Lorna Tolentino believes the truth will come out in the Ram Revilla case

IMAGE 0


Lorna Tolentino on the Ram Revilla case: "Naniniwala naman ako na maso-solve din ito in time. So, 'yon dapat lang siguro intindihin natin, and eventually 'yong katotohanan lalabas at lalabas, hindi natin matatago 'yon."


Masayang-masaya ang tinaguriang "Grand Slam" actress na si Lorna "LT" Tolentino sa naging paglipat niya sa TV5, ang Kapatid network.

Kahapon, Nobyembre 5, ay naganap ang red carpet presscon ng Glamorosa, ang unang soap opera ni LT sa TV5.

Ito ay ginawa sa 14th floor ng Meralco Lighthouse ng Meralco Building, sa Ortigas, Pasig City.

Kinamusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ang ginagawang pag-aalaga ng "happy network" kay Lorna.

Matatandaan na noong Setyembre 27 ay pumirma ng one-year exclusive contract sa TV5 si LT. Nakapaloob sa nasabing kontrata ang paggawa niya ng tatlong soap opera at isang pelikula. (CLICK HERE for related article)

"Mabuti naman po ang Kapatid network [sa akin]," mabilis na sagot ni LT.

"Sa happy network, they are really trying their best to be [on a] par with all the networks na alam nilang nandiyan na nang matagal.

"'Yong kahit papaano ay maiangat din nila 'yong kanilang network.

"Mararamdaman mo kasi nga they're trying to come up with something different.

"'Yong parang mapantayan ng panibagong konsepto, [like], with this kind of presscon na para kang a-attend ng premiere night.

"There's something different, di ba?"

Nilinaw din ni LT na hindi lang pansariling dahilan ang kinunsidera niya nang piliin niyang lumipat sa TV5.

Paliwanag niya, "Siguro, masarap na i-welcome ang alam mong makakatulong hindi lamang sa aming kapwa artista kundi sa lahat ng nagtatrabaho sa industriya.

"The more the merrier, mas madami ang magkakaroon ng trabaho.

"Hindi lang kami, pati 'yong ibang malilit na aspeto ng industriya magkakaroon ng trabaho.

"Siguro 'yon 'yong pinakamasarap na suportahan, dahil 'pag dumami, walang mawawalan ng trabaho."

REVILLA FAMILY CASE. Isa sina LT at ang namayapa niyang asawa na si Rudy Fernandez sa mga malalapit na kaibigan ni Senator Bong Revilla.

Si Bong, Rudy, Jinggoy Estrada, at Phillip Salvador kasi ay matalik na magkakaibigan. Lagi ngang magkakadikit ang pangalan ng magbarkada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman, hindi naiwasang hingan ng opinyon si LT tungkol sa kinakaharap na kontrobersya ngayon ng pamilya Revilla.

Sinasabi kasing pinatay ng kanyang sariling mga kapatid na sina RJ at Ramona, ang half-brother ni Bong na si Ramgen Revilla, anak ni Ramon Revilla Sr. sa dating aktres na si Genelyn Magsaysay. (CLICK HERE for related article.)

Nang makarating kay LT ang balita'y agad niya raw pinadalhan ng text message si Bong.

At ang unang naging mensahe niya ay, "Sabi ko nga, siyempre, 'yong panalangin para sa pamilya, 'yon ang unang-una.

"Ako kasi, alam mo 'yong mahirap 'yong may pinagdadaanan kang mabigat sa buhay mo, 'yong pain na 'yon ma-i-ease lang kung talagang may tulong from above.

"'Yong prayers 'yong tingin kong pinakamalaking matutulong sa pamilya nila."

Sa panonood ng balita'y nasusubaybayan ni LT ang takbo ng kaso sa mga half-siblings ng kaibigang si Bong.

Gayunman, ayaw na lang din niyang magkomento sa issue.

"Ang hirap mag-conclude ng mga bagay-bagay dahil ang dami ng involved," pahayag niya.

"Ang daming witness, ang daming ganito, pero sana nga maayos.

"Hindi mo naman maiaalis na medyo... Lalo na 'pag nandoon ka sa insidente, 'yong may makikita kang nangyayari na sangkot, hindi mo alam paano ita-tackle, e.

"Sometimes, kailangan nga ng psychiatrist, lalo na 'pag may nakita kang [nakaka-] trauma sa buhay mo."

Ang tanging masasabi na lang ni LT tungkol sa kaso ay: "Naniniwala naman ako na maso-solve din ito in time.

"So, 'yon dapat lang siguro intindihin natin, and eventually 'yong katotohanan lalabas at lalabas, hindi natin matatago 'yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN