Mommy Carol Santos celebrates 65th birthday

IMAGE 0


Mommy Carol Santos celebrated her 65th birthday last Saturday, February 25, with her family and closest friends in and out of showbiz.


Eksaktong araw ng kanyang kaarawan, February 25, nag-celebrate si mommy Carol Santos ng kanyang 65th birthday.

Ang pagdiriwang ng butihing ina ni Judy Ann Santos ay naganap sa 55 Events Place sa Scout Rallos, Quezon City.

Maaga pa lang ay nasa venue na ang Young Superstar at ang mga anak nitong sina Yohan at Lucho, pati na rin ang mga kapatid ni Judy Ann na sina Jeffrey at Jackie, kasama ang kanilang respective families.

Dinatnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na inaayusan ni Ricci Chan si Judy Ann.

Ilang sandali lamang, matapos ring magpa-make-up ay sinuot na ng celebrator ang isang lavander outfit na nilikha ni Paul Cabral, na siya ring nag-design at gumawa ng baby pink party ensemble na suot ni Judy Ann.

Bago nagsimula ang party ay isang misa, officiated by Father Larry Faraon, ang ginanap.

Kaibigan ng pari ang may kaarawan at naikuwento pa nito na noong sumama sila sa isang religious tour sa Holy Land ay palagi silang nagkukuwentuhan at nag-uusap tungkol sa buhay.

Panay ang biro ni Father Larry kay mommy Carol during the homily na sixty-five years old na ito at matanda na.

Isa naman daw itong "good thing" dahil ang pagdadagdag ng tao sa edad ng isang tao ay nangangahulugan rin ng pagdami ng "idad"—kapasidad, abilidad, at spirituwalidad.

After the mass ay nag-dinner na ang mga bisita na karamihan ay mga childhood friends and classmates ni mommy Carol.

Sinundan ito ng performance ng grupong Bedroom Voice na umawit ng mga paboritong kanta ni mommy Carol na sumikat noong mas bata-bata pa ito.

Isang surprise song number naman mula sa crooner na si Richard Poon ang regalo ng mga anak ni Mommy Carol sa kanya. Isa kasi si Richard sa mga favorite singers nito.

Ang nakakatuwa, dumiretso muna sa garden ng venue si Richard para magtago at hindi makita ng may kaarawan dahil nga surprise sana ang pagpunta niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkataon namang lumabas sa garden si mommy Carol kaya nabuko rin si Richard.

While the crooner was singing his usual classic love songs, napansin niyang nakikinig rin ang mga batang guests, pati na si Yohan, Judy Ann's seven-year old daughter. Kaya pabirong sinabi ni Richard na kakanta rin siya ng Justin Bieber songs.

After Richard's set, muling kumanta ang Bedroom Voice band at nagsimula na ang ballroom dancing.

Ang first dance ni mommy Carol ay ang panganay niyang anak and only son na si Jeffrey.

Lahat ay nakatutok sa mag-ina habang sila ay sumasayaw.

Isa rin sa mga isinayaw ang birthday girl ay ang apo niyang si Jazmer na anak ni Jeffrey, na 16 years old na at kaparehong good-looking ng kanynag ama.

Nang tanungin si Jazmer kung gusto niyang mag-artista, napailing lang ang binatilyo sabay-sabing mas gusto raw niyang magtapos ng pag-aaral.

During the party ay enjoy na enjoy naman sa paglalaro si Lucho. At kahit naka-party outfit ang kanyang mommy ay walang sawang sinusundan siya kahit saan magpunta.

Very hands-on mom si Juday kaya kahit may yaya ang kanyang baby ay siya pa rin mismo ang personal na nag-aasikaso dito.

Si Yohan naman ay panay rin ang pakikipaglaro at pagsasayaw kasama ng mga batang pinsan at kaibigan niya na nasa party rin.

Ilan sa mga espesyal na bisita ni mommy Carol that night ay ang kanyang mga balae na sina Mr. Chito at Mrs. Rowena Agoncillo, parents ng mister ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo.

Dumalo rin si Mrs. Amelia Pascual, ang nanay ng dating ka-loveteam ni Juday na si Piolo Pascual. Nanatiling matalik na magkaibigan sina Mommy Carol at Mommy Amelia.

Nasa party rin ang lady boss ng Eat Bulaga! na si Ms. Malou Choa-Fagar, Tolits "Shalala" Reyes, director Dante "Ga" Garcia, at si Ms. Jo-Ann Maglipon, ang editor-in-chief ng YES! magazine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, habang ongoing ang party, kumalat sa Twitter na si Ryan raw ay hindi nakadalo at nasa isang bar, kunsaan siya'y nakikipag-inuman.

Natawa ang lahat, maging ng inyong lingkod, sa balita dahil kasalukuyan naming kausap ng mga oras na 'yon sa table namin si Ryan.

Sa kabuuan, masaya ang selebrasyon ng birthday ni mommy Carol at labis-labis siyang nagpapasalamat sa mga naging bahagi nito, lalo na ang mga naging punong-abala sa pagdiriwang, ang kanyang tatlong anak na sina Judy Ann, Jeffrey at Jackie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN