New video of Rhian Ramos and Mo Twister surfaces on the Net

IMAGE 0


Isang video ang kumakalat ngayon sa Internet kunsaan dalawang celebrities—na tinatayang sina Mo Twister at Rhian Ramos—ay makikitang naghahalikan, naglalambingan, at nagkukulitan.


Isang video ang kumakalat ngayon sa Internet kunsaan dalawang kilalang celebrities—isang lalake at isang babae—ang makikitang naghahalikan, naglalambingan, at nagkukulitan.

Parehong nakadamit ang dalawang celebrities sa video na tumagal ng 4 minutes and 14 seconds.

Ang celebrities ay malinaw na makikila bilang sina Mo Twister, isang 34-year-old disc jockey at TV5 host, at Rhian Ramos, isang 21-year-old GMA-7 actress.

Dating magkasintahan sina Mo at Rhian. Ang video na ito ay ang ikalawang video na lumabas pagkatapos ng masalimuot na paghihiwalay ng dalawa.

Una ay ang confession video ni Mo, kung saan isiniwalat nito ang nakatakda diumanong pagpapalaglag ni Rhian noong 2010, sa Singapore, ng sinasabi nitong baby nila.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Mo, hindi siya ang nag-upload ng nasabing confession video.

Ibinenta raw niya ang kanyang laptop na naglalaman ng mga naturang video, ngunit sinabi rin niyang binura niya ang mga files nito bago ibenta.

Nakiusap rin siya sa kung sinuman ang nag-upload na itinigil na ang pagpapakalat ng video.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero kung sinuman ang nag-upload—may mga naghihinala kasing si Mo mismo ang nagpakalat nito sa Internet—tila hindi pinakinggan ang kanyang pakiusap dahil may bago na namang lumabas na video.

Hindi matukoy kung ano ang totoong motibo ng taong nag-a-upload ng mga naturang video, o kung iisang tao lamang ito na gumagamit ng magkaibang Internet handles.

Pero, lumalabas na ang epekto nito ay sirain ang pagkatao at reputasyon ni Rhian, na masasabing biktima sa sitwasyong ito.

Dahil sa "trauma" na idinulot ng unang video ay nagdesisyon si Rhian na magpahinga muna mula sa showbiz.

Kaugnay ng paglabas ng ikalawang video nina Rhian at Mo kahapon, December 20, ay kinunan ng pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kampo ng dalawa.

RHIAN RAMOS. Ngayong December 21, 11:15 a.m., nakausap ni PEP managing editor Karen Pagsolingan si Atty. Lorna Kapunan, ang abugado ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiningan ng reaksiyon si Atty. Kapunan tungkol sa pangalawang video. Ang sagot nito: "We challenge Mo to come to court!"

Sinabi rin nitong nakuha na nila ang Protection Order laban kay Mo na hiningi nila sa korte.

Dagdag nito: "Hinihintay na lang si Mo. The case is in the court already."

MO TWISTER. Samantala, ang huling posting ni Mo mula sa New York, na lumabas sa kanyang Twitter account mga 10 hours ago, ay: "glad to be home in the company of friends."

Hinihintay pa rin ng PEP ang sagot niya sa aming mga katanungan, via email, tungkol sa pangalawang video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN