Tanya Garcia juggles time between family and showbiz career

IMAGE 0


Tanya Garcia on throwing a big party for her second daughter's first birthday: "Kasi, 'di ba, pareho kami ni Mark na hindi talaga namin na-enjoy ang bonggang party? Like ako, palaging magkakasunod kaming apat na magkakapatid na nagbe-birthday, so palaging magkakasabay kaming apat. Sina Mark naman, wala talaga. So, sabi talaga namin, hangga't kaya, hangga't bata, siyempre gusto mo nag-e-enjoy naman sila."


Punong-abala si Tanya Garcia sa idinaos na first birthday party ng second daughter nila ng mister niyang si Mark Lapid last Saturday, October 29.

Nagdiwang ng kanyang unang kaarawan si Matilda Annika o Mattie sa event hall—ang Marissa Hall—ng mga Lapid sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Tanya, sulit naman ang lahat ng preparations nila for the party dahil sa kasiyahan ng anak.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tanya sa party, ikinuwento nito ang pagiging hands-on mom niya kahit nagbabalik na rin siya sa pag-arte.

"Kilala mo naman ako, ako talaga ang lahat na nag-ayos.

"Kahapon [October 28], kahit galing ako ng taping, dumiretso talaga ako dito.

"Kasi, kagabi pa lang, nag-set-up na sila ng venue. So, binantayan ko."

"Dora in the Candyland" ang theme ng first birthday party ni Mattie. Favorite daw kasi ng anak nila ang cartoon character na si Dora.

Dagdag pa ni Tanya, "At ang nakakatuwa, na-enjoy talaga ni Mattie ang party. Nagustuhan niyang talaga.

"Kasi, ano 'yan, moody talaga si Mattie. Super moody 'yan.

"Mas si Mischa pa ang super okay kapag maraming tao.

"Pero si Mattie kasi, sobrang nangingilala kaya nagulat kami na nag-enjoy talaga siya."

May dahilan si Tanya kung bakit kapag birthday ng dalawang anak niya ay sinisigurado nilang maibigay nila ang best party para sa mga ito.

Ayon sa aktres, "Kasi, 'di ba, pareho kami ni Mark na hindi talaga namin na-enjoy ang bonggang party?

"Like ako, palaging magkakasunod kaming apat na magkakapatid na nagbe-birthday, so palaging magkakasabay kaming apat.

"Sina Mark naman, wala talaga.

"So, sabi talaga namin, hangga't kaya, hangga't bata, siyempre gusto mo nag-e-enjoy naman sila."

Bakit sa Porac nila naisipang idaos ang party at hindi sa Manila, kunsaan doon na rin sila halos nakatira dahil nag-aaral na ang panganay nilang si Mischa?

Paliwanag naman ni Tanya, "Bilang ito po ay hall ng mommy ni Mark [Marissa Lapid], at the same time, malapit sa mga kamag-anak nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO ACTING. Masaya naman si Tanya sa pagbabalik niya sa pag-arte. Kasama na rito ang mga natatanggap niyang comments at reviews sa acting niya sa afternoon soap ng GMA-7 na Ikaw Lang Ang Mamahalin (ILAM).

"Masayang-masaya ako kasi full-length soap ito.

"Ito yung una kong full-length soap ulit at saka magaganda yung reviews talaga ng mga bosses ng GMA.

"Kaya sobrang natutuwa ako tapos ang taas pa ng rating ng ILAM.

"Nakakatuwa rin, minsan may nagbibiro, mas malalim pa raw akong umarte ngayon, artista na raw ako!" natatawang sabi pa niya.

Patuloy ni Tanya, "Pero alam mo yun, nakakatuwa kasi nag-mature na rin ako, hindi lang sa pag-arte kung hindi maging sa totoong buhay."

Posible kayang sunud-sunod na ang pagtanggap niya ng acting assignments?

"Sana... Why not, 'di ba?" nakangiti niyang sabi.

Wala naman daw nagiging problema kay Mark kung balik-showbiz man si Tanya, gayundin sa mga anak nila dahil nabibigyan pa rin daw niya ang mga ito ng kaukulang atensiyon.

"Ngayon kasi, nakakapag-twice or thrice [taping days] the most a week kami.

"Alam din naman kasi ng GMA or mga staff namin na hindi ko talaga kaya tulad ng dati na talagang araw-araw. At saka, may mga anak na ako.

"Like kagabi, nagpaalam ako. Sinabi ko na, 'Maaga po akong uuwi, Direk, kasi may party ang anak ko kinabukasan.'

"Pinayagan naman nila ako. Basta magpaalam ka lang."

LIMITATIONS. Pagdating naman sa limitasyon sa role o mga eksenang gagawin, wala naman daw masyadong ipinagbabawal si Mark kay Tanya.

Pero siyempre, given na raw na hindi na siya puwede sa kissing scenes.

"Yun ang bawal!" natatawa niyang sabi.

Noong dalaga pa si Tanya ay nakapag-pose na rin siya para sa men's magazine na FHM. If ever kaya may mag-offer muli sa kanya to pose nang ganun, papayag kaya siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, 'yan ang imposible!" bulalas niya.

"Unang-una, hindi ako papayagan ni Mark. Conservative kaya yun!"

Nnag tanungin naman kung masaya siya sa kanyang marriage life, mabilis at nakangiting sagot ni Tanya: "Oo naman! Super!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN