Mark Lapid reveals rules with wife Tanya Garcia when it comes to their marriage

IMAGE 0


Mark Lapid on putting his political career on hold: "Sa politics, wala na muna siguro. I'm in the tourism industry, so dito muna siguro ako. Quiet life. At least, ma-enjoy ko muna ang mga kids ko while they are young. Kapag kasi sumabak na ako sa pulitika, alam kong mababawasan ang time ko. Make the most out of it muna."


Nagdiwang ng kanyang unang kaarawan Mark Lapid at Tanya Garcia na si Matilda Annika—o Mattie—noong Sabado, October 29, sa events place ng mga Lapid sa Porac, Pampanga.

During the party, kapansin-pansin ang pag-aasikaso ni Mark sa mga bisita, pag-iistima sa mga handang pagkain, at ang pagkarga at pag-aalaga sa kanyang mga anak.

Game din si Mark sa parlor games at kasama rin siyang nanood ng inihandang magic show ng isang magician na minsan nang naging contestant sa Pilipinas Got Talent, ang talent search ng ABS-CBN.

Ayon kay Mark, pinaghahandaan daw talaga nila ni Tanya ang birthday ng kanilang mga anak, lalo pa nga't first birthday ng bunso nila.

"First birthday kasi, para naman yung pag-welcome sa kanya, napaka-jolly.

"At the same time, magkaroon siya ng memory pagtanda niya.

"Kasi, not everytime naman kaya naming ibigay sa kanya."

Kinunsidera raw nila ang mga kamag-anak nila, lalo na sa side nila sa Pampanga na malamang ay hindi makakarating kung sa Manila ginawa ang party.

"Yung kay Mischa kasi noon, ginawa naman namin yun sa Manila. First birthday rin yun.

"So, ngayon, dito naman. Parang hati na lang, pareho rin na mapagbigyan."

MARRIED LIFE. Kinumusta rin namin kay Mark ang pagsasama nila ni Tanya.

"Happy and very much contented," nakangiti nitong sabi.

"Siyempre, at first, nandoon ang adjustment sa bawat isa.

"Kasi, bago kami magkakilala, may kanya-kanya kaming buhay. May sarili kaming trabaho.

"So, konting adjustment din."

Ipinaalala namin kay Mark na bukod do'n, may mga intriga rin sila na pinagdaanan sa simula ng kanilang relasyon. Marami rin ang nagsabi na hindi sila magtatagal at magkakahiwalay rin.

Pagkatapos ng lahat ng ito, ano ang pakiramdam niya na napatunayan nila na masaya ang kanilang pamilya ngayon?

Sabi ni Mark, "Basta kami, ang rules namin, 'Give and take tayo. At saka, unang-una, palagi tayong mag-uusap. Kapag may konting diperensiya, huwag nating pababayaan na hindi mag-uusap.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARK RETURNS TO THE BIG SCREEN. Samantala, natapos na raw ni Mark ang mga eksena niya sa pelikulang Panday 2 ni Senator Bong Revilla.

Tinatapos naman niya ngayon ang PACER, isang TV series daw na tungkol sa mga pulis in action. Ito ay mula sa direksiyon ni Romy Suzara from an independent production.

Kuwento ni Mark, "I think they will offer it to a TV network. Sa PNP [Philippine National Police] ito, which is okay rin naman, gobyerno pa rin ang pinagsisilbihan.

"Yung taping ko, meron pa siguro akong naiiwan na mga three days pa."

Hindi pa rin niya kayang talikuran ang showbiz?

"Ay, hindi, 'yan ang kinalakihan namin.

"'Yan ang ikinabuhay namin at siyempre, diyan na rin kami nagkaroon ng asawa.

"Nandiyan na talaga kami. Hindi mawawala," saad ng anak ni Senator Lito Lapid.

May balak din ba siyang magbalik sa pagpo-produce ng pelikula?

"Meron naman. Kaming dalawa ng tatay ko, si Senator.

"Pero naghihintay muna siguro kami ng magandang concept at istorya."

WHAT ABOOT POLITICS? Kinumusta rin namin kay Mark ang pulitika at kung wala na ba siyang planong tumakbo muli.

Matatandaang nanilbihan bilang governor ng Pampanga si Mark, at ngayon ay tumatayong general manager ng Philippine Tourism Authority.

Aniya, "Sa politics, wala na muna siguro.

"I'm in the tourism industry, so dito muna siguro ako. Quiet life.

"At least, ma-enjoy ko muna ang mga kids ko while they are young.

"Kapag kasi sumabak na ako sa pulitika, alam kong mababawasan ang time ko.

"Make the most out of it muna."

TANYA GARCIA. Wala rin daw problema kay Mark kung balik na sa showbiz si Tanya ngayon.

"No problem, no problem," nakangiti niyang sabi.

"Kahit ako naman, nagso-showbiz pa.

"Okay lang naman as long as naa-adjust namin na hindi napapabayaan ang mga bata."

Hindi rin itinanggi ni Mark ang sinabi ni Tanya sa hiwalay na panayam sa kanya ng PEP na bawal na siyang makipag-kissing scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Mark, "Bawal. Kahit sa akin naman, bawal.

"It's not for us, pero para rin sa mga anak namin.

"Wala nang ganoon, hindi naman kailangan, e."

Ikinasal na silang dalawa sa isang civil wedding last year. Pero may plano pa rin daw sila na magpakasal sa simbahan.

Although, isa rin sa wish nila ay ang magkaroon ng baby boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN