Jennylyn Mercado on almost bumping into ex-boyfriend Dennis Trillo at Golden Screen TV Awards: "Well, medyo may kaba ng konti, pero okay lang."

IMAGE 0


Jennylyn Mercado on possibility of bumping into ex-boyfriend Dennis Trillo when she's with current boyfriend Luis Manzano: "Kung anuman ang mangyari, bahala na. Kasi, kilala ko rin naman si Dennis. Hindi naman siya yung tao na sasabak sa isang gulo, di ba? Si Luis din naman, ganun din naman. Sa tingin ko, wala namang mangyayari, or wala namang masama if ever magkita-kita kaming tatlo."


Live na nakausap si Jennylyn Mercado ng kanyang co-host na si Raymond Gutierrez sa Showbiz Central kahapon, December 4, Linggo.

Ito ay kaugnay ng isyung muntik nang mag-krus ang landas nina Jennylyn at boyfriend nitong si Luis Manzano at ng ex-boyfriend ng actress-singer na si Dennis Trillo, sa Golden Screen TV Awards noong November 29 sa Teatrino Greenhills.

(CLICK HERE to read related story.)

Alam ba ni Jennylyn na nominado si Dennis sa Golden Screen TV Awards?

"Hindi!" sagot niya.

"Late na rin nung araw na yun na sinabi sa akin ni Luis na 'Samahan mo naman ako kasi kailangan ko ng kasama.'

"So, sabi ko, 'Sige. Ano bang kailangang isuot?'

"Kasi wala naman akong idea ano bang event. So, sabi ko, 'Sige, samahan kita.'

"So, wala talaga akong idea, wala talaga akong idea at all."

Nanalo si Dennis bilang Best Dramatic Actor para sa Sinner Or Saint, samantalang nagwagi si Luis bilang Best Adapted Reality Program Host para sa Pilipinas Got Talent.

At nang dumating nga sila ni Luis sa Teatrino ay nakita ni Jennylyn ang sasakyan ni Dennis sa labas.

Ano ang naramdaman niya nang nalaman niyang naroroon si Dennis sa event?

"Well, medyo may kaba ng konti, pero okay lang.

"Sa tingin ko, parang... Medyo matagal na rin yung... medyo matagal na rin kasi nung simula nung nangyari yung gulo sa aming dalawa ni Dennis.

"Parang matagal na.

"So, para sa akin, nung nakita ko, medyo kinabahan ako.

"Pero naisip ko rin, parang siguro okay na naman lahat.

"Kasi ang tagal na rin, e. Kalimutan na lang natin," saad niya.


AFTER THE BREAKUP. Matatandaang naging masalimuot ang breakup nina Jennylyn at Dennis noong March 2011.

Inihayag ni Jennylyn ang kanyang panig tungkol sa hiwalayan nila ni Dennis sa YES! Magazine.

Samantala, liban sa isang maikling statement para sa YES!, pinili ni Dennis na manahimik tungkol sa mga naging pahayag ng dating kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

Nagkita na ba sila ni Dennis matapos ang "gulo?" Nakapag-usap na ba sila?

"Nagkikita kami sa Party Pilipinas," sagot ni Jennylyn.

Pero walang usapan na nangyayari?

"Wala."

Napag-usapan na ba nila ni Luis na kung sakaling nasa iisang lugar silang tatlo, ano sa tingin nila ang mangyayari?

"Hindi namin napag-uusapan ni Luis yun. Wala, bahala na!" ang natatawang sinabi ni Jennylyn.

"Kung anuman ang mangyari, bahala na.

"Kasi, kilala ko rin naman si Dennis.

"Hindi naman siya yung tao na sasabak sa isang gulo, di ba?

"Si Luis din naman, ganun din naman.

"Sa tingin ko, wala namang mangyayari, or wala namang masama if ever magkita-kita kaming tatlo."

Sa palagay ba niya ay umiwas si Dennis sa kanila ni Luis, dahil pumunta muna si Dennis sa bar na katabi ng Teatrino hanggang makaalis sila ni Luis?

"Honestly, hindi ko talaga alam kung anong nangyari.

"Kasi pagpasok ko sa loob, akala ko nandun na rin sa loob si Dennis.

"So, wala na akong idea kung anong nangyari, hindi ko alam.

"Kanina ko lang din nalaman na nagpunta pa pala siya sa ibang lugar, na inantay pa kaming umalis."

HAPPY FOR EACH OTHER. Sa taped interview kay Dennis, sinabi nitong masaya siya para kina Jennylyn at Luis, at nakapag-move on na silang lahat sa mga nangyari.

Ano ang masasabi ni Jennylyn tungkol dito?

"Tama naman si Dennis," pagsang-ayon ni Jennylyn.

"Para sa akin, magpa-Pasko na, ang hirap ng pakiramdam na nagpa-Pasko ka ng may sama ng loob at mabigat yung pakiramdam mo.

"Maganda yung Pasko na, di ba, masaya ang lahat, wala nang samaan ng loob?

"Maganda yung magkikita kayo na okay na, na yung masaya, masaya yung pakiramdam."

Sa palagay ba ni Jennylyn, pagkatapos nito ay wala nang awkwardness o ilangan kapag nagkita silang muli?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I hope, sana!" sambit ng StarStruck alumna.

"Kasi, ayoko rin nung feeling na ganun, e, yung nagkakasalubong, pero parang mabigat yung pakiramdam.

"Pangit ng pakiramdam na ganun."


GOVERNOR VI, LUIS'S MOM. Si Governor Vilma Santos ay masaya raw na pinapasaya ni Jennylyn si Luis. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi ni Jennylyn dito?

"Nakakatuwa din dahil nararamdaman ng isang ina yung pakiramdam nung anak niya na masaya.

"Siyempre ganun, di ba?

"Nanay din ako, e, alam ko yung pakiramdam ng anak ko pag masaya yung anak ko.

"Ang sarap kasi ng pakiramdam, e."

Nag-perform pa si Jennylyn sa isang festival sa Batangas at nag-enjoy raw ang gobernadora sa company ng girlfriend ng anak.

Sabi naman ng Kapuso star, "Kasi alam naman ng lahat, di ba, medyo may pagka-makulit talaga ako?

"So, nakakatuwa na nagkakasundo kami at natutuwa rin siya sa akin."

Sinabi raw ni Ate Vi na ready na itong magkaroon ng apo.

Ready na ba si Jennylyn na sundan si Alex Jazz, ang anak niya kay Patrick Garcia?

Tumawa muna si Jennylyn bago sinabing, "Napalunok ako!

"Masyado pang bata si Jazz sa ganyang bagay at hindi rin natin masasabi dahil bago pa lang naman kami ni Luis.

"Marami pa kaming pagdadaanan at marami pa kaming dapat ma-discover sa isa't isa.

"So, sa ngayon, ini-enjoy pa namin yung company ng isa't isa.

"Iyon, enjoy-enjoy lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN