Ram Revilla murder declared "closed case" by Parañaque police

IMAGE 0


"Natanggal na natin ang third party, drugs, politics, robbery. And we found out na personal na alitan sa bahay...maybe financial matters can be one of them, pero personal na," says Parañaque Police Sr. Supt. Billy Beltran about the possible motive in the Ramgen Revilla (in photo) murder case.


Idineklara na ng Parañaque police ngayong Miyerkules, November 2, na "closed case" na ang pagkakapaslang sa young actor na si Ram Revilla—o Ramgen Bautista sa totoong buhay.

Ito ay matapos na maaresto ng pulisya ang nakababatang kapatid ni Ram na si Ramon Joseph "RJ" Bautista, 18, na itinuturong isa sa mga primary suspects sa krimen.

Sa ngayon ay inihahanda na rin ang warrant of arrest para sa isa pa nilang kapatid, si Ramona Bautista.

Sina Ram, RJ, at Ramona ay mga anak ni dating Senator Ramon Revilla, Sr. at kapatid sa ama ni Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr.

Ayon sa ulat ng Interaksyon ng TV5, na nailathala kaninang tanghali, Nobyembre 2, sinabi ng mga imbestigador na maaring naging biktima si Ram ng "contract killing."

Ito ay bunsod marahil ng galit ng kanyang mga kapatid tungkol sa umano'y di niya maayos na paghawak ng kanilang monthly allowance—na nagkakahalaga diumano ng isang milyong piso—kasama ang walo pa nilang mga kapatid.

Sa ngayon ay tinitingnan na ng pulisya ang posibilidad na sina RJ at Ramona ay kumausap ng hired killers para sa pagpaslang sa kanilang kapatid.

Samantala, sinabi naman ni Senior Superintendent Billy Beltran ng Parañaque City Police na hindi na nila isinama ang droga, pagnanakaw, at pulitika bilang motibo sa nasabing krimen.

"Natanggal na natin ang third party, drugs, politics, robbery.

"And we found out na personal na alitan sa bahay...maybe financial matters can be one of them, pero personal na," pahayag ni Beltran.

Dagdag pa niya, "Maraming bagay na involved, discussion sa loob, anything na siguro nag-compound na to the point na ganito. Kasama na yung financial matters."

Gayunman, nilinaw ni Beltran na ang naiulat na P1 million na allowance para sa magkakapatid ay hindi nanggaling sa kanilang himpilan.

Sa ngayon, ipinatigil na ng pulisya ang hot pursuit operation laban sa apat na iba pang suspek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naisampa na sa korte ang murder at frustrated murder charges laban sa mga suspek.

Ang tatlong suspek sa krimen ay sina Glaiza Vista, Brian, at Norwin dela Cruz. Dalawa sa kanila ay nasa kustodiya na rin ng pulisya.

ON ALLEGED ARBITRARY DETENTION. Samantala, balak umano magsampa ng kaso ni Ramon Joseph (o RJ) laban sa pulisya dahil sa pagkakaaresto sa kanya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ng abugado ni RJ na si Atty. Dennis Manansala: "Si Ramona hindi nagtatago.

"Yun nga ang problema. Walang warrant of arrest. Hindi nila pwedeng arestuhin.

"Ang problema dito inimbitahan nila sumama ang bata [RJ] voluntary, tapos inaresto nila bigla.

"Mali 'yon. 'Di sila nagtatago."

Sa kabilang banda, sinagot naman ito ni Sr. Supt. Beltran.

Sa ulat ng TV5 News, sinabi niya na legal ang kanilang naging operasyon.

"We believe na yung aming actions, naging legal.

"Above-ground ang arrest based sa hot pursuit operation.

"Hindi naman po kami worried at ang payo namin, mag-concentrate sa kasong kinahaharap ng kliyente niya and how he will defend yung client."

Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang napaslang na si Ramgen kaninang hapon, Nobyembre 2, sa Revilla Mausoleum.

Ito ay matatagpuan sa Angelus Eternal Garden sa Toclong, Imus, Cavite.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN