang istorya kaya dapat n'yo pong abangan," sabi ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN