DJ Mo Twister denies hand in upload of second video showing him and ex-girlfriend Rhian Ramos being "intimate" with each other: "This is not my doing."

IMAGE 0


"I hope this all ends soon. I don't even know how we are getting to this point. I know so many theories are out there on how these videos are being uploaded online. I hope I can be as clear as possible that this is not my doing. This latest video was not one in my possession. It was not recorded on my laptop," says DJ Mo Twister about the "intimate" video of him and Rhian Ramos, which came out Tuesday night. This statement was posted on DJ Mo's Tumblr


"This latest video was not one in my possession. It was not recorded on my laptop."

Ito ang naging depensa ng 34-year-old radio-TV host na si Mo Twister patungkol sa isa na namang video na mabilis kumalat sa Internet kahapon, Disyembre 21.

Malinaw na makikita sa four-minute video si DJ Mo at ang dati niyang girlfriend na si Rhian Ramos na naghahalikan, naglalambingan, at nagkukulitan.

(CLICK HERE to read related story.)

Iba't iba ang naging reaksiyon ng mga taong nakapanood ng naturang video na unang lumabas sa video-sharing site na YouTube.

Ang ilan sa mga ito ay naghihinalang nasa likod ng paglabas ng mga pribadong video na ito si DJ Mo.

Matatandaan na ikalawang video na ito na lumabas tungkol sa dating celebrity couple.

Ang una ay ang itinuturing na video diary o confession video ni Mo, kung saan sinabi niyang nakatakda diumanong magpalaglag noong 2010 ang dating niyang girlfriend.

Ito ay kuha noong Hulyo 28, 2010, subalit lumabas lamang ito sa publiko noong Nobyembre 28, ilang araw bago lisanin ni DJ Mo ang bansa.

(CLICK HERE to read related article)

Sa bagong post niya sa kanyang micro-blog na Tumblr, inihayag ni DJ Mo na wala siyang kinalaman sa paglabas ng ikalawang video nila ng 21-year-old actress.

Humiling din ang dating Paparazzi host sa kung sinuman ang nag-upload ng video na itigil na ito at huwag nang mag-upload pa ng mga katulad na video.

Ito ang kabuuang post ni DJ Mo sa Tumblr:

"I hope this all ends soon. I don't even know how we are getting to this point. I know so many theories are out there on how these videos are being uploaded online. I hope I can be as clear as possible that this is not my doing. This latest video was not one in my possession. It was not recorded on my laptop. Actually, at this point, it doesn't even matter what your opinions are or who you put to blame for this. These files are amongst some of our more private and intimate moments and right now, it looks like even though I ask/beg the person to stop uploading these videos, it will not make a difference. I hope this will all end soon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"COME TO COURT." Samantala kahapon, Disyembre 21, humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon mula sa kampo ni Rhian tungkol sa ikalawang video.

Sa pakikipag-usap ng PEP sa abugado ni Rhian na si Atty. Lorna Kapunan, sinabi nito na, "We challenge Mo to come to court!"

Nabanggit din ng legal counsel ni Rhian na nakuha na nila ang Protection Order laban sa local disc jockey na hiningi nila sa korte.

Sabi pa niya, "Hinihintay na lang si Mo. The case is in the court already."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN