Ruffa Gutierrez is proud of younger brother Raymond's success outside showbiz

IMAGE 0


Masaya si Ruffa Gutierrez sa success ng brother niyang si Raymond sa larangan ng publishing. Aniya, inspiring ang kanyang kapatid dahil pakiramdam niya ay magiging pinakamayaman ito sa pamilya. Kaya naman priority ngayon ng aktres ang mas kumita at makapag-ipon para sa kinabukasan niya at ng mga anak, kaysa atupagin ang kanyang lovelife.


Seksing-sexy si Ruffa Gutierrez nang dumalo siya sa launch party ng Philippine edition ng Esquire magazine noong October 5 sa The Peninsula Manila.

Suot niya ang isang revealing bronze gown na dinisenyo ni Rajo Laurel. (CLICK HERE to view full photo.)

Bakas sa mukha at kilos ng Paparazzi host ang kasiyahan noong gabing iyon.

Hindi kaya dahil blooming na naman ang kanyang lovelife?

"Lovelife? Wala nga! Wala akong lovelife," paglilinaw ng dating beauty queen.

Bagamat namataan sa party ang rumored boyfriend niyang si Eduardo Puertas, isang Brazilian businessman, iginiit ni Ruffa na "single and happy and fabulous" ang kanyang status sa ngayon.

"Marami tayong dapat intindihin," dagdag niya.

"Dapat kumita tayo. Dapat maging fabulous. Dapat intindihin natin ang future," saad ni Ruffa, na nagpapahiwatig na mas priority niya ngayon ang kanyang finances kaysa love life.

PROUD OF RAYMOND. Tila na-inspire naman si Ruffa na lalong mag-pursige sa trabaho at magpayaman dahil sa nakababatang kapatid na si Raymond Gutierrez.

Bukod kasi sa paghu-host ng weekly shows na Showbiz Central at Party Pilipinas, very busy si Raymond sa pagsusulat.

Ani Ruffa, "First of all, I'm very proud of Raymond. He really decided not to be an actor like his twin, Richard.

"He really decided to go the other route na hindi namin ine-expect talaga.

"He's very talented and feeling ko nga, siya ang magiging pinakamayaman sa aming lahat.

"You know, lahat kami kumikita—artista. Pero lahat kami gastador.

"Si Raymond, masinop siya sa pera niya. He just bought a condominium with his earnings.

"I'm very proud of him. At least, napu-fulfill na niya yung dreams niya."

Ayon kay Ruffa, inspiring ang writing career ni Raymond para sa kanya.

Nag-umpisa kasi ito bilang contributor, hanggang sa kalaunan ay naging columnist sa The Philippine Star at society editor ng Preview magazine.

Ngayon, si Raymond ay style director na ng Esquire Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm so proud of you bilang kapatid," ani Ruffa bilang mensahe kay Raymond.

"Talagang you worked so hard. Alam ko, sa umpisa ang liit lang ng sweldo mo. Pero hindi mo pinansin 'yon.

"Talagang you followed what you believed in. You followed the desire in your heart, and now, you're really getting places."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN