PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."

IMAGE 0


Heart Evangelista (in photo, with boyfriend Daniel Matsunaga) on the lessons she learned in 2011: "You can't beat yourself too much. Hindi mo puwedeng parusahan ang sarili mo with things. Because...you can never make everybody happy. You can never be perfect for everybody. So, siguro gano'n na lang...you can never be the only one and the only best. Ina-appreciate ko na lang 'yong mga taong nagmamahal sa akin. At 'yong mga hindi nagmamahal sa akin, that's why siguro


Sabay na dumating sina Heart Evangelista at boyfriend niyang si Daniel Matsunaga sa Christmas party ng Mercator Model and Artist Management ni Jonas Gaffud noong Miyerkules ng gabi, December 14.

Si Daniel ay isa contract models-artists ng Mercator, samantalang si Heart naman ay naging malapit na rin sa mga kasamahan dito ng boyfriend.

"Daniel will be spending Christmas with us," banggit ni Heart nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa plano nila this holiday season.

"Kasi 'yong family niya, nasa Brazil. So, sa amin siya magki-Christmas.

"And then, I might go to Hong Kong for a few days after.

"And then, balik-trabaho."

Sino ang kasama niyang pupunta ng Hong Kong?

"Family naman," sagot ng Kapuso actress.

Maiiwan si Daniel?

"Yes. I think he has to stay. Because may mga trabaho siya."

UPCOMING PROJECTS. Si Heart din ay may mga bagong pagkakaabalahan na naman.

"I have Legacy," pagtukoy niya sa upcoming primetime series niya sa GMA-7.

"Also, I know I'll be doing two movies by January and February under Viva Films.

"'Yong isang movie is Pagpag, na suspense-thriller.

"Tapos the other one, parang love story naman.

"So, from relaxed mode, medyo magiging busy na naman ako."

Wala bang project para sa kanilang dalawa ni Daniel?

"Kasi the thing is...he's with Regal, I'm with Viva.

"But in a way, I guess it's also good na rin.

"But if ever, I won't mind."

CHRISTMAS GIFTS. Nagbigayan na ba sila ng Christmas gift ni Daniel?

"Hindi pa," nakangiting tugon ni Heart.

May naiisip na ba siyang ibibigay niya sa kasintahan?

"Actually, nawawalan na ako ng idea.

"Kasi kaka-birthday lang niya no'ng November 28.

"So, binigyan ko siya ng sapatos na may piso."

Si Daniel, may naka-ready nang regalo sa kanya para ngayong Pasko?

"Siguro. Ewan ko.

"Pero he always comes up with something really fun...exciting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nae-excite na ako do'n."

PERFECT COUPLE? Ang tingin ng marami, perfect couple daw sina Heart at Daniel.

"Sana nga... Kailangan ma-maintain ko ang figure para mudel!" pagpapatawa ni Heart.

Hindi naman itinatanggi ng aktres na napag-uusapan na nila ni Daniel ang tungkol sa kasal.

"Yeah! Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me.

"And I'm really, really flattered na gano'n na 'yong intention,

"At least, di ba? I have nothing to worry about.

"But, a...of course the date...it's still very far away.

"Kasi nga, siyempre, we have to be realistic.

"You know, I think we need to work.

"And we're both young. And we have so much that we want to do.

"So, it's nice that we think about it. That's good enough for now.

"And then to follow na lang kung kailan ang tamang panahon para do'n."

Ano ba ang dream wedding niya?

"Ako? Simple lang.

"Actually, I wanna have the opposite wedding of what I am with my life na showbiz, ganyan.

"But, of course, I want everybody to see. Di ba?

"But I really want it to be simple and happy."

Nakakaintriga ang dalawang magaganda at mukhang mamahaling singsing na suot ni Heart noong gabing yun.

Isa ba sa mga ito ay bigay ni Daniel?

"Wala, actually. Puro sa akin ito!" natatawang sabi niya.

MO TWISTER. Kagagaling lang ni Heart sa New York.

Nagkita ba sila doon ng close friend niyang si Mo Twister, na biglang-bigla ay tinalikuran ang career dito sa Pilipinas?

"No. I didn't see him," sagot niya.

Isa si Heart sa very vocal sa pagsabing nalulungkot siya sa pag-alis ni Mo sa Pilipinas.

Aware ba ang aktres tungkol sa mga isyu at kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng controversial DJ-TV host at ng ex-girlfriend nitong si Rhian Ramos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oh, my gosh! I really don't know what to say about that...with what happened.

"But I wish both of them best," sabi ni Heart.

Bakit nga ba ayaw niyang umalis sa Pilipinas si Mo?

"Because he's a good friend.

"But I really didn't know what had happened!" bahagyang natawa ulit na sabi ni Heart.

"We're good friends. And we have common friends from Genesis, like si Donita [Rose]."

Ang Genesis ang talent management ni Angeli Pangilinan-Valenciano, na dating manager ni Heart.

Nakita ba niya 'yong pinag-uusapang video ni Mo kaugnay ng maintrigang usapin tungkol sa kanila ni Rhian?

"No," sabi ni Heart.

"And I really didn't want to see it.

"Theres' so much going on with the showbiz industry these days.

"So, parang ayoko nang makialam."

Lalo't tahimik at masaya ang buhay niya ngayon?

"Yeah!" pagsang-ayon ng aktres.

"And also because I have so much that I'm thinking about.

"Ang dami ko ring mga pinaplano sa buhay ko. So, parang...di ba?

"At saka parang ang dami nang nagbi-view ng video nila na 'yon.

"So, kawawa naman silang dalawa [Mo and Rhian]."

ROLLER-COASTER RIDE. Patapos na ang kasalukuyang taon. How does Heart assess her 2011?

"Uhm...it was a roller-coaster ride," nakangiti niyang sabi.

"I think I'm the only one in show business my age that has had a roller-coaster life in show business.

"But, uhm...I guess nangyayari 'yon dahil may mga imperfections ka na kinu-correct ni God.

"And He allows it to make you stronger for a bigger purpose.

"So, siguro ano siya...roller-coaster.

"But to top it all, it was still a great year.

"I'm still blessed. Ang dami pa ring blessings.

"And at the end of the year, God has been providing.

"So, I feel good.

"And I would like to say I made all the right decisions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko naman na mag-regret kasi ang sakit naman no'n na mag-regret ka nang mag-regret.

"So, I'd like to believe I made the right choices.

"I'd like to believe that if ever I had a situation in life na may nangyaring ganito o ganyan, I didn't mean to step on anybody.

"I just did the right thing. Gano'n na lang."

LESSONS LEARNED. Ano naman ang natutunan niya sa mga nangyari sa kanya nitong buong taon?

"You can't beat yourself too much.

"Hindi mo puwedeng parusahan ang sarili mo with things.

"Because...you can never make everybody happy.

"You can never be perfect for everybody.

"So, siguro gano'n na lang...you can never be the only one and the only best.

"Ina-appreciate ko na lang 'yong mga taong nagmamahal sa akin.

"At 'yong mga hindi nagmamahal sa akin, that's why siguro there are other artistas that they can idolize!" tawa ni Heart.

Dagdag pa niya, "Kaya gano'n na lang.

"Mahirap naman na problema ka sa lahat-lahat."

A GREATER YEAR. Ano naman ang inaasahan niya sa parating na year 2012?

"2012? I wish it would be a greater year," sambit ni Heart.

"Meaning in a way...not when it comes to being famous or anything but...

"I would really like to use what I've learned and what I've done for the past ten...eleven years in show business.

"And use it in a better cause, like to help or to be involved more with things that are happening in the world.

"I really wanna do something great. Not just when it comes nga to show business.

"But I wanna help more. I wanna be exposed to things I was never exposed to."

And her New Year's resolution?

"To be a better person," sagot ni Heart.

"We always want to be better and better.

"Kasi siyempre, we're all normal and we still have things that we have to improve about ourselves."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN