Ram Revilla finally laid to rest amidst controversy surrounding his death

IMAGE 0


Young actor Ram Revilla was buried earlier today, November 2, at the Revilla family's mausoleum in Imus, Cavite.


Inilibing na si Ramgen Revilla kaninang hapon, November 2, sa Angelus Eternal Gardens, Imus, Cavite.

Dinagsa ito ng maraming tao na ang iba'y nakikiusyuso lang, lalo na't sinusubaybayan na ang misteryo sa likod ng pagkamatay ni Ram.

Hindi nakadalo ang ama ni Ram na si dating Senator Ramon Revilla Sr. dahil nasa hospital pa ito at nagpapagaling.

Ayon kay Senator Bong Revilla, half-brother ni Ram, maayos na ang kalagayan ng kanilang ama.

Pero nalulungkot daw ito sa mga nangyayari, lalo na't ayon sa pulisya ay sangkot sa krimen ang mismong mga kapatid ni Ram na sina Ramon Joseph at Ramona Bautista.

A MOTHER'S PLEA. Bago nagsimula ang misa, sandaling nagpa-interview ang ina ni Ram na si Genelyn Magsaysay.

Inilabas nito ang kinikimkim na galit sa pagdadawit sa dalawa pa niyang mga anak.

"Humihingi po ako ng tulong na sana mahuli ang tunay na pumatay sa aking anak," umiiyak na pahayag ni Genelyn.

Himutok pa niya, "Napakabait po ni Ramgen. He's a church kid.

"Hindi ko po pinalaki ng ganun ang mga anak ko. Malapit sila sa Diyos.

"Hindi po magagawa ng mga anak ko 'yan! Wala pong ganung kalaking pera ang mga anak.

"Wala pong 200 thousand pesos si Joseph para patayin ang sarili niyang kapatid.

"Sana tulungan n'yo po ako dahil hindi ko na po kilala kung sino ang mga galit sa akin.

"Kung may galit po kayo sa akin, ako na lang po, huwag ang mga anak ko.

"Hindi ko na po alam kung sino ang kaibigan ko o kakampi.

"Hindi ko na alam ang mga humahalik sa akin kung kaibigan ba o kaaway.

"Sana makonsensiya kung sino ang gumawa nito.

"Huwag mo na paikut-ikutin ang kuwento. Makonsensiya ka na!

"Lumabas na kung sino ang totoong pumatay sa anak ko. Huwag n'yo po idamay ang mga anak ko.

"Nagmamahalan sila at hindi nila kayang gawin yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng ina ni Ram: "Mixed emotions po ako ngayon. Nandiyan ang galit, ang sakit, ang hapdi na naramdaman ng isang ina sa pangyayaring ito.

"Sana po tulungan n'yo akong malutas ito at malaman kung sino talaga ang totoong pumatay kay Ramgen."

Hindi dumalo sa misa si Genelyn. Nasa loob lamang siya ng family room ng musoleo.

Pero bago binasbasan si Ramgen, lumabas si Genelyn at muling nagsalita.

Ikinuwento nito ang pagiging Christian niya at kung paano raw napalapit sa Diyos ang kanyang mga anak.

Ikinuwento rin nitong pati ang ama ni Ram na si Senator Ramon Revilla Sr. ay pinabinyagan daw niya bilang Christian.

SENATOR BONG. Nang ibinaba na ang kabaong ni Ram, humagulgol ng iyak si Senator Bong, pati na ang mga anak nitong sina Jolo at Bryan.

Pagkatapos ng libing ay nagbigay ng pahayag si Senator Bong kaugnay sa mga huling developments ng murder case ni Ram.

"Let the law take its course. No one is above it," sabi niya.

Kahit ang kanyang ama ay ganun din daw ang gusto, na lumabas ang buong katotohanan at managot ang dapat managot.

"Parang isa itong masamang panaginip na hindi pa rin kami nagigising.

"Ang hinihiling lang po sana namin sa ating mga kababayan na patuloy lang ang pagdarasal, na malagpasan namin itong pagsubok na ito sa aming pamilya.

"Sana siguraduhin lang ng ating mga awtoridad na tama ang kanilang imbestigasyon.

"Tama yung kanilang mga witnesses na inilabas.

"Dahil napakabigat po para sa naging biktima at magiging biktima pa na mga inosente," pahayag ng aktor.

Nakikiusap din si Senator Bong na sana raw ay magkaroon ng reinvestigation dahil hanggang ngayon ay hindi raw sila makapaniwalang tama ang mga lumalabas na resulta ng imbestigasyon.

"Hindi ako makapaniwala na kayang gawin yun ng aming kapatid.

"At kung sakali naman na ginawa niya yun, dapat nilang panagutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa tingin ko naman, parang hindi nila kayang gawin.

"Wala pa namang makapagsabi na talagang solido na sila nga.

"Pero ganun pa man, iniiwan ko na iyan sa ating mga awtoridad.

"Mag-imbestiga silang mabuti.

"Siguraduhin lang nila na tama ang ginagawa nila," saad ni Senator Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN