PEP EXCLUSIVE: Nonito Donaire, Sr. denies being invited to the wedding of son Nonito Jr. and Rachel

IMAGE 0


Nonito Donaire, Sr. (in photo) on son Nonito Jr.: "Kung may mag-hire sa akin bilang boxing trainer ng isang baguhan, tatanggapin ko ang alok at ibibigay ko ang 100 percent ko para maging magaling siya at dumating ang araw na siya ang magiging kalaban ni Junjun. Ako ang naglagay sa kanyang posisyon ngayon. Ako rin ang hihila sa kanya pababa dahil napakayabang niya."



Mariing pinabulaanan ni Nonito Donaire, Sr. ang pahayag ng anak niyang si Nonito Jr. sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tinanggihan nila ng kanyang asawa ang imbitasyon sa kasal nina Nonito Jr. at Rachel Marcial noong Sabado, November 11.

Sa panayam ng PEP kay Nonito Jr. sa reception ng kasal nila ni Rachel sa Fernbrook Gardens, Portofino, New Alabang, ito ang sinabing dahilan ng boksingero kung bakit wala ang kanyang mga magulang:

"My parents, well, they declined the offer...not declined, but more like, my sister called me and sabi nila, mahihiya daw sila because of the recent ano with the family, yung family feud."

(CLICK HERE to read related story.)

Agad namang nagpadala si Nonito Sr. ng text message sa PEP nang mabasa niya ang interview sa kanyang anak.

Aniya, puro kasinungalingan ang sinabi ni Nonito Jr.

Hindi raw totoo na nahihiya sila na dumalo sa naganap na kasalan dahil sa kanilang family feud.

Sa exclusive interview ng PEP kay Nonito Sr. sa telepono, kahapon, November 13, kinumpirma nito na hindi na uli sila magkasundo nina Nonito Jr. at Rachel.

Sa pagkakataong ito, buo na ang desisyon ni Nonito Sr. na huwag nang magkaroon ng anumang kaugnayan sa mag-asawa.


NOT INVITED. Ayon kay Nonito Sr., na nakabase sa U.S., hindi sila imbitado sa kasal ng kanyang anak.

Saad ng ama ni Nonito Jr., "Hindi kami nagpunta sa kasal nila dahil hindi kami invited ng asawa ko.

"Hindi nila sinabi sa amin na magpapakasal sila.

"Hindi rin nila kami inimbitahan sa nakaraang laban ni Junjun [palayaw ni Nonito Jr.] sa New York.

"Naghanap sila ni Rachel ng butas para hindi kami ma-invite."

THE REAL REASON. Isiniwalat din ni Nonito Sr. sa PEP ang dahilan kung bakit hindi sila imbitado sa kasal ng anak.

Aniya, "Sinabi ni Rachel na hindi pa raw ready ang kanyang mga magulang na makipag-reconcile sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagbanta sila [Rachel's parents] na hindi sisipot sa kasal nina Junjun at Rachel kapag inimbitahan kami.

"Noong may problema si Junjun sa Top Rank Promotions at nakikipag-negotiate siya sa Golden Boy ni Oscar dela Joya, kinausap ko sila ni Rachel.

"Sinabi ko sa kanila na tulungan naman nila na makabalik sa paglalaro ng boxing si Glen [kapatid ni Nonito Jr.].

"Sabi ko kay Junjun, gusto pa ni Glen na mag-boxing kaya bigyan niya ng financial help.

"Ang sabi niya, 'Wala akong pera, Pang.'"

Dagdag pa ni Nonito Sr., "Kinausap ko si Rachel dahil siya ang gumagawa ng mga desisyon para kay Junjun.

"Sinabi ko na gusto na ni Glen na mag-full time sa boxing.

"Hindi na siya magtatrabaho para makapag-concentrate sa boxing kasi minsan, three days before the fight, he's still working.

"Nangako si Rachel na tutulungan si Glen na makuha ng Golden Boy.

"Tapos, nabasa ko, bumalik sila sa Top Rank.

"Mula noon, hindi na sila nag-reply sa mga tawag ko. Hina-hang nila ang cell phone.

"Alam ko 'yon dahil imbes na magkaroon ng voicemail, napuputol ang mga tawag ko. Umiiwas sila sa mga tawag ko.

"Ang ginawa ko, kumuha ako ng bagong manager for Glen.

"When Rachel learned about it, biglang nag-text.

"Kung talagang may balak sila na tumulong, tutulong sila.

"Ang kaso, pinagtaguan nila kami.


"Tapos ngayon, sasabihin niya na hindi pa ready na makipag-reconcile sa amin ang kanyang mga magulang?"

ALREADY DEAD. Muling naglabas ng kanyang sama ng loob ang ama ni Nonito Jr.

Sabi niya, "Ako ang nag-train noon kay Junjun.

"If not for me, mae-enjoy kaya nila ang kanilang celebrity status ngayon?

"Makikilala ba si Rachel kung ordinaryong tao si Junjun?

"Ang kapal naman nila! Mga akala mo na kung sino sila ngayon."

Sumunod nito ay ang matalim na pahayag ni Nonito Sr. para sa anak at sa asawa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Patay na sila para sa amin!

"Nagtirik nga ako ng kandila para sa kanila noong November 2 [All Souls Day].

"Pakisabi kay Junjun, ituring na rin niya kami na mga patay na.

"Kung puwede, magpalit na siya ng pangalan."

May patutsada rin si Nonito Sr. kay Rachel at sa anak.

Aniya, "'Yang si Rachel, social climber. Masyadong mag-pretend na mayaman.

"Nakipagbati sila noon sa amin para sa publicity nila.

"Ngayon ko nakita na ibang klaseng tao si Junjun.

"Hindi niya mapagsabihan si Rachel na 'huwag mo ganoonin ang magulang ko.'

"Iniidolo pa naman siya ng mga bata, pero hindi siya nagpapakita ng respeto sa magulang.

"Kung may mag-hire sa akin bilang boxing trainer ng isang baguhan, tatanggapin ko ang alok at ibibigay ko ang 100 percent ko para maging magaling siya at dumating ang araw na siya ang magiging kalaban ni Junjun.

"Ako ang naglagay sa kanyang posisyon ngayon.

"Ako rin ang hihila sa kanya pababa dahil napakayabang niya."

BOAT CRUISE. Ipinaabot na ng PEP ang tinuran ng ama ni Nonito Sr. sa mag-asawa sa pamamagitan ng text message na ipinadala ng PEP managing editor na si Karen Pagsolingan kaninang umaga, November 14.

Pero kasalukuyang nasa "boat cruise" sina Nonito Jr. at Rachel.

Maglalabas daw sila ng statement "after vacation."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN