PEP EXCLUSIVE: Revilla Family shoulders Janelle Manahan's medical expenses, says Revilla spokesperson

IMAGE 0


Janelle Manahan (in photo) is scheduled to undergo a second major operation today, November 7, to fix her facial fractures. Janelle sustained two gun shot wounds on the night her boyfriend Ramgen Revilla was killed.


Hindi raw pinababayaan ng Revilla family si Janelle Manahan, ang girlfriend ng napaslang na si Ramgen Revilla.

Kasalukuyan kasing nasa ospital ngayon si Janelle dahil sa tinamo nitong tama ng bala sa ilalim ng kaliwang mata at sa kanang balikat matapos madamay sa pamamaril at pagpatay kay Ramgen.

Sagot daw ng mga Revilla ang lahat ng gastusin ni Janelle sa ospital.

Ito ang isiniwalat ng spokesperson ng Revilla family na si Portia Ilagan, nang eksklusibo siyang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng live interview niya sa Paparazzi Showbiz Exposed, kahapon, November 6.

Ayon kay Portia, "Yes, they [Revilla family] are the ones paying for everything."

Dagdag pa ng spokesperson ng mga Revilla, "Lahat ng gastos ni Janelle Manahan sa Asian Medical Center ay under kina Ramon Revilla, Sr. and Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr."

Hindi pa kasi naitanong kung sino nga ang nag-aasikaso kay Janelle, at hindi pa rin naiuulat maging sa mga news programs.

Ayon sa balita, noong Sabado ng gabi, November 5, lang nalaman ni Janelle na namatay at nailibing na si Ramgen.

Ano ang komento ni Portia sa hindi pagsasabi agad ng katotohanan kay Janelle?

"Probably that was the decision of the doctor kaya hindi nila agad sinabi. Kasi, baka lalong ma-trauma yung bata," sagot niya.

Ngayong araw, Nobyembre 7, ay nakatakdang sumailalim ni Janelle sa ikalawang maselang operasyon.

Matatagalan pa raw sa ospital si Janelle dahil sa series of operations na kailangan nitong pagdaanan.

Pagkatapos nito ay kailangan ang matagal na rehab at therapy para makapagsalita at makakilos siya nang mas maayos.

Nakahanda naman daw ang Revilla family na tumulong at umalalay kay Janelle hanggang sa tuluyan na itong gumaling.

Sabi ni Portia, "I hope she's well. We're hoping for her fullest recovery.

"We're sorry that Ramgen is gone."

Hangad din daw ng pamilya Revilla ang mabilis na paggaling ni Janelle at unti-unting maka-recover ito sa trauma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki kasi ang magiging bahagi ni Janelle sa ginagawang imbestigasyon, lalo na't biktima rin siya at major witness pa sa krimen.

Tutulungan din daw nila ang dalaga na makamit nito ang hustisya sa sinapit na trahedya nilang magkasintahan.

Sa statement ni Janelle sa pulisya, sinabi nito na ang kapatid ni Ramgen na si Ramona Bautista ang kumatok sa pinto ng kuwarto nila.

Ilang minuto raw makaraan itong lumabas sa kuwarto ay bigla namang pumasok ang mga kriminal at pinagbabaril sina Ramgen at Janelle.

Pinagsasaksak pa si Ramgen, na naging dahilan ng tuluyan nitong pagkasawi.

Dahil sa statement na ito ni Janelle ay isinangkot si Ramona bilang umano'y accomplice sa krimen.

Pero itinanggi na ni Ramona ang pahayag ni Janelle.

Ang kapatid naman ni Ramona na si Ramon Joseph o RJ, na nakakulong na ngayon sa ParaƱaque City Jail, ang itinuturong mastermind diumano sa pagpatay kay Ramgen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN