(UPDATED) Ram Revilla's younger brother arrested for his murder; Ram's sister also faces murder raps

IMAGE 0


Ang nakababatang kapatid ni Ram Revilla (inset), na si Ramon Joseph "RJ" Bautista (main photo, with former Senator Ramon Revilla, Sr.), ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Ram noong Biyernes ng gabi, October 28.


Dinala ngayong hapon, November 1, sa Prosecutor's Office ng Parañaque City para sa inquest proceedings sina Ramon Joseph "RJ" Bautista, Michael Cruz Altia, at Roy Francis Tolisora.

Sila ang mga pangunahing suspect sa pagpatay kay Ramgen Bautista a.k.a. Ram Revilla—the 22-year-old son of former Senator Ramon Revilla, Sr.

Si RJ ang 18-year-old brother ni Ram, at siya ang itinuturo bilang mastermind sa krimen na nangyari sa kanilang tahanan sa Parañaque City noong Biyernes ng gabi, October 28. (CLICK HERE to read related story.)

Nadakip si RJ sa Bacoor, Cavite City kagabi, October 31, dahil sa testimony ng isang witness na kasali raw mismo sa pagpaplano sa pagpatay kay Ram.

Inaresto ng mga pulis sina Michael Altia at Roy Francis Tolisora dahil sila ang itinuro ni Ruel Puzon.

Si Ruel ay umamin na isa siyang hired killer.

Ayon sa report ng Philippine Star, sinabi ni Puzon sa sinumpaang salaysay nito na binayaran diumano ang mga suspect ng P200,000 para patayin si Ram dahil "hindi ito mabuti, sinusuway ang kanyang mga magulang, at sinasaktan ang mga kapatid."

Ipinagtapat din ni Ruel sa kanyang statement na kasama sana siya sa pagpatay kay Ram.

Sinabi rin nitong ang nangyari noong Biyernes ay ang pangalawang beses ng pagpaplano ng grupo na patayin ang biktima.

Hindi raw natuloy ang unang balak na patayin si Ram noong October 12 dahil nagkasa raw ng baril ang aktor nang marinig nitong may kumakatok sa pinto ng kanyang kuwarto. Natakot at tumakbo raw ang mga suspect.

Idinagdag pa ni Puzon na si RJ ang contact nila sa Parañaque house ng mga Bautista.

Namatay si Ram dahil sa tama ng mga bala ng baril at labing-isang saksak sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.

Binaril at sinaksak din ang kanyang girlfriend na si Janelle Manahan na kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE SISTER. Hindi lamang si RJ ang kinasuhan ng murder dahil isinama rin ng Parañaque Police si Maria Ramona Bautista, o Mara.

Si Mara ang isa pang kapatid ni Ram.

Sinampahan ng kaso si Ramona dahil lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na kasabwat siya sa plano ng pagpatay kay Ram.

Noong una ay sinabi ni Ramona na unang binaril ng mga suspect si Janelle, pagkatapos ay binaril at sinaksak ng labing-isang beses si Ram.

Ayon pa kay Ramona, pagkatapos ng pag-atake kina Ram at Janelle ay dinala siya ng mga suspect at ibinaba sa isang lugar malapit sa isang mall sa Parañaque.

Tatlong iba pang suspects ang pinangalanan ng mga awtoridad sa press conference pagkatapos ng inquest proceedings—sila ay nagngangalang Glaiza, Bryan, at Noreen Dela Cruz.

Nahaharap sa kasong murder at frustrated murder sina RJ at Ramona, kasama ang limang iba pa.

Sa kasalukuyan ay pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad si Ramona; pati na sina Glaiza, Bryan, at Noreen.

Ayon sa Parañaque Police, alitan sa pamilya ang posibleng motibo sa pagpatay kay Ram.



REWARD. Noong Sabado, October 29, ipinahayag ni Senator Bong Revilla, Jr. na magbibigay ang pamilya niya ng kalahating milyong pisong pabuya sa makapagtuturo sa pumaslang sa kanyang nakababatang kapatid.

Nagsalita rin si Bacoor Mayor Strike Revilla na hindi nila poprotektahan si RJ, kung totoong may kinalaman ito sa pagpatay kay Ram.

Noong gabi ng October 29 ay nakausap ng PEP.ph contributor na si John Fontanilla si RJ. (CLICK HERE to read related story.)

Sa naturang interview ay ikinuwento ni RJ ang ginawang pagpatay kay Ram. Ang kuwento niya ay ayon sa report ng pulisya.

Nang tanungin kung may hinala sila kung sino ang may kagagawan ng pagpatay sa kanyang kuya, sinabi ni RJ: "Wala nga pong prime suspect, pero iniisip nila baka may third party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman po kasi kaming matandaan na nakaaway yung kapatid ko, kaya hindi namin alam kung ano ang motibo ng pumatay.

"Wala naman kasi siyang kinuha sa bahay. Kung magnanakaw kasi yung killer, di sana may ninakaw na siya. Kaso wala talaga."

Humingi rin ng katarungan si RJ para sa pagkamatay ng kapatid.

Aniya: "Sana mabigyan ng katarungan yung nangyari kay Ramgen, sana mahuli kung sino man ang may gawa nito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN