(UPDATED) Regine Velasquez gives birth to healthy baby boy!

IMAGE 0


Regine Velasquez is now a mother! She gave birth to her firstborn with husband Ogie Alcasid earlier tonight, November 8.


Isinilang na ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang una nilang anak ng kanyang mister na si Ogie Alcasid.

Nanganak si Regine kaninang 7:47 p.m., Martes, November 8, via caesarean section sa isang pribadong ospital.

Nathaniel James ang ibinigay na pangalan nina Regine at Ogie sa kanilang panganay na anak.

Ilang minuto lang pagkatapos lumabas sa PEP ALERTS ang balitang isinilang na ni Regine ang anak nila ni Ogie, nag-post na ang singer-songwriter sa kanyang Twitter account ng tungkol sa magandang balitang ito:

"At 7:47pm nov 8,2011. God gave us Nathianel James. Thank you for the prayers. God bless you all!"

Pero bago ang tweet niyang ito, nag-post pa ng magkasunod na tweets si Ogie ngayong araw:

"Songbird is now on her 36week (9months) of pregnancy, which means the pregnancy has completed its full term."

"Wifey and I are so excited!!!"

Sunud-sunod na rin ang tweets ng ibang celebrities at maging ng mga tagahanga ng dalawa na nagko-congratulate sa kanila.

Marami kasi talaga ang excited at siguradong masaya para kina Regine at Ogie dahil sa pagdating ni Nathaniel James.

Si Nathaniel James o Nathan ang unang anak na lalaki ni Ogie.

May dalawang anak na babae ang singer-songwriter sa una nitong asawa na si Michelle Van Eimeren—sina Leila at Sarah.

Ikinasal sila Ogie at Regine noong December 22, 2010 sa Nasugbu, Batangas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN