Bryan Revilla on the murder of his uncle Ram: "I can't believe this is actually happening to our family now."

IMAGE 0


Bryan Revilla on police findings that his uncle, RJ Bautista, is the mastermind in Ram's killing: "I hope na sana hindi po totoo yung findings po ng mga pulis. Kasi we can't afford to lose, you know, another family member. Masyado na pong masakit sa pamilya namin."


Na-interview nang live ni Boy Abunda si Bryan Revilla para sa late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, kagabi, November 3.

Kaugnay ito sa nangyaring pamamaslang sa kanyang tiyuhin na si Ramgen "Ram" Revilla, kung saan ang itinuturong mastermind sa pagpatay rito ay ang mismong mga kapatid ni Ram na sina Ramon Joseph at Ramona Bautista.

Si Bryan ang panganay na anak ni Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr., na kapatid naman sa ama nina Ram, RJ, at Ramona.

Nasa ABS-CBN studio si Boy habang nasa Muntinlupa City naman si Bryan.

Pinangunahan na ni Boy si Bryan na kung may mga katanungan siyang hindi nito sasagutin ay igagalang ng TV host.

Bagamat marami sa katanungan ni Boy ay "no comment" ang naging tugon ni Bryan, isa lang daw ang hangad nito—ang malutas ang kaso sa pagpatay kay Ram at mabigyan ito ng hustisya.

WHO IS THE KILLER? Diretsa ang unang tanong ni Boy kay Bryan: Sino para sa kanya ang pumatay kay Ram?

Sabi ni Bryan, "Tito Boy, ako, as of today, we still have no clue, e.

"Sana naman mabigyan na ng hustisya ang tito ko.

"No one deserves to be treated like this."

THE INCIDENT. "I can't answer that question" ang naging sagot ni Bryan nang hingan siya ng komento tungkol sa mga pangyayari.

Ang balita kasi noong gabi ng Oktubre 28 ay may mga taong nakamaskara na pumasok sa bahay nina Ram, ngunit walang forced entry.

Ang balita pa ay doon na naganap ang krimen ng pagbaril at pananaksak ng maraming beses kay Ram at nabaril din ang girlfriend nitong si Janelle Manahan.

Balita pang si Ramona naman ay dinala ng mga suspek, pagkatapos ay iniwan sa tapat ng isang mall.

Ngunit ngayon, ayon sa police report, ang sinasabing mastermind sa pagpatay kay Ram ay ang mismong kapatid nito na si Ramon Joseph o RJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala ba si Bryan dito?

"I really hope na hindi po totoo yun. Kasi pamilya... he's another member of our family.

"Nawalan na ng isa, tapos may mawawala pa," sagot niya.

Sa kanyang pagkakaalam, kumusta ang relasyon nina Ram at RJ?

Ani Bryan, "I haven't seen Ram for a very long time din.

"But I know Ram is very protective of his siblings. Pareho kaming panganay niyan, e.

"So, kung paano niya protektahan ang mga kapatid niya, pretty much the same way din on how I protect my younger siblings."

THE MOTIVE. May mga nagsasabing love triangle ang motibo sa pagpatay kay Ram. Meron ding lumalabas na pera naman ang dahilan.

Ano ang masasabi ni Bryan rito?

"Tito Boy, no comment on that."

Sa isang interview sa ina ni Ram na si Genelyn Magsaysay, sinabi nito na, "Hindi ako natutulungan ng taong dapat tumulong sa akin.

"Nagtatampo ako sa ilang kapatid ni Ram sa kabila.

"May malaking tao na sumisira sa aming pamilya.

"Hindi kaya ng anak ko na pumatay sa sariling kapatid.

"Hindi ko po sila pinalaki ng ganun ang trato nila sa isa't isa.

"Normal lang na may differences, pero hindi kayang pumatay ng kapatid."

Ano ang comment ni Bryan dito?

"No comment, Tito Boy," tugon muli niya.

REINVESTIGATION. Sa interview naman sa ama ni Bryan na si Senator Bong, humiling ito ng patuloy na pagdarasal para malagpasan nila ang pagsubok na ito sa kanilang pamilya.

Nakiusap din ito na magkaroon ng reinvestigation dahil hindi pa rin siya makapaniwala na kayang gawin ni RJ ang alegasyon dito.

Ano ang nais sabihin ni Bryan sa sinabi ng kanyang ama?

"I hope na sana hindi po totoo yung findings po ng mga pulis.

"Kasi we can't afford to lose, you know, another family member.

"Masyado na pong masakit sa pamilya namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumusta rin ni Boy ang lolo ni Bryan na si dating Senador Ramon Revilla, Sr., na isinugod sa ospital kamakailan.

"My lolo is doing fine. Kalalabas niya lang po ng hospital today.

"As we speak, my parents are actually there with him," sabi niya.

Kumusta naman si Janelle Manahan, ang girlfriend ni Ram na kasama nito nang maganap ang krimen?

"Janelle, as far as I know, she's in a stable condition naman. Nasa ospital pa rin siya," banggit ni Bryan.

WHERE IS RAMONA? Hindi mahanap si Ramona. Nasaan si Ramona ngayon?

"I have no idea where she is," sagot ni Bryan.

May balita na nasa kustodiya umano ni Senator Bong si Ramona. Totoo ba ito?

"No, Tito Boy. She's not in our custody," tanggi ni Bryan.

Sa huli, muling itinanong ni Boy kay Bryan kung sino sa tingin niya ang pumatay kay Ram.

"I really have no idea. If I did, ewan ko na.

" I just wish na my uncle will be given justice na para matahimik na, matapos na itong lahat.

"I can't believe this is actually happening to our family now.

"I already lost an uncle tapos...our family is going through so much already."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN