Rhian Ramos on ex-boyfriend Mo Twister's video diary: "Yun ba yung love? Tatakutin ka ng tao? Ite-threaten ka? Sisirain ka?"

IMAGE 0


Young actress Rhian Ramos grants a sit-down interview for the first time since the video diary of ex-boyfriend Mo Twister appeared on the Net. Rhian is interviewed by Pia Guanio on 24 Oras.


Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Rhian Ramos kaugnay ng kontrobersiya sa pagitan nila ng dating boyfriend na si Mo Twister.

Sa one-on-one interview ni Pia Guanio kay Rhian—na ipinalabas sa 24 Oras ngayong gabi, December 7—isiniwalat ng young actress ang kanyang saloobin sa naging relasyon nila ni Mo at sa alegasyong ipina-abort diumano niya ang kanilang anak.

Sa kabuuan ng panayam ni Pia kay Rhian, na nakasuot ng long sleeve na blouse at walang make-up, bakas sa mukha ng aktres ang pagkabalisa.

Ilang beses din napaiyak si Rhian habang kinakausap siya ni Pia.

Tumagal ng mahigit sa anim na minuto ang ipinalabas na taped interview kay Rhian.

THE START OF A RELATIONSHIP. Ayon sa report ni Pia, 16 years old lang daw si Rhian nang makilala niya si Mo na noon ay 29 years old.

Sa kasalukuyan ay 21 years old na ang Kapuso actress, samantalang 34 naman ang radio-TV host.

"Nice, smart, at funny" ang paglalarawan ni Rhian kay Mo.

Ito raw ang dahilan kaya hindi naging mahirap upang maging magkaibigan sila.

At kalaunan nga ay humantong ito sa pagiging magkasintahan nilang dalawa.

Tinanong ni Pia si Rhian kung anong klaseng friendship meron sila ni Mo dahil hindi raw ito napag-usapan noon.

Sagot ni Rhian, "He gave me a lot of attention. I was very flattered.

"He would often say on his radio show that I'm his crush, stuff like that.

"So, I was really flattered and I liked him."

Pero simula pa lang daw ay tutol na ang ilan sa malalapit na tao kay Rhian sa relasyon nila ni Mo. Kabilang na rito ang ina ng young actress.

Bukod sa agwat ng kanilang edad, ikinababahala rin daw ng mga malalapit kay Rhian ang reputasyon na meron si Mo.

Si Mo ay may anak sa pagka-binata. Ilang beses na rin siyang napaaway dahil sa kanyang pagiging matabil at tactless.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Rhian, "Hindi ako nakinig, e. Because I just really liked him and I guess I was just being blind.

"I don't know... You learn your lesson after naman, e."

Yumuko si Rhian habang sinasabi ito.

A DIFFERENT MO. Ayon kay Rhian, nagsimula raw magbago si Mo nang maging magkasintahan sila.

Saad niya, "Later on, when we became boyfriend-girlfriend, many things changed..."

Dito na nagsimula tumulo ang luha ni Rhian.

Patuloy niya, "And I came to know him in a completely different way."

Malaki ba ang pagbabago kay Mo mula nang magkakilala sila?

"Yes, it's like he was a different person," umiiyak na sagot ni Rhian.

Saad pa ng young actress, ilang beses daw niyang sinubukang hiwalayan si Mo dahil "unhealthy" na raw ang kanilang relasyon.

Pahayag ni Rhian, "Every time that I would try to break up, he would get really mad, or he'll threaten me.

"Uhm... I think the most painful time was when he outright told me that 'I promise to take everything you love away from you.'

"Yun ba yung love? Tatakutin ka ng tao? Ite-threaten ka? Sisirain ka?

"Para ano? Para sa kanya ka lang?"

REGRETS. Pinagsisihan daw ni Rhian na sinunod niya ang kanyang puso at naniwalang magiging maayos ang relasyon nila ni Mo sa kabila ng mga babala ng mga taong malapit sa kanya.

Sabi ni Rhian, "I loved him very much. And... I thought I was doing the right thing.

"I was just...I don't know, I was blind.


I didn't know...I didn't know naman any better.

"I was so young when I met him. I just fell in love.

"I just wanted to stick by him."

Ang pinakamalaking aral daw na natutunan ni Rhian sa relasyon nila ni Mo ay ang magtiwala sa payo ng pamilya.

Sabi ni Rhian, "I should've listened to my parents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I should've listened to my family.

"The reason why your family knows what's best for you is because they love you unconditionally," saad niya.

MO'S VIDEO DIARY. Tungkol naman sa video diary ni Mo—na umiikot sa alegasyon ng abortion ng kanilang anak—sinabi ni Rhian na nalaman lang daw niya ang tungkol dito mula sa ilang nag-tweet sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang naging reaksiyon ni Rhian nang makita niya ang video ni Mo?

Ani Rhian, "I was very shocked and...very hurt.

"I could not believe what I was seeing.

"I could not believe that he would say those things about me, and make a video saying things like that about me."

TAKING A LEAVE. Dahil daw sa mga nangyari, nagdesisyon na si Rhian na magbakasyon muna sa pagtatrabaho. Ito raw ang paraan para maalis sa isip niya ang isyu.

"For now, I just ask if I could rest for a little bit.

"Uhm, I just need some time away to stand with my family.

"My network, GMA, has been good to me. They always stood by me," saad niya.

Nakapagsimula nang mag-taping si Rhian para sana sa primetime series nila ni Dingdong Dantes, ang My Beloved.

Pero balitang papalitan na siya ni Carla Abellana. (CLICK HERE to read related story.)

Sa kasalukuyan ay nasa New York na si Mo. Ngunit balitang babalik uli ito makaraan lang ng ilang linggo upang mag-Pasko rito at tuparin diumano ang ilang tinanguang komitment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN