Rhian Ramos and Mo Twister exchange only text messages: "Talagang hindi kami nag-uusap. Kung may occasion lang."

IMAGE 0


Are Rhian Ramos and Mo Twister back as friends? "I don't know, I don't know. Kasi, para sa akin, palagi naman siyang may importance sa life ko. Kasi, before anything happened, talagang magkaibigan kami. It's hard na kalimutan yun or balewalain yun. So, talagang forever naman, I will feel a certain kind of care or concern for him, ganoon," Rhian says.



Tulad ng ibang miyembro ng cast ng The Road, hindi rin iniisip ni Rhian Ramos na siya ang bida sa bagong horror movie na dinirek ni Yam Laranas under GMA Films.

Lahat daw sila ay masasabing kailangan sa pelikula na ipapalabas na sa Nobyembre 30.

Sa panayam ng media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Rhian na mahilig siyang manood ng horror movies.

"Super! [And] I really like this one.

"Kasi... you really find the connection. May back story. Mas emotional siya kesa nanggugulat lang.

"Kakaiba talaga 'to. Hindi lang ito ang favorite ko sa mga horror movies na ginawa ko, ito yung favorite ko sa lahat ng movies na ginawa ko.

"Although sa ibang movies, mas malaki ang exposure ko, pero ito pa rin ang favorite ko kasi, maganda talaga ang kuwento.

"Maganda ang script, maganda ang execution, maganda ang production design. Maganda ang acting ng lahat."

Sino ba ang bida sa pelikula?

"Wala, ako mismo, hindi ko nga alam kung sino ang bida.

"Lahat kami may kanya-kanyang part and I think everyone did his own part talaga."

ON ALDEN RICHARDS. Pinaalam naman ng entertainment press kay Rhian na siya ang crush ng co-star niyang si Alden Richards.

Nakangiting sabi naman ni Rhian, "Sabihin mo, sabi ko, I thank you. Baka sisihin ako kapag hindi totoo."

May nakaisip na nga ng ideya na gawing loveteam sila. Okay ba sa kanya yun?

"Well, oo, pero, hindi naman talaga ako nagkaka-loveteam, e.

"Hindi siya yung klase ng team-up na every project, iisa lang ang kasama ko. Hindi ganoon, e.

"Every project, iba. So, halos lahat, naka-trabaho ko na.

"I like it. Gusto ko ang sistemang yun."

Pinuri ni Rhian ang kanyang co-star.

"You know, Alden, even if he's so young, alam mo na may pakialam siya sa acting niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tama ang mga tanong niya. Kesa yung tao na kahit ano, okay lang.

"Siya, nagtatanong talaga siya kung okay ba 'to. Kung paano ang gustong treatment. So refreshing."



ON DINGDONG DANTES. Sa telebisyon naman, nakapag-taping na raw si Rhian para sa bago niyang primetime series, ang Sundo.

"Nakapag-taping na ako ng dalawang linggo. Okay naman yung mga nakakasama ko sa eksena— si Jennica Garcia and Andrea Torres.

"Kami naman ni Dingdong [Dantes], nagkasama na kami sa dalawang eksena, pero, wala kaming lines na binabato sa isa't-isa.

"Parang hindi pa kami magkakilala."

Sa unang serye na ginawa nila ni Dingdong, ang Stairway To Heaven, tinanggap sila nang husto ng manonood.

Sa palagay ba niya, ganoon pa rin kainit ang pagtanggap sa balik-tambalan nila ngayon?

"Hopefully. Sana naman, walang nagbago.

"Pero alam ko naman kasi na most of the time, kapag successful ang [serye] talagang nasa kuwento yun, e.

"Kapag maganda ang kuwento, tatanggapin. Kapag hindi, siyempre, hindi.

"Kahit ilang beses niyo nang na-prove ang teamup niyo, once [yung] kwento hindi nagustuhan ng tao, talagang hindi tatanggapin."

Mas maayos ba ang working relationship nila ni Dingdong ngayong na-klaro na sa lahat na okay sila ng girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera?

"Mas smooth kasi, alam ko na hindi siya magseselos.

"Kasi, alam ko na okay kami. Okay ang lahat.

"At saka, talagang hindi naman ako gagawa ng kahit na ano para mawala ang tiwala niya."

ON RIO LOCSIN. Rhian is also happy to work with Rio Locsin in Sundo.

"Good experience. Sobrang natural niya kasi.

"Yung role namin, sobrang close kami na parang siya yung mag-a-adopt sa akin. And she's so nice.

"Actually, magkapareho kami ng church ever since I was a kid.

"So, she's friends with my mom. Pero ngayon ko lang talaga siya nakatrabaho and she's such a nice, lovable person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I'm friends with her daughters kaya nakikita kong she's a good mom. Ngayon ko siya na-experience talaga."

May naka-plano rin daw na pelikula ang GMA Films para sa kanya at kay Aljur Abrenica after ng The Road?


"As of now, yes. Pero siyempre sa showbiz, di ba, maraming nagbabago? Pero as of now, go pa siya."



ON MO TWISTER. Sinabi ni Rhian na nagte-text na sila ulit ng ex niyang si Mo Twister.

"Hindi naman kasi kami nag-uusap.

"Pero kapag may instance lang na, I don't know, kapag may kailangang sabihin or something, yun lang ang time na may communication kami.

"Pero, talagang hindi kami nag-uusap. Kung may occasion lang talaga. For example, birthday niya or birthday ko.

"Pero hindi kami back to the point na talagang we can comfortably talk about everything."

Are they back to being friends?

"I don't know, I don't know. Kasi, para sa akin, palagi naman siyang may importance sa life ko.

"Kasi, before anything happened, talagang magkaibigan kami.

"It's hard na kalimutan yun or balewalain yun.

"So, talagang forever naman, I will feel a certain kind of care or concern for him, ganoon."

Any regrets?

"Not really. What happened, happened.

"Ganoon naman talaga ang buhay. Tinatanggap ko na lang kapag may nangyayari.

"A little time needs to pass lang and then nagiging okay rin ang lahat and you realize, sa lahat naman ng situwasyon, may natutunan ka.

"Things need to happen, e. Ganoon naman talaga."

TWITTER WAR. Itinanggi ni Rhian na sa networking site na Twitter nagsimula ang lahat ng gulo.

"Ay hindi yun totoo. Siguro, napunta lang sa Twitter, pero, hindi ro'n nagsimula.

"Hindi rin kami nagpa-follow, pero, the moment na nawala yung galit ko or pain, tinanggal ko na yung pag-block [sa kanya].

"Pero, wala ng following ulit.

"Minsan may mga tao na ipapadala pa rin sa akin ang tweet, so, nababasa ko pa rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nababasa niya ang mga senti tweets ni Mo?

"Hindi lahat. Pero paminsan-minsan kasi, may nagpapadala sa akin.

"Ako kasi, I do my best to ignore. I do my best to try to stay focused on my life and ignore the rest.

"Talagang naglalagay ako ng effort sa ganoon. Pero yung ibang tao, talagang pinapadala sa akin, so, wala na akong magagawa ro'n."


LOVELESS. Hindi pa rin niya binubuksan ang puso niya.

"Feeling ko, matagal pa. Sarado pa, e.

"Right now, I'm meeting a lot of people, boys and girls.

"I'm meeting a lot of new friends. Happy ako sa ganoon.

"Pero, hindi ako handa na lumalim pa yun or magkaroon ng relationship.

"At sa beginning pa lang, ginagawa ko na rin yun na klaro.

"Alam na rin nila yun na hindi ako handa."

Hindi naman daw niya masabi kung taga-showbiz o hindi ang susunod niyang makaka-relasyon.

"Ako kasi, para sa akin, walang difference.

"Most of the time kasi, sasabihin ng tao na parang mas okay kung showbiz kasi, mas maiintindihan niya yung trabaho mo at hindi magseselos.

"Pero hindi rin yun totoo. Kahit naman [taga] showbiz, magseselos pa rin."

Hindi naman daw siya yung tipong na-trauma sa nangyari sa kanila ni Mo.

"Hindi naman. Marami ngang nagtatanong sa akin kung ano yung natutunan ko at kung magagamit ko ba sa future relationship ito.

"Pero, hindi, e. Kasi lahat ng tao, iba."

Paano kung manligaw sa kanya ulit si Mo? Posible ba silang magkabalikan?

"[Realistically], never yun mangyayari," natawa si Rhian.

"Pero hindi ko rin masasabi kasi, basta ako, kapag sinabi kong napatawad ko na, napatawad ko na talaga.

"Promise, wala nang galit. Wala nang bitterness.

"So, hindi ko rin masasabi kung ano ang mangyayari. On one hand, alam ko na you have to learn from your experiences.

"Kung may pain man na naranasan ka from the past, you have to learn from it at gawin mong positive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But on the other hand, before anything happened talaga, we were friends.

"Very, very good friends... Hindi rin yun madaling kalimutan or balewalain."

Ano ba ang ginawa ni Mo na naging okay na rin sila?

"Nag-sorry. It took time and I had to see if he's sincere and mukhang sincere naman.

"Later on, may mga na-realize din ako about myself na kung may bitterness man, kasalanan ko yun.

"Kasi, you can't expect people to be different.

"Kung ganun ang tao, ganun siya. You can't expect them to be better or worse than what they are.

"Kung anuman sila, you have to accept them for [who] they are."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN