PEP EXCLUSIVE: Nonito Donaire, Sr. takes back words against son Nonito Jr.; now open for reconciliation

IMAGE 0


"Yung mga sinabi ko noon na masama, binabawi ko na. Kahit papaano, anak ko pa rin siya. Bugso lamang 'yon ng damdamin dahil talagang sumama ang loob ko sa sinabi nila na nag-decline kami na dumalo sa kanilang kasal sa Pilipinas noong November 11. Nagalit ako dahil hindi kami binigyan ng imbitasyon. Binaligtad nila ang kuwento. Doon nagpanting ang tenga ko. Nagsinungaling sila kaya nakapagsalita ako ng masakit," says Nonito Donaire, Sr. (in photo) about taking


Ikinatuwa ni Nonito Donaire, Sr. ang tagumpay ng kanyang anak na si Glenn sa laban nito sa Puerto Rican boxer na si Alex Sanchez noong nakaraang Sabado, December 10, sa Kissimmee, Florida, USA.

Napanalunan ni Glenn ang Intermin WBC Latino flyweight title dahil na-technical knockout (TKO) niya si Sanchez sa 8th round ng kanilang boxing match.

Si Nonito Sr. ang boxing trainer ni Glenn kaya maligayang-maligaya ang ama ni Nonito Donaire, Jr. sa naging resulta ng kanilang mga paghihirap.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nonito Sr. sa pamamagitan ng overseas call kahapon, December 12.

PROUD FATHER. Ayon sa nakatatandang Donaire, na naka-base sa California, "Masaya ako sa tagumpay ni Glenn.

"Parang world championship ang nararamdaman ko.

"Ako ang trainer ni Glenn."

Kuwento pa niya, "Ako ang kinakabahan, parang may anxiety ako na nararamdaman dahil natanggap namin ang notice na may laban siya, seven days before the fight.

"Tinawagan ako sa telepono. Sinabi sa akin na nag-backout ang kalaban ni Alex Sanchez dahil nagkaroon ng injury.

"Ayaw sana ni Glenn na lumaban dahil kagagaling lamang niya sa trangkaso.

"Hindi siya nakapag-training ng apat na araw.

"Pero bago nagkasakit, nag-training si Glenn ng walong buwan.

"Sabi ko sa kanya, malaking oportunidad ito.

"World-rated ang laban na kanyang sasalihan at sigurado ako na kayang-kaya niya, kahit inuubo at sinisipon siya.

"Salamat sa Diyos, nanalo siya."

Dagdag pa ni Nonito Sr., "Two-time world champion ang kalaban niya.

"Thirty-two years old na si Glenn, pero malakas siya.

"Kumbaga sa sasakyan, mababa pa ang mileage niya.

"Naalalala ko si Junjun [Nonito Jr.] nang manalo si Glenn.

"May laban uli siya, baka sa January o February 2012 ang kanyang next fight."

NONITO JR.'S REACTION. Mabilis namang nakarating kay Nonito Jr. ang balita tungkol sa tagumpay ng kanyang nakatatandang kapatid.

Hindi man personal na binati ni Nonito Jr. si Glenn, nag-post siya ng congratulatory message sa kanyang Facebook account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Just got wind here in PI that my older Brother Glenn won his come back fight. Congrats Manoy Boyet on ur victory. I know we hv our differences in life bt ur kids will be very proud n thankful 4 the dinner u put on the table tonight n every night after bc its UR hardwork n no one else's. God Bless."

REMORSEFUL. Ikinatuwa naman ni Nonito Sr. ang mensahe ng kanyang estranged son para kay Glenn.

Sa exclusive interview ng PEP, sinabi ng ama ni Nonito Jr. na binabawi nito ang masasakit na salita na binitiwan niya noon laban sa mag-asawang Nonito Jr. at Rachel.

Aniya, "Yung mga sinabi ko noon na masama, binabawi ko na.

"Kahit papaano, anak ko pa rin siya.

"Bugso lamang 'yon ng damdamin dahil talagang sumama ang loob ko sa sinabi nila na nag-decline kami na dumalo sa kanilang kasal sa Pilipinas noong November 11.

"Nagalit ako dahil hindi kami binigyan ng imbitasyon. Binaligtad nila ang kuwento.

"Doon nagpanting ang tenga ko.

"Nagsinungaling sila kaya nakapagsalita ako ng masakit."

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi pa ni Nonito Sr., "Bilang ama, may pagkakamali ako.

"Binabawi ko rin ang sinabi ko na ako ang magpapabagsak sa kanya."

OPEN FOR RECONCILIATION. Bukas din daw si Nonito Sr. para sa reconciliation.

Diin niya, "Palagi akong open for reconciliation.

"Nakapag-move on na kami. Nalampasan na namin ang crisis.

"Hindi gaya ng dati na mabigat.

"Sana, pakinggan niya ang side namin.

"Hindi yung pabor siya palagi sa mga sinasabi ng asawa niya."

MESSAGE FOR NONITO JR. May mensahe rin si Nonito Sr. sa kanyang anak.

"I always wish him luck.

"Kung anuman ang sama ng loob ko, forget about it.

"Kung hindi mo ako mahal, mahal kita. I love you.

"Kung hindi kami matanggap na biyenan ni Rachel, tanggap na namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May laban uli si Junjun sa February at may nababalitaan ako na hindi maayos ang kanyang training.

"Sana, kumuha siya ng magaling na trainer para mag-improve ang skills niya sa boxing.

"Sana, mag-focus siya dahil kapag may mangyari sa kanya, masasaktan kami kahit wala siyang feelings para sa amin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN