Janelle Manahan's dad neither confirms nor denies claim that Revilla family is shouldering her medical expenses; worries about his family's security

IMAGE 0


Mr. Julius Manahan, father of Janelle Manahan (in photo), refuses to confirm or deny the claim of the Revilla family's spokesperson that the Revillas are shouldering the medical expenses of Ramgen Revilla's girlfriend. Janelle sucessfully underwent an operation to fix her facial fractures.


Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Portia Ilagan, spokesperson ng mag-amang former Senator Ramon at Senator Bong Revilla, noong Linggo, November 6, sinabi nitong sagot ng pamilya Revilla ang lahat ng gastusin ni Janelle Manahan sa ospital.

Si Janelle ang kasama ng boyfriend niyang si Ramgen Revilla nang pinaslang ang aktor noong gabi ng Oktubre 28, Biyernes.

Kasalukuyang nasa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa, si Janelle dahil sa tinamo nitong tama ng bala sa ilalim ng kaliwang mata at sa kanang balikat.

Tinatayang nadamay na lang ito sa nangyaring pamamaril at pagpatay kay Ramgen.

Ayon kay Portia, "Yes, they [Revilla family] are the ones paying for everything.

"Lahat ng gastos ni Janelle Manahan sa Asian Medical Center ay under kina Ramon Revilla Sr. and Sen. Bong Revilla Jr."

(CLICK HERE to read related story.)

Kaya naman ikinagulat ng PEP ang naging tugon ni Julius Manahan, ama ni Janelle, sa live interview ng Aksyon, ang early primetime news program ng TV5, noong Lunes, November 7, nang pumunta ang tanong tungkol sa gastusin ng anak.

Tinanong ng Aksyon anchor na si Erwin Tulfo kung meron na bang nag-alok ng tulong para sa malaking gastusing medikal ni Janelle. Gaya raw ng nanay ni Ramgen na si Genelyn Magsaysay o sinuman sa pamilya ni dating Senator Ramon Revilla, Sr.

Walang tinukoy na tiyak na pangalan si Mr. Manahan.

Ayon sa ama ni Janelle: "Wala pa pong pormal na napag-uusapan o tulong man.

"As of now po, e, kami-kami lang po muna ang nag-uusap-usap.

"And the reason why we're here sa Asian Hospital po siguro is because of that one person na tumutulong din po sa amin."

Hindi malinaw kung ang tinutukoy na "that one person" ay may kaugnayan sa pamilya Revilla.

Ipinagtataka ng PEP kung bakit hindi direktang masabi ni Mr. Manahan kung tinutulungan sila ng pamilya Revilla, na taliwas sa ipinahayag ng spokesperson ng mga Revilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong din ng Aksyon kay Mr. Manahan kung may dumalaw na ba kay Janelle mula sa pamilya Revilla.

Sagot nito: "Merong dumalaw, pero hindi ko na po papangalanan, sa pamilya nila. Nangumusta lang po.

"Marami pong nagsasabi na gusto po nilang dumalaw. Humihingi lang po ng permiso.

"Okay lang din naman po sa amin yun."

SUCCESSFUL OPERATION. Sa ngayon nga ay nagpapagaling na si Janelle matapos niyang sumailalim sa sampung oras na operasyon kahapon, November 7.

Ito ay para maisaayos ang apat na facial fractures na dulot ng tama ng bala sa ilalim ng kaliwang mata niya na tumagos sa kanang panga.

Kuwento ng ama ni Janelle, kumuha ng buto sa kanang tadyang ng dalaga para ilagay sa kanang panga na umusli at nawasak.

Aabutin daw ng anim hanggang walong linggo na bawal magsalita o galawin ni Janelle ang kanyang mukha para mabilis ang paghilom ng mga inopera.

Masaya ngang ibinalita ni Mr. Manahan ang matagumpay na operasyon ni Janelle.

Aniya: "Sabi po ng mga doctor, naging successful naman po yung operasyon niya.

"Ang kagandahan ho, yung mga cuts ay hindi ginawa sa labas kundi sa loob lahat."

Nilagyan din daw ng titanium plates ang panga ni Janelle.

"Yung titanium plates na nailagay po ay dalawa.

"Isang square na may apat na butas at isang L-type na may limang butas.

"Yung pong bone-grafting ay natuloy. Meron ding screw.

"Ang only incision niya lang sa mukha ay yung parang maliit lang na cut na pinasukan ng screw driver para po mai-connect yung bone dun sa jaw area niya."

Aabutin daw ng walong linggo ang recovery ni Janelle.

Ibig sabihin ba nito ay magtatagal rin ito ng eight weeks sa ospital?

Ayon kay Mr. Manahan, "Not necessarily po na mag-stay siya sa hospital.

"Pero wala pa pong official instructions ang mga doktor.

"Six to eight weeks po siyang bawal kumain ng solid. Ibig sabihin, liquid diet siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And six to eight weeks din siyang bawal magsalita at bumuka ng bibig.

"Meron po siyang brace sa loob po ng mouth niya."

SIGN LANGUAGE. Sa report naman ng GMA News na napanood sa 24 Oras kanina, November 8, sa ngayon daw ay tanging sa senyas at pagsusulat muna nakikipagkomunikasyon si Janelle.

Hindi pa nga siya pwedeng magsalita.

Nang humingi nga raw ng tubig si Janelle kagabi, ginawa niya ito sa pamamagitan ng senyas.

Kuwento pa rin ni Mr. Manahan, "Ungol... parang ungol lang. Tapos parang tinuturo niya.

"And the way she drinks the water is through syringe, paunti-unti lang."

Suhestiyon daw ng doktor, kung kakayanin, puwede raw isulat ni Janelle ang kanyang mga mensahe.

Sabi ng ama ng dating talent-search contestant, "If we can get a marker and board, yun na lang muna.

"Or ano yun... yung magic slate, yun na lang muna.

"Kung ano ang ibig niyang sabihin, pag mahaba-haba, isusulat niya na lang.

"Ita-try niyang magsulat."

Kumpiyansa naman daw ang mga doktor na maibabalik ang dating ganda ni Janelle.

Umaasa si Mr. Manahan na makalalabas sa ospital si Janelle pagkaraan ng sampung araw.

Saka na raw nila aasikasuhin ang tungkol sa kaso.

WORRIED ABOUT THEIR SECURITY. Malaki ang magiging bahagi ni Janelle sa ginagawang imbestigasyon sa pagpatay kay Ramgen.

Lalo na't siya ay surviving victim at major witness pa sa krimen.

Sa statement ni Janelle sa pulisya, sinabi nito na ang kapatid ni Ramgen na si Ramona "Mara" Bautista ang kumatok sa pinto ng kuwarto ni Ramgen.

Ilang minuto makaraang lumabas sa kuwarto si Ramona ay bigla naman daw pumasok ang kriminal at pinagbabaril sina Ramgen at Janelle.

Pinagsasaksak pa si Ramgen na naging dahilan ng tuluyan nitong pagkasawi.

Dahil sa statement na ito ni Janelle kaya isinasangkot si Ramona bilang accomplice sa krimen.

Nakaalis na sa bansa si Ramona at tumungo sa Hong Kong. Pero pinaniniwalaang pumunta na siya sa Turkey kung saan nakatira ang kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kapatid naman ni Ramona na si Ramon Joseph o RJ, na nakakulong na ngayon sa ParaƱaque City jail, ang itinuturo ng mga pulis na mastermind umano sa pagpatay kay Ramgen.

Nakakulong na rin ang dalawa pang suspects na sina Michael Altea at Roy Francis Tolisora na sinasabing hired killers.

JANELLE'S TESTIMONY CRUCIAL. Ang pakakawalang testimonya ni Janelle ang inaasahang tutuldok sa kaso ng pagpatay kay Ramgen.

Bukod kasi kay Ramona, si Janelle lang ang kasama ni Ramgen sa loob ng kuwarto nang mangyari ang krimen.

Dahil sa importanteng papel ng dalaga sa kaso, nangangamba ang pamilya Manahan sa kanilang seguridad.

Ito ang inamin ng ama ni Janelle sa interview sa kanya ng Aksyon, na napanood sa TV5 kanina, November 8.

Sabi ni Mr. Manahan, "We do fear for our life. Sana wala na pong untoward na incident na mangyari after this."

Muli ring natanong si Mr. Manahan kung ang kampo ba ng pamilya Revilla ang sasagot sa gastusin ni Janelle sa mamahaling ospital.

"I'm sure somebody's taking good care of us," tanging tugon ni Mr. Manahan.

Kung siya raw ang masusunod, hangga't maaari ay ayaw na raw ni Mr. Manahan na magkaroon pa ng koneksyon ang kanyang anak sa pamilya Revilla.

Pero aminado naman siya na mahirap ito.

Lalo na't sa limang taong relasyon nina Ramgen at Janelle ay naging malapit daw ang kanyang anak sa pamilya ng yumao nitong boyfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN