Primetime newscasts provide more reports about Ram Revilla murder case

IMAGE 0


Ram Revilla's murder was the biggest news last night on the three top primetime newscasts in the country—ABS-CBN's TV Patrol, TV5's Aksyon, and GMA-7's 24 Oras.


Ginugunita man ng sambayanang Pilipino ang Undas, isa pa rin sa mga bumabanderang balita sa lahat ng evening newscasts kagabi, November 1, ang developments sa kaso ng pamamaslang sa young actor na si Ram Revilla.

Matatandaang binaril at pinagsasaksak si Ram sa loob ng kanyang tahanan sa BF Homes Parañaque noong hatinggabi ng Biyernes, October 28, 2011.

Kasamang nabaril ang girlfriend nitong si Janelle Manahan. (CLICK HERE to read related story.)

Linggo, October 30, naman nang nasakote ng pulisya ng Parañaque ang dalawang suspects, at dito na nagsimulang magkaroon ng linaw ang sinasabing motibo sa pamamaslang kay Ram.

Kahapon ay naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pagkakaugnay ng ilang suspects sa krimen sa dalawang kapatid ni Ram: sina Ramon Joseph "RJ" Bautista at Ramona "Mara" Bautista. (CLICK HERE to read related story.)

Mabilis ang naging development ng kaso kahapon kaya naman tinutukan ng PEP ang iba't ibang news organizations tungkol sa mga updates ng kaso.

Ang sumusunod ay halaw mula sa reports ng primetime news ng tatlong istasyon—ang Aksyon Prime ng TV5, ang TV Patrol ng ABS-CBN, at ang 24 Oras ng GMA 7.

AKSYON PRIME (TV5): Revilla's statement:"A tragic death made even more tragic..."

Sa ulat ni Mae Anne Los Baños, ikinuwento nito na bandang alas-otso kagabi ay nagkaroon ng misa sa burol ni Ram.

Pero nakiusap ang pamilya Revilla na hindi na muna sila magpapa-interview dahil naging masalimuot ang naging resulta ng imbestigasyon.

Ayon pa sa ulat, pasado alas dos ng hapon nang dalhin ang tatlong suspects sa Parañaque Prosecutor's Office para sa gagawing inquest.

Kasama sa sinampahan ng kaso na "murder at frustrated murder" si Ramon Joseph "RJ" Bautista, ang nakababatang kapatid ng biktima.

Ayon pa sa report, may source na nakausap ang TV5 reporter na posibleng ang dahilan ng krimen ay "inggit at pera."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ram daw kasi ang humahawak ng sustento, para sa kanilang magkakapatid, na galing sa amang si Senator Ramon Revilla, Sr.

Apat pang suspects ang pinaghahanap ng mga awtoridad, kabilang na ang isa pang kapatid ni Ram na si Ramona.

Ayon pa raw sa kuwento ng guard ng subdivision, sina RJ at Ramona ang huling lumabas ng bahay pagkatapos ng krimen.

Sa salaysay ni Ramona sa mga pulis noon, tinangay raw siya ng mga suspects at binaba sa isang mall sa Las Piñas.

Binasa naman ng tagapagsalita ng pamilya Revilla na si Portia Ilagan ang statement ni Senator Ramon Bong Revilla, Jr. at ng Revilla/Bautista clan. (CLICK HERE to read full statement.)

Ayon sa bahagi ng statement na binasa ni Portia, "Hindi pa man naililibing ang isa, isinasangkot naman ang isa pa. This is a tragic death made even more tragic by the fact that a family member is being implicated."

Nanawagan din ang pamilya Revilla/Bautista sa Task Force Ramgen na maging patas sana sa imbestigasyon at kung sino man ang may kasalanan, yun dapat ang managot.

Patuloy pa ng statement ni Senator Bong Revilla,"Hindi kami makapaniwala na may kinalaman nga siya [RJ] hangga't hindi napapatunayan beyond reasonable doubt, na ginawa nga niya ang ibinibintang sa kanya."

Dagdag naman ni Portia, "Tutulungan sila ni Senator sa pangangailangan siguro as far as the lawyer is concerned."

Nakakulong na sa Parañaque detention center ang mga suspects, kabilang na ang 18-year-old na si RJ, na nakakabatang kapatid ni Ram.

TV PATROL (ABS-CBN): Cover-up ang nangyaring pangingidnap diumano kay Ramona Mara Bautista!

Sa ulat naman ng TV Patrol reporter na si Zy-ann Ambrosio, ikinuwento niya na ang personal diumano na alitan ng magkakapatid ang naging motibo ng pamamaslang.

Ito raw ay ayon pa rin sa imbestigasyon ng pulisya.

Pagpapatuloy niya, dinumog ng media ang disi-otso anyos na suspect na si Ramon Joseph Bautista na nakatalukbong ng itim na damit nang dumating ito sa police station ng Parañaque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mula doon ay dinala siya sa Parañaque City Hall para sa inquest, kasama ang dalawa pang suspects na sina Michael Altia at Roy Francis Tolisora.

Ang dalawa ay mga sinasabing "hired killers" na naaresto noong Linggo, October 30.

Ang kuwento raw ni Ramona na kinidnap diumano siya ng mga suspects ay isang "cover up," ayon sa pulisya.

Sa kanyang salaysay, sinabi ni Ramona na matapos patayin si Ram, at barilin ang girlfriend nitong si Jannelle Manahan, sinama pa siya ng mga nakamaskarang suspect at dinala sa Las Piñas.

Tapos daw ay basta na lang siya iniwan sa labas ng isang mall.

Ayon naman kay Chief Inspector Enrique Sy: "Siya ay accessories...sa crime dahil inutusan siya ni Janelle na tumawag ng ambulansiya o tulong.

"E, hindi siya bumalik, at umalis, at nakita nga ito ng mga guwardiya ng subdivision at pati nung personal assistant."

Sa initial na imbestigasyon ng PNP, personal na motibo ang dahilan daw ng pagpatay.

Pagpapatuloy pa ng ulat, panganay na anak ang napatay na si Ramgen, sinundan siya ni Ramona, at pang-anim na anak naman si Ramon Joseph sa siyam na magkakapatid.

Anak silang lahat ni Ramon Revilla, Sr. sa dating artista na si Genelyn Magsaysay.

Sinabi ng Parañaque police na ang testigo na si Roel Puzon ang naging susi ng pagkaresolba ng kaso.

Nakonsensiya raw kasi si Puzon kaya ipinagtapat niya ang lahat ng kanyang nalalaman sa pulisya.

Nakita raw mismo ni Puzon ang pagplano kung paano patayin si Ram.

Nagbigay pa raw ng downpayment si RJ na P19,000 sa hired killer para patayin ang kanyang kapatid.

Paniwala raw ng pulisya, may kredibilidad ang testigo dahil tugma ang kanyang testimonya sa imbestigasyon ng pulisya.

Hanggang sa mga oras na ito ay pinaghahanap pa ng pulisya ang isa pang kapatid ni Ram na si Ramona Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

24 ORAS (GMA7): Lola ni Ram, hindi naniniwalang kayang ipapatay ni RJ ang kanyang kuya!

Sa ulat naman ng 24 Oras, ikinuwento ng kanilang reporter na si Lia Mañalac ang pagdalaw ng lola nina Ram, Ramona, at RJ sa kulungan bandang madaling-araw kagabi, October 31.

Ipinagtanggol ni Laddielyn Madrigal ang apo niyang si RJ, at sinabing hindi raw nito kayang ipapatay ang kanyang kuya.

Panimula sa ulat, bandang alas dos ng madaling-araw dumating sa Parañaque Police Headquarters ang lola ni RJ, kasama ang ibang kaanak.

Mariin nitong itinanggi ang alegasyon sa kanyang apo.

Pagtatanggol ng lola ni RJ, "Imposible, dahil kasama siya papuntang Baguio dahil sa recognition sa PMA [Philippine Military Academy] sa isang kapatid.

"Kaya nagtataka kami lahat, pero siyempre wala tayong magagawa, pulis 'yan, e. Inimbita ka, e, 'di sumunod tayo sa batas."

Dagdag pa sa report, wala raw alam na dahilan si Mrs. Madrigal para ipapatay ni RJ ang sariling kapatid.

Kuwento pa niya, "Noong maliliit sila, talagang close sila lahat. Nung lumalaki sila, siyempre may build 'yan siyempre, may jealousy, pero not to the extent na gagawa naman itong bata ng ganun."

Wala rin daw kakayahan si RJ na magbayad sa mga nahuling hired killers.

Ganun pa man, matibay daw ang ebidensyiyang hawak ng pulisya laban kay RJ.

Ang pagtatanggol ng lola niya, "Napakabait niyan kaya imposibleng mangyari.

"Paano, e, ano naman ipangbabayad nung bata, na minsan pag pumapasok 'yan, e, minsan pangbayad ng toll pera niyan.

"Nagtitiis yan para makapag-graduate lang siya."

RAMON REVILLA, SR. ISINUGOD SA OSPITAL. Laman din ng balita sa lahat ng nabanggit na mga news organizations ang pagkaka-ospital ni Ramon Revilla, Sr.

Nagkaroon daw kasi ito ng mataas na lagnat at ubo. Pero nasa stable na condition na ngayon ang pinuno ng Revilla/Bautista clan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN