Luigi Revilla shocked by killing of uncle Ramgen Revilla

IMAGE 0


Luigi Revilla on his uncle Ram's murder: "Sobrang nalungkot ako at hindi makapaniwala sa nangyari. Tapos nung mismong araw na napanood ko yun, tinawagan ko si RJ at tinanong ko kung ano yung nangyari. Pero after nun, hindi ko na ulit nakausap si RJ, hanggang sa lumabas yung balita na sila RJ at Ramona ang itinuturong suspects."


Isa sa dumalo sa launch ng Profiles Magazine—na nagtatampok sa lahat ng talents ng GMA Artist Center—ay si Luigi Revilla.

Ginanap ang launch sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Manila kagabi, November 8.

Si Luigi ay anak ni Senator Bong Revilla kay Lovely Guzman, isang University of the Philippines political science graduate.

Si Luigi ay pamangkin din ng pinaslang na aktor na si Ramgen Revilla.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Luigi kagabi, ikinuwento nito ang naging reaksiyon niya nang malaman ang pagkakapaslang sa kanyang tiyuhin.

"Naglalaro ako noon sa computer nang may kaibigan akong tumawag at sinabing patay na daw si Ram, at napanood niya sa TV.

"Bigla akong kinilabutan at na-shock nang makarating sa akin ang balita.

"Kasi akala ko, yung nakababatang kapatid ko na si Ram yung tinutukoy niya. Kasi, Ram din pangalan ng kapatid ko.

Ang Ram na tinutukoy ni Luigi ay ang bunsong anak na lalaki ni Senator Bong sa misis nitong si Congresswoman Lani Mercado.

Patuloy ni Luigi, "Pero sabi niya [his friend] sa akin, manood ako ng news sa TV dahil sinasabi daw doon.

"Tapos nung nanood ako, nakita ko na si Ramgen pala yung sinasabi niya.

"Sobrang nalungkot ako at hindi makapaniwala sa nangyari.

"Tapos nung mismong araw na napanood ko yun, tinawagan ko si RJ at tinanong ko kung ano yung nangyari.

"Pero after nun, hindi ko na ulit nakausap si RJ, hanggang sa lumabas yung balita na sila RJ at Ramona ang itinuturong suspects."

Sina RJ (Ramon Joseph) at Ramona Bautista ang mga kapatid ni Ramgen na isinasangkot ng mga imbestigador sa pagpaslang kay Ramgen.

Ano ang naging reaksiyon ni Luigi nang malaman niyang suspek sa pagpatay kay Ramgen sina RJ at Ramona?

Ayon sa baguhang aktor, "Ganoon pa rin, nalungkot. Kasi kapatid nila si Ramgen, tapos dalawa sila sa tinuturong suspects ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon daw ay walang kaalam-alam si Luigi sa mga kaganapan sa kasong pagpatay kay Ramgen.

Pakiusap pa niya, "'Wag na lang po natin pag-usapan sina Ram, RJ, at Ramona.

"Kasi wala akong alam kung ano na yung nangyayari. Wala rin naman kasi akong maise-share tungkol dito.

"Basta nalulungkot kami kasi Revilla kami pare-pareho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN