Heart Evangelista and Daniel Matsunaga: "We are still together!"

IMAGE 0


Heart Evangelista on when she and boyfriend Daniel Matsunaga will settle down: "That has been the question sa amin ni Daniel since day one pa! But we always say na hindi pa ito ang tamang panahon. Marami pa kaming kailangang gawin and we have to look into the future. What's the best thing to do? Ano pa ang dapat naming gawin sa relationship namin? So many things talaga."


"We are still together!"

Ito ang sabay na pahayag ng magkasintahang Heart Evangelista at Daniel Matsunaga nang makausap sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Thanksgiving dinner ng Mercator Model and Artist Management na ginanap sa Casa Pura sa Scout Rallos, Quezon City, kagabi, December 14.

Ang Mercator ay pinamamahalaan ng talent manager na si Jonas Gaffud. Isa sa talents niya si Daniel, na boyfriend naman ni Heart.

Matagal kasing hindi nakita sina Heart at Daniel in public kaya marami ang nag-aakalang may problema ang kanilang samahan.

Pero sa aming nasaksihan, sweet na sweet sina Heart at Daniel sa isa't isa at walang anumang bakas na nagkaroon sila ng problema.

Nagsimula ang intrigang hiwalay na ang dalawa nang hindi sumama si Heart sa birthday celebration ni Daniel sa Palawan last November 29.

Umuwi pa naman ang pamilya ni Daniel mula sa Brazil para sa kaarawan ng model-actor.

Bukod dito, may balita ring tinanggal daw si Daniel sa cast ng upcoming GMA-7 primetime series na Legacy, kunsaan isa sa lead cast si Heart.

Usap-usapan na may mga taong pinaghihiwalay na raw ang dalawa.

CLEARING THE RUMORS. Pero kagabi ay sabay pang nagpa-interview sina Heart at Daniel upang pabulaanan ang mga lumabas na balitang hiwalay na sila.

Ayon kay Heart, "Matagal kasi kaming hindi nakita in public ni Daniel kaya siguro they thought na we are having problems na.

"It's not true.

"As you can see, kaming-kami pa and we're very happy."

Pinabulaanan din ni Heart na may nagbawal sa kanyang sumama sa Palawan noong birthday ni Daniel.

Aniya, "That's not true. I read about that and I find it so funny.

"Bakit naman ako pagbabawalan?

"I'm in a relationship and I can do whatever I want naman, di ba?

"Hindi na uso yung bawal-bawal sa edad kong ito."

Paliwanag pa ng 26-year-old actress, "Hindi ako nakasama because of some unavoidable circumstances.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam iyon ni Daniel kaya may ginawa ako to make his birthday a good one kahit wala ako."

Ayon naman kay Daniel, hindi nakasama si Heart sa kanyang birthday celebration sa Palawan dahil naka-schedule nang lumipad ang aktres papuntang New York kasama si Senator Miriam Defensor-Santiago.

Pero in-advance na raw ng girlfriend ang birthday gift nito para sa kanya.

Kuwento ni Daniel, "Heart surprised me last November 16 with an advanced birthday party.

"Because she was going to leave for the U.S. at the end of the month, she decided to surprise me early.

"She prepared a big dinner courtesy of their restaurant Barrio Fiesta—all the delicious Filipino foods are there.

"There was singing, dancing, and everything you ever wanted in a party.

"She even gave me a big birthday cake with my favorite sport, which is football, as decorations on the cake.

"It was a beautiful surprise and I couldn't believe that she went all through that just for me.

"So Heart was a part of my birthday talaga.

"She just gave it to me in advance kasi hindi siya makakasama sa Palawan with my family.

"I like to thank her for making me so happy during the surprise party she gave me.

"It was simply unforgettable."

LEGACY.Tungkol naman sa Legacy, hindi raw alam ni Heart na part si Daniel ng cast.

Ang alam niya ay may ibang show na gagawin si Daniel—ang afternoon soap na Prodigal Daughter kunsaan bida si Kylie Padilla.

Saad ni Heart, "Wala akong alam that Daniel was part of Legacy. Ang partner ko naman doon is Geoff Eigenmann.

"I don't know kung sino pa ang nasa cast, except sa mga alam ko na sila Lovi [Poe] and Solenn [Heussaff].

"What I know is that Daniel has a different show."

Para naman kay Daniel, mas okey na hindi sila pagsamahin ni Heart sa isang show para mas maayos ang maging trabaho nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas nakakapag-concentrate daw sila sa magkaibang trabaho nila sa TV.

Saad ng Brazilian-Japanese hunk, "I guess it's better that we have different shows because it gives us this chance to work with different people.

"We cannot work with one another all the time.

"It's a good thing that we have different jobs.

"We don't have to worry about one another on the set."

Okey rin daw kay Daniel na muling matatambal si Heart kay Geoff.

Aniya, "Geoff is a nice person. I worked with him last year in Grazilda and we've became good friends after that.

"I know that Heart and him have worked in a movie and a TV show before. It's a good project for them.

"I don't have to worry because I know that Geoff is mabait and he also has a girlfriend.

"Kaya okey lang!" tawa pa ni Daniel.

STRONGER THAN EVER. One year and four months na ang relasyon nina Heart at Daniel. Lalo raw tumitibay ang kanilang relasyon.

Pero kung tatanungin sila tungkol sa pagpapakasal, matagal pa raw mangyayari iyon dahil marami pa raw silang dapat pag-ipunan.

"That has been the question sa amin ni Daniel since day one pa yata!" natatawang sabi ni Heart.

"But we always say na hindi pa ito ang tamang panahon.

"Marami pa kaming kailangang gawin and we have to look into the future.

"What's the best thing to do? Ano pa ang dapat naming gawin sa relationship namin?

"So many things talaga.

"That's why we are constantly reminded of what we must do first.

"Trabaho ang unahin namin para makaipon kami.

"We have lots of time at hindi naman kami nagmamadali, e.

"Like what I said before, there is a proper time for everything. Darating din ang tamang panahon.

"Huwag nating pangunahan ang mga gusto ng Diyos para sa atin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THEIR CHRISTMAS. Sa Pasko ay magkasama raw sina Heart at Daniel.

Magno-Noche Buena sila sa bahay ni Heart on Christmas eve.

Sa December 25 ay sa bahay naman ng sister ni Daniel na si Vanessa Matsunaga-Sunga sila pupunta.

Ayon kay Heart, "We already planned it and if everything goes well, it will be a very beautiful Christmas for both of us.

"Happy ang Pasko ko!"

Dagdag naman ni Daniel, "This is our second Christmas as a couple and each time, we are getting stronger and getting better as individual people.

"This is one of my most unforgettable Christmases of my life and I am so happy to be sharing it with Heart."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN