Karylle finally opens up about past relationship with Dingdong Dantes; refuses to admit real score with Yael Yuzon

IMAGE 0


Karylle on surviving her breakup with Dingdong Dantes: "Actually, everything's in the past. But I was looking through some poems I had written. Siguro, long after, I was still writing things that hurt me. But at least I dealt with it and I was very, very honest with myself. Painfully honest, pero natapos din siya."


Makalipas ang tatlong taon matapos ang breakup nila ni Dingdong Dantes, maluwag na sa loob ni Karylle na magkuwento tungkol sa mga pinagdaanan nila ng kanyang famous ex-boyfriend.

Nakaraan na raw kasi ito at may kanya-kanya na silang buhay ngayon.

Ito ang sabi ni Karylle sa live interview sa kanya ni Boy Abunda para sa "Ikaw Na" segment ng late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, na napanood kagabi, November 9.

Hindi kasi nakaiwas ang singer-actress nang muling ungkatin ni Boy ang tungkol dito.

Sa kainitan daw kasi ng paghihiwalay nila ni Dingdong, maraming tao ang nag-isip na mahihirapang maka-recover si Karylle.

Pag-amin naman ni Karylle, kasama na raw siya sa mga taong nag-isip ng ganito.

"Isa na ako dun. Akala ko I'll be hiding under a rock.

"I have to migrate or whatever," sabi ng singer-actress.

Paano niya na-survive ito?

"I prayed. I prayed a lot. Nag-retreat ako.

"I faced every fear that I had.

"I was thankful na I was surrounded by so much people who love me.

"I think grace of God also just pulled me through."

Gaano katagal ito?

"A year... more than."

Was it a roller-coaster ride?

"Actually, everything's in the past.

"But I was looking through some poems I had written.

"Siguro, long after, I was still writing things that hurt me.

"But at least I dealt with it and I was very, very honest with myself.

"Painfully honest, pero natapos din siya."

FRIENDS WITH DINGDONG? Sila ba ay magkaibigan ni Dingdong ngayon?

Ani Karylle, "I would like to think we're on our way there.

"Siguro one day that will happen.

"But we've texted a couple of times.

"Kumbaga, naparating ko na sa kanya na, 'Okay na lahat, ha.' Parang ganun.

"Kasi ayoko namang isipin niya na galit pa ako or anything."

Sumagot naman daw si Dingdong sa text niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay naman."

Mag-business partners pa rin ba sila sa videoke bar na Centerstage?

"Yes, and we're putting up our third branch," sagot ni Karylle.

Na-maintain nga raw nila ang pagiging magkasosyo sa negosyo sa kabila ng nangyari sa kanila.

YAEL YUZON. Naka-move on na nga si Karylle, lalo na't nababalitang boyfriend na niya ang vocalist ng bandang Spongecola na si Yael Yuzon.

Kaya diretsahang tinanong ni Boy si Karylle kung sila na ba ni Yael.

"Ayoko kasi umamin ng anything," iwas ni Karylle.

Bakit ayaw niyang umamin?

"I think right now... siguro I learned from oversharing from the past.

"And that brought me to a place that wasn't very kind.

"It was very hard.

"I think hindi rin naman ako naging madamot.

"Hindi naman ako nagde-deny ng anything.

"I share it in my music."

Talking about music, kung may kanta siya para kay Yael, ano ito?

"I think it's track six, yung 'Basically.'"

Ang kantang "Basically" ay kasama sa bagong album ni Karylle na Roadtrip.

Nang kantahin nga niya ang ilang linya sa kanta, lalo na ang "strange but sweet, basically that's you and me," biniro siya ni Boy na sila na nga ni Yael.

Pero tinawanan lang ito ni Karylle.

CHRISTIAN BAUTISTA. Dumako naman ang usapan nila kay Christian Bautista, ang kasamahang singer ni Karylle sa Pan-Asian series na The Kitchen Musical.

Tinanong ni Boy kung niligawan ba siya ni Christian.

"Hindi ko rin nga alam. Gusto ko rin siyang tanungin," sagot ni Karylle.

Magkakasama sila ni Christian sa pagpo-promote ng international show nila sa iba pang Asian countries katulad ng Malaysia at Indonesia.

Banggit pa ni Karylle, "First time ko doon, and I'm actually excited to see all the Filipinos there, all the Malaysians and Indonesians, who have been tweeting me for the past couple of weeks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang daming nanonood ng Kitchen Musical."

HER MOM & DAD. Napag-usapan din ang dalawang taong mahalaga sa buhay ni Karylle—ang kanyang mommy na si Zsa Zsa Padilla at kanyang daddy na si Dr. Modesto Tatlonghari.

Annulled na ang kasal ng kanyang parents.

Si Zsa Zsa ay longtime partner ngayon ni Comedy King Dolphy.

What is the one thing we don't know about Zsa Zsa?

"She's very, very simple.

"At the end of the day, she likes being in her pajamas.

"She likes to spend the whole day in her pajamas, and I just like to cuddle up to her.

"She's very simple like that."

Hindi kilala ng ibang tao ang kanyang ama, tell us something about Dr. M.

"Well, he's a very, very good man.

"He has protected me all these years.

"And I think ang biggest compliment that I get is when I hear people say that 'you raised a good daughter.'"

KITCHEN QUESTIONS. Dahil isa siya sa stars ng The Kitchen Musical, tungkol sa kusina at pagkain ang mga sumunod na tanong ni Boy kay Karylle.

Kung ulam ka, ano ka?

"Kinilaw na tanigue."

Kung gamit ka sa kusina, ano ka?

"Spoon."

Sibuyas o bawang?

"Bawang."

Toyo, patis o suka?

"Toyo."

Steak: well done, medium-rare o rare?

"Well done."

Luto sa isda: fried, paksiw, o nilaga?

"Fried, para simple."

Luto sa gulay: pinakbet o chopsuey?

"Pinakbet."

Kung pagkain si Christian Bautista, ano siya at bakit?

"Dapat ano, pandesal. Pag nakita mo ang abs."

Kung ulam si Dingdong Dantes, ano siya at bakit?

"Ano ba? Tamilok. Hindi ko na lang ie-explain, sila na lang mag-research."

Sa research ng PEP, ang tamilok ay isang woodworm o mollusk na matatagpuan sa mangroves at ginagawang delicacy sa Palawan at Aklan.

Kung ulam si Yael Yuzon, ano siya at bakit?

"I think siya yung parang pagkain sa kanto... yung pag pinag-usapan mo, nagla-light up yung eyes mo because it brings back a lot of memories.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung may puso, yung dadayuhin mo yung lugar para ma-experience mo."

At muli ngang biniro ni Boy si Karylle na sila na nga ni Yael.

Natawa na lang ulit si Karylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN