Zoren Legaspi shrugs off reported "conflict" between Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson

Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26797/zoren-legaspi-shrugs-off-reported-conflict-between-glamorosa-co-stars-lorna-tolentino-and-alice-dixs" data-desc="Zoren says he stands corrected on statement that TV5 isn't one to keep making remakes. But he explains: "Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa," data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/9986a2df2.jpg"> Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26797/zoren-legaspi-shrugs-off-reported-conflict-between-glamorosa-co-stars-lorna-tolentino-and-alice-dixs" data-desc="Zoren says he stands corrected on statement that TV5 isn't one to keep making remakes. But he explains: "Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa," data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/9986a2df2.jpg"> Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26797/zoren-legaspi-shrugs-off-reported-conflict-between-glamorosa-co-stars-lorna-tolentino-and-alice-dixs" data-desc="Zoren says he stands corrected on statement that TV5 isn't one to keep making remakes. But he explains: "Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa," data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/9986a2df2.jpg">

Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26797/zoren-legaspi-shrugs-off-reported-conflict-between-glamorosa-co-stars-lorna-tolentino-and-alice-dixs" data-desc="Zoren says he stands corrected on statement that TV5 isn't one to keep making remakes. But he explains: "Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa," data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/9986a2df2.jpg"> Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26797/zoren-legaspi-shrugs-off-reported-conflict-between-glamorosa-co-stars-lorna-tolentino-and-alice-dixs" data-desc="Zoren says he stands corrected on statement that TV5 isn't one to keep making remakes. But he explains: "Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa," data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/9986a2df2.jpg"> Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26797/zoren-legaspi-shrugs-off-reported-conflict-between-glamorosa-co-stars-lorna-tolentino-and-alice-dixs" data-desc="Zoren says he stands corrected on statement that TV5 isn't one to keep making remakes. But he explains: "Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa," data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/9986a2df2.jpg"> Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26797/zoren-legaspi-shrugs-off-reported-conflict-between-glamorosa-co-stars-lorna-tolentino-and-alice-dixs" data-desc="Zoren says he stands corrected on statement that TV5 isn't one to keep making remakes. But he explains: "Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa," data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/9986a2df2.jpg">

IMAGE 0


Zoren Legaspi (main photo) on co-stars Lorna "LT' Tolentino and Alice Dixson (insets): "Kung nagkaroon ng pikunan between Alice and LT? I doubt it. I don't think so, mga artista 'yan, e. Mga pure-breed actors ang mga iyan, e. Wala sa kanila yun."


Ikinagulat ni Zoren Legaspi ang diumano'y naganap na "conflict" sa pagitan nina Lorna Tolentino at Alice Dixson, mga bida sa bagong primetime teleserye ng TV5, ang Glamorosa.

Nangyari ang sinasabing "conflict" sa pagitang ng dalawang aktres sa presscon ng Glamorosa noong Sabado, November 5, sa Meralco Lighthouse ng Meralco Building, sa Ortigas, Pasig City.

Marami kasi ang nag-react sa pagiging in-character ni Alice bilang kontrabida sa pagpasok pa lang nito sa venue, hanggang sa mataray na pagsasagot nito sa tanong ng mga press.

May mga nakapansin naman na tila hindi nagustuhan ni Lorna ang "drama" na ito ni Alice.

Si Zoren ang escort ni Alice ng gabing iyon.

Kaya naman pagkatapos ng presscon ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor kung ano ang reaksiyon niya sa isyung ito.

Sabi ni Zoren, "Ngayon lang nagkaisyu nung nag-character si Alice dito. E, ako nagulat din ako, e."

Pero ayaw raw seryosohin ni Zoren ang isyu dahil alam niya ngang in-character lang si Alice.

"Ako ay natatawa kasi talagang in-character si Alice.

"Sa baba pa lang kasi, si Mr. Fu... iniirap-irapan niya lang si Mr. Fu, e, nung ini-interview siya."

Si Mr. Fu ay segment host ng Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5.

"So, dun ako nakaramdam na in-character nga siya.

"Kasi sinabihan yata siya na dapat in-character siya.

"Kaya ayun, dinala niya hanggang dito sa presscon, which is, for me, it's something nice.

"It's something different para maiba naman yung ambiance ng presscon.

"Pero kung nagkaroon ng pikunan between Alice and LT? I doubt it.

"I don't think so, mga artista 'yan, e. Mga pure-breed actors ang mga iyan, e.

"Wala sa kanila yun."

LT & ALICE CLOSE IN REAL LIFE. Hindi nga naniniwala si Zoren na nagkaroon ng conflict sa pagitan nina LT at Alice dahil sa set at taping daw nila ay close ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Zoren, "Pag nakita mo sila sa set, close talaga sila, tsikahan nang tsikahan.

"Malayung-malayo sa ginagampanan nilang roles at sa iniisyung conflict sa kanila. Magkaibigan naman sila.

"Si Alice kasi, excited maging kontrabida talaga.

"Gusto niya talagang i-career yung bagong character na ibinigay sa kanya.

"Yun ang nararamdaman ko sa kanya.

"Kaya siguro dinala niya hanggang dito!" natatawang sabi pa ni Zoren.

Sa madalas nilang pagsasama sa taping, ano ang mga na-discover niya kina Lorna at Alice?

"Mga ano sila... they're young at heart. Nagulat ako.

"Medyo aloof lang ako sa kanila nung una, kasi ganun talaga ako pag nagsisimula ng soap.

"Kasi mahirap mag-character sa first day.

"Kaya kung diyan ang tent ng ibang artista, dito ako sa kabila, or I stay inside my car.

"Pero napansin ko sa dalawa, kay Alice at kay Lorna, parang mga bata.

"Hindi yung bata na immature, ha.

"What I mean is yung masayahin, marunong mag-kengkoy, marunong magpatawa.

"Wala silang diva tantrums."

TORN BETWEEN TWO WOMEN. Ang ikinaka-proud pa ni Zoren sa Glamorosa ay ang pagkakataong makatrabaho naman ang ibang artista na hindi niya kadalasang nakakasama.

"Katulad niyan, dito ko lang na-experience na maka-partner si Lorna Tolentino and si Alice Dixson.

"Sa ibang channel naman, hindi.

"Umiikot lang ako kina Sheryl Cruz, Ruffa Gutierrez, Carmina [Villaroel, real-life partner ni Zoren], Aiko [Melendez], Gelli [de Belen], Lotlot [de Leon]—yung mga ganun.

"Ngayon lang ako lumabas dun sa circle na yun."

Ginagampanan ni Zoren sa Glamorosa ang role ni Karl Marciano, ang lalaking nakapagitan kina Lorna at Alice.

Na-feel niya ba ang pagiging glamoroso dahil pinag-aagawan siya ng dalawang babaeng glamorosa sa story?

Ani Zoren, "It's nice to see na yung role ko ay pinag-aagawan ng dalawang babaeng glamorosa.

"Kaya medyo mabigat din talaga yung role ko rito.

"Ibang exposure din ang makukuha ko sa Glamorosa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa totoong buhay ba pinag-agawan na siya ng dalawang babae?

"A, oo!" sabay tawa nang malakas ni Zoren.

"May mga artista, merong hindi.

"Pero ako kasi hindi naman ako naglalaro, e.

"Pag ayoko sa babae, ayoko. Pag gusto ko, gusto ko."

Hindi naman na pinangalanan ni Zoren kung sino ang mga tinutukoy niyang "nag-agawan" dahil sa kanya.

Somehow ba naka-relate siya sa role niya?

"Oo, nakaka-relate ako."

Pero hindi naman siya nagpagamit sa babae katulad ng mangyayari sa role niya?

"Ay, hindi. Hindi naman ako tangang umibig, e.

"May utak ako pag umiibig ako," sabi niya.

REMAKE ISSUE. Samantala, nilinaw rin ng PEP kay Zoren ang nabitiwan nitong pahayag sa presscon na gusto niyang magtrabaho sa TV5 dahil "hindi mahilig gumawa ng remake" ang Kapatid network.

May mga nag-react kasi sa sinabi niya dahil sa TV5 nga napapanood ang Ang Utol Kong Hoodlum (1991), na remake ng dating pelikula ni Robin Padilla at pinagbibidahan ngayon ni JC de Vera.

Kabilang din sa naka-lineup na shows ng Kapatid Network ang remake ng P.S. I Love You (1981) nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Paliwanag ni Zoren, "What I mean kasi is yung istorya ng Glamorosa is original.

"I must admit mali nga yung sinabi ko.

"Kasi, parang ang dating, never gumawa ang TV5 ng remake, which is wrong dahil meron ngang Utol Kong Hoodlum at iba pang shows.

"Nagkamali ako roon, inaamin ko. Namali lang siguro yung wordings ko.

"Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa, nag-gamble talaga sila diyan sa isang original story."

Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26797/zoren-legaspi-shrugs-off-reported-conflict-between-glamorosa-co-stars-lorna-tolentino-and-alice-dixs" data-desc="Zoren says he stands corrected on statement that TV5 isn't one to keep making remakes. But he explains: "Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa," data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/9986a2df2.jpg"> Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26797/zoren-legaspi-shrugs-off-reported-conflict-between-glamorosa-co-stars-lorna-tolentino-and-alice-dixs" data-desc="Zoren says he stands corrected on statement that TV5 isn't one to keep making remakes. But he explains: "Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa," data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/9986a2df2.jpg"> Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26797/zoren-legaspi-shrugs-off-reported-conflict-between-glamorosa-co-stars-lorna-tolentino-and-alice-dixs" data-desc="Zoren says he stands corrected on statement that TV5 isn't one to keep making remakes. But he explains: "Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa," data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/9986a2df2.jpg">


Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26797/zoren-legaspi-shrugs-off-reported-conflict-between-glamorosa-co-stars-lorna-tolentino-and-alice-dixs" data-desc="Zoren says he stands corrected on statement that TV5 isn't one to keep making remakes. But he explains: "Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa," data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/9986a2df2.jpg"> Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26797/zoren-legaspi-shrugs-off-reported-conflict-between-glamorosa-co-stars-lorna-tolentino-and-alice-dixs" data-desc="Zoren says he stands corrected on statement that TV5 isn't one to keep making remakes. But he explains: "Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa," data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/9986a2df2.jpg"> Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26797/zoren-legaspi-shrugs-off-reported-conflict-between-glamorosa-co-stars-lorna-tolentino-and-alice-dixs" data-desc="Zoren says he stands corrected on statement that TV5 isn't one to keep making remakes. But he explains: "Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa," data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/9986a2df2.jpg"> Glamorosa co-stars Lorna Tolentino and Alice Dixson" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26797/zoren-legaspi-shrugs-off-reported-conflict-between-glamorosa-co-stars-lorna-tolentino-and-alice-dixs" data-desc="Zoren says he stands corrected on statement that TV5 isn't one to keep making remakes. But he explains: "Ang ibig kong sabihin, yung Glamorosa," data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/9986a2df2.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN