Ogie Alcasid and Regine Velasquez choose "Nathaniel James" as the name of their unborn son

IMAGE 0


"I can't be with her 24 hours a day dahil sa trabaho ko, but the hours that I am with her is very fulfilling at nawawala ang pagod natin especially when I see her happy and glowing," says Ogie Alcasid about his wife, Regine Velasquez.


Kinumpirma ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid na "Nathaniel James" ang pangalang napili nila ng kanyang misis na si Regine Velasquez-Alcasid para sa kanilang magiging first born.

Ipinahayag ito ni Ogie sa press launch ng OPM Summit and Fair na ginawa sa Mesa Restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City kahapon, July 28.

THE NAME. Ipinaliwanag ni Ogie kung bakit Nathaniel James ang napili nila ni Regine na pangalan ng kanilang magiging baby boy.

May balita kasing baka raw "Herminio Jr." ang ibigay nilang pangalan sa baby nila.

"Well, there's nothing wrong naman kung i-junior ko ang baby namin.

"Kaso, hindi na akma sa panahon natin ngayon ang pangalang Herminio, di ba?" natatawang sabi ni Ogie.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Ilan bang bata ang pinapangalanan na Herminio ngayon, di ba?

"Ako na lang yata ang huling napangalanan no'n, e."

Paliwanag pa niya, "Napili namin yung Nathaniel kasi parang bagay na bagay.

"Mayamang pakinggan ang pangalan, di ba? Sosyal na sosyal.

"At gusto naming nickname niya ay Nate. Para lang siyang isa sa characters ng Gossip Girl!

"Kaya kapag tinawag namin siya, 'Nate!' Uy, ang sosyal!

"Yung James naman, matagal na naming gusto ni Reg ang pangalan na James. Biblical name kasi ang James at match siya sa Nathaniel.

"Kaya sosyal na, magiging malapit pa sa Diyos ang anak namin."

BLOOMING. Almost five months na ang dinadala ni Regine ngayon.

Ayon kay Ogie, "My wife is doing very well.

"Wala na siyang mga nararanasan na complications, unlike noong first trimester niya. Talagang sakripisyo tayo sa mga nararamdaman niya.

"Now, okey na okey na siya. Nakakakilos na siya nang maayos.

"Iniiwasan ko lang na patawanin siya nang husto. Kasi kapag tumawa 'yang si Reg, sobra-sobra at sumasakit ang tiyan niya!

"Kaya as much as possible, ayokong mag-joke sa kanya para matawa siya nang husto."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Ogie, hindi raw naniniwala si Regine kapag may mga nagsasabi sa Songbird na maganda siyang magbuntis. Feeling daw kasi nito ay nabawasan na ang ganda niya mula nang mabuntis siya.

Ani Ogie, "Yun naman ang parati kong inaalis sa isipan niya. Hindi siya pumangit. Iba nga ang glow niya ngayon.

"Kahit sa akin kasi, hindi siya naniniwala na maganda siyang magbuntis.

"Hindi ko naman masisisi ang misis ko, kasi lahat naman yata ng mga babaeng nabubuntis ay pakiramdam nila ay hindi na sila maganda.

"Sabi pa nga nila, kapag lalake ang ipinagbubuntis ng babae, lumalaki ang ilong tapos nangingitim daw ang leeg and all that.

"With Regine, wala akong makitang gano'n.

"I always tell her that she is glowing and she is beautiful. Hindi ko siya ine-echos.

"Gusto ko ay maging happy siya while she's pregnant.

"Kapag nakikita ko nga 'yang ngumingiti, natutuwa ako kasi ang ganda-ganda niyang magbuntis talaga," saad ni Ogie.

PREPARATIONS. Naikuwento rin ni Ogie na inuunti-unti na nila ang pag-aayos ng magiging kuwarto ng baby nila.

Although hindi pa raw nila napipili kung ano ang magandang kulay, may mga gamit na raw na sinubukang buuin ni Ogie.

"Meron na siyang crib at yung stroller," banggit niya.

"Ang hirap palang buuin yung crib. Kasi, marami na palang features ang mga crib ngayon.

"May MP3 player na, may pang-uga na siya, at kung anu-ano pang ikinakagulat ko.

"E, noong araw, yung crib, tulugan lang ng bata. Ngayon, parang kulang na lang ay IMAX at 3D!" tawa niya ulit.

"Pero nasubukan ko namang mag-DIY [Do-It-Yourself] dahil para naman may maipagmalaki ako sa anak namin.

"Yung ibang gamit niya, baka sa baby shower na lang namin makuha.

"May baby registry naman kaya pipiliin na lang namin ang kulang at bahala na ang mga guest kung ano ang kunin nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GODPARENTS. Tungkol naman sa magiging godparents ng kanilang baby, hindi pa raw nagagawa ng mag-asawa ang final list.

"Sinabi ko nga kay Reg, para sosyal ang mga gamit ng baby namin, ang kunin naming mga ninong at ninang ay mayayaman.

"Para siguro kami na mamahalin ang mga gamit ni baby!" biro ni Ogie.

"But seriously, with regards sa mga ninong at ninang, hindi pa namin naaayos 'yan.

"Though may mga nagbu-volunteer na, siyempre nasa amin pa rin kung sino ang gusto naming tumayong second parent ng baby namin.

"Kailangan yung kilalang-kilala namin at part na siya ng pamilya namin."

WORKING DAD. Sa gitna ng pagiging busy ni Ogie, nagagawa pa niyang mabalanse ang oras niya sa trabaho at sa kanyang misis na buntis ngayon.

Panay nga ang dasal ni Ogie na bigyan siya parati ng lakas para magawa niya lahat ng trabaho at responsibilidad niya.

"Right now kasi, we're on the audition leg of our new show sa GMA-7 na Protégé.

"Kasama ako sa mga audition na 'yan and it takes us sa iba't ibang probinsya nationwide.

"So, isipin n'yo na lang ang pagod sa biyahe, not to mention yung makikipag-interact ka with the people auditioning.

"Then, may Party Pilipinas pa every Sunday and Bubble Gang taping.

"Isama na rin natin yung ibang mga raket ko na shows, personal appearances, product endorsements.

"At ito ngang OPM Summit and Fair ay inaasikaso rin namin. May meeting kami every week ng OPM para maplantsa na ito nang husto.

"But through it all nga, I still want to be with my wife at the end of the day. Gusto kong malaman ang bawat development sa araw niya.

"I can't be with her 24 hours a day dahil sa trabaho ko, but the hours that I am with her is very fulfilling at nawawala ang pagod natin especially when I see her happy and glowing," ngiti pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OPM SUMMIT AND FAIR. Tungkol naman sa ni-launch na OPM Summit and Fair, na magaganap sa October 10 to 12 sa University of the Philippines, isang malaking tulong daw ito para sa local music industry.

Isasabay raw nila ito sa Foundation Day ng Quezon City.

Bilang presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) at sa tulong nina Senator Francis "Kiko" Pangilinan at Quezon City Mayor Herbert Bautista, hangad ni Ogie at ng OPM na lalong mabigyan ng malaking pansin ang local music industry at mapangalagaan ito mula sa piracy.

"We intend to generate public awareness in our very own Original Pinoy Music through this industry-wide collaboration.

"We will have local music artists working with producers, record labels, promoters and outlets, together with music lovers.

"We wish to thank Senator Kiko and Mayor Herbert for helping us realize this effort," sabi ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN