Lovi Poe draws inspiration from late father for her acting; keeps mum about her inheritance from FPJ

IMAGE 0


Lovi Poe on her late father Fernando Poe Jr.: "Siguro hindi rin ako makakaarte nang maayos kung hindi rin siya nawala sa buhay ko. Kasi lahat ng pinaghuhugutan ko when it comes to acting, lahat nanggagaling sa kanya."


Sa tuwing mapag-uusapan ang kanyang yumaong amang si Fernando Poe Jr., madalas na natatanong kay Lovi Poe ang tungkol sa kanilang naging relasyong mag-ama noong nabubuhay pa ang King of Philippine Movies.

Hindi pa natatalakay ang tungkol sa pamana na iniwan sa kanya ni FPJ at kung paano niya ito nakuha.

Ito nga ang inusisa ni Cristy Fermin nang ma-interview niya si Lovi para sa "Caught By Cristy" segment ng showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed, na ipinalabas noong Linggo, October 30.

Rebelasyon ni Cristy, pagkatapos mamatay ni FPJ, ipinatawag ng tunay na asawa nitong si Susan Roces, ang Queen of Philippine Movies, ang ibang anak ni Da King sa ibang babae.

Kabilang na rito si Lovi (anak sa dating aktres na si Rowena Moran) at si Ronian (anak sa dating aktres na si Anna Marin).

May kaugnayan nga ito sa pamanang iniwan ng yumao nilang ama.

Nirespeto raw ni Susan ang pagiging anak ni Lovi at ibinigay ang para sa kanya. Ano ang naramdaman ni Lovi sa ginawang ito ni Susan?

Ani Lovi, "We had this agreement, all of us, that we're, parang, not allowed to talk about it.

"But of course, I'm happy naman. Of course, I'm thankful.

"Yun lang ang masasabi ko, I'm thankful," sabi ni Lovi.


WOULD LOVE TO WORK WITH SUSAN. Napag-usapan din ang relasyon ni Lovi kay Susan Roces.

Ang ine-expect kasi ng iba ay hindi maayos ang relasyon nila at hindi nagtitinginan nang eye-to-eye.

Pero sa isang interview ni Cristy kay Susan, sinabi ng Queen of Philippine Movies na payag siyang gumawa ng pelikula kasama si Lovi.

Ano ang naramdaman ni Lovi nung makarating sa kanya ito?

"Noon pong una, talagang it felt so good, kasi especially na baguhan pa lang ako, tapos isa siya sa mga tinitingala ng mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, anyone would actually die to hear something like that from the Queen of Philippine Movies.

"I feel na it's an honor talaga."

Bilang anak sa labas, ang tingin ng iba kay Lovi ay isang outsider. Ano ang pakiramdam niya sa ganito?

"Ang magaling kasi sa akin is my mom never made me feel na I'm an outsider at all.

"Or, parang, my mom brought me up na not having self-pity sa sarili ko.

"Of course, I know for a fact na it's [being a child out of wedlock] a mistake. I guess I didn't grow up na naaawa ako sa sarili ko because of my situation."

So, masasabi niya bang siya ay pinatapang na ng panahon?

"Oo, super."


TATTOOS FOR FPJ. Ngayon na siya'y artista na, puwede niya bang sabihin na lumilihis siya sa pangalan ng daddy niya at gumagawa ng sarili niyang pangalan?

"Well, I think so po," sagot niya.

"Kasi marami ring tao na nagsasabi na... siguro hindi rin nila ine-expect na ang anak ni FPJ ay pupunta rin sa ganitong direksyon na pinupuntahan ko."

May mga naaalala ba siyang karanasan na nagkasama sila ng dad niya?

"Well, when it comes to relationship namin ng dad ko, because of circumstances, ganun, parang I choose not to tell any stories.

"Because I believe na I'm not in the position."

May itinatago ba siyang litrato ng daddy niya?

"I'm not the type who keeps pictures. Pero meron akong something sa katawan ko na all for him and that's all of my tattoos."

Anu-ano ang nakalagay sa tattoos niya?

"It says 'my wings, my gravity and quiet child.'

"My wings kasi he makes me fly, and pulls me back to the ground yung my gravity.

"Tapos quiet child, maraming tao ang hindi nakakaalam ng istorya naming dalawa kaya I'm called his quiet child."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may wish man daw si Lovi, sana ay nakasama niya pa ng mas matagal ang daddy niya.

"Sana mas nagtagal pa siya dito. Sana na-witness niya kahit papaano yung mga nangyayari sa akin ngayon.

"Siguro hindi rin ako makakaarte nang maayos kung hindi rin siya nawala sa buhay ko.

"Kasi lahat ng pinaghuhugutan ko when it comes to acting, lahat nanggagaling sa kanya."

Si FPJ daw ang naiisip niya sa madadramang eksena.

"Kapag mino-motivate ko ang sarili ko, kahit boyfriend na eksena, pag titingin ako sa isang lalaki, tina-try kong imagine kung sinuman ang puwede.

"Wala, e, siya lang talaga, yung dad ko."

Kaya rin daw pinagbubuti ni Lovi ang pagiging artista niya dahil na rin sa kanyang daddy.

"I have no plans on ruining whatever my dad has brought here sa industriya.

"Of course, I'd love to keep that and treasure that," saad ng Kapuso actress.


RONALD SINGSON. Samantala, isa pa sa mga nangyari sa buhay ni Lovi na sumukat sa kanyang katatagan ay ang kinahinatnan ng relasyon nila ni dating Ilocos Sur Congressman Ronald Singson.

Nang makulong si Ronald sa Hong Kong dahil sa drug case, ipinakita ni Lovi ang suporta sa kanyang minamahal.

Dinalaw niya ang boyfriend sa kulungan sa Hong Kong at hindi niya ikinahiya ang nangyari rito. Ganun ba siya talaga katindi magmahal?

"Siguro at some point, I always have that with anyone in my life talaga. I always make sure na I show it until hanggang saan ko kaya," sabi niya.

Paano na ang komunikasyon nila?

"Medyo mahirap na ang komunikasyon, especially now. Parang naging choice ko na rin kasi na isipin muna ang sarili ko.

"There was a time din naman na I have to admit masakit yung mga nangyari sa akin.

"I don't wanna blame anyone na hindi ko nagawa yung gusto ko dahil gusto kong ibigay lahat sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, mahal ko na ang sarili ko at masarap pala yun."

Wala ba siyang pinagsisihan sa nakaraan?

"Wala, wala akong pinagsisisihan kahit gaano man kasakit yung mga pinagdaanan ko."

Maligaya ba siya ngayon?

"Yes, maligaya ako."

Nilinaw naman ni Cristy na iba ang maligaya sa pagiging masaya. Anang TV host, pag maligaya galing sa puso, pag masaya kadalasan ay tawa lang. Masasabi niya bang maligaya talaga siya?

"A, ganun ba yun? That part I don't know. Puwede, puwede rin," sambit niya.

Pero hindi dahil sa isang karelasyon?

"Hindi."

Ibig sabihin ba tapos na at may tuldok na ang relasyon nila ni Ronald?

"I can say that I am single now.

"Kumbaga, this is it na muna. I don't know what's gonna happen in the future."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN