Revilla family on RJ Bautista being implicated in the Ram murder case: "The statements should be validated, not taken on face value, alone."

IMAGE 0


Sa gitna ng mga bagong kaganapan kaugnay ng pagpatay kay Ramgen "Ram" Revilla—kunsaan dawit ang mga kapatid nitong sina Ramon Joseph o RJ at Ramona Bautista—isang official statement ang inilabas ni Senator Bong Revilla Jr. at ng buong Revilla clan ngayong araw, November 1.

Narito ang nilalaman ng official statement:

"Our family is as shocked as everyone. Nabigla din po kami sa kinalabasan ng imbestigasyon sa pagkamatay ng aming kapatid na si Ramgen, at ngayon naman ang pagkakasangkot ng tunay na kapatid ni Ramgen at half-brother din namin na si Joseph.

"Hindi pa man naililibing ang isa, isinasangkot naman ang isa pa. This is a tragic death made even more tragic by the fact that a family member is being implicated.

"Hindi kami makapaniwala na may kinalaman nga siya, hangga't hindi napapatunayan, beyond reasonable doubt, na ginawa nga niya ang ibinibintang sa kanya. Ang hinihiling lang namin ay bigyan pansin ang credibilidad ng mga suspect na isinasangkot ang aming kapatid sa ama na si Joseph. The statements should be validated, not taken on face value, alone.

"I call on the Task Force Ramgen to make sure that the result of the investigation must not lead to irreparable damage to the innocent, especially to their family members.

"Ganunpaman, kung sinuman ang tunay na may kagagawan nito, kahit sino pa siya, dapat siyang managot.

"Maraming salamat po sa lahat na nakiramay at patuloy na nakikiramay at nagdarasal para sa aming kapatid at sa aming pamilya. JUSTICE FOR RAMGEN. So help us, God!"

Ang tunay na apelyido ng mga Revilla ay Bautista.

Bukas, November 2, ihahatid sa kanyang huling hantungan si Ram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN