Ramona Bautista denies hand in her brother's killing; admits she was not abducted

IMAGE 0


Ramona Bautista explains why she lied about being kidnapped: "Wala na po ako sa state of mind. Ang gusto ko na lang, maligtas yung sarili ko at makaalis ako ng incident, nung place na pangyayari nun... Nahihiya ako sa pamilya ko at sa buong mundo na iniwan ko lang sila. Hindi ko na po naisip. Ang gusto ko lang makaalis nung gabing yun."


Binasag na ni Ramona "Mara" Bautista ang kanyang katahimikan kaugnay ng pagpatay sa nakatatanda niyang kapatid na si Ramgen "Ram" Revilla.

Sina Ramona, 21, at Ramgen, 22, ay dalawa sa siyam na anak ni dating Senator Ramon Revilla—na ang tunay na pangalan ay Jose Acuña Bautista—sa dating artista na si Genelyn Magsaysay.

Pinangalanan na ng Parañaque Police si Ramona bilang kasabwat sa pagpaslang kay Ramgen. Tinawag na rin ng mga awtoridad na "case closed" ang krimen.

Taliwas sa unang pahayag ni Ramona sa awtoridad, sinasabi ngayon ni Ramona na hindi siya kinidnap nang paslangin si Ram noong gabi ng Oktubre 28, Biyernes.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero itinanggi niya na may kinalaman siya sa krimeng naganap.

Ginawa niya ang pag-amin sa eksklusibong panayam sa kanya sa telepono ni Gigi Grande para sa Dateline Philippines ng ANC—news channel ng ABS-CBN—ngayong araw, Biyernes, Nobyembre 4.

Inamin ni Ramona na nagsinungaling siya nang sabihin niya sa pulisya na tinangay siya ng nakamaskarang killer noong gabing patayin si Ram at barilin ang girlfriend nitong si Janelle Manahan.

Pero kinumpirma muli ni Ramona ang dati niyang statement na nasa loob siya ng kanilang tahanan sa BF Homes, Parañaque, nang maganap ang krimen.

RAMONA'S STORY. Nag-uusap raw sila ni Ram noon tungkol sa plano nilang bumili ng iPhone video para sa isa pa nilang kapatid na nasa Baguio.

Pagkatapos nito ay ikinuwento ni Ramona kung paano inatake ng isang nakamaskarang mama sina Ram at Janelle.

Pumasok daw ang killer sa kuwarto ni Ram.

Sinabi ni Ramona tungkol sa killer: "Bigla na lang niyang binaril si Jannelle.

"Hindi ko nga po alam na binaril niya si Janelle. Hindi ko alam yung putok na malakas na hangin.

"Si Ramgen nagsasabi ng 'Sino ka, sino ka?'

"Tapos, nilabanan siya ni Ramgen.

"Narinig ko si Ramgen nagsabi 'Aray!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos bumalik siya sa kuwarto. Pinilit niya nang buong lakas na isara yung pinto.

"Naipit pa nga yung kamay ng lalaki na naka-mask."

RAM SAVES RAMONA. Ayon pa kay Ramona, si Ram ang nagligtas sa kanyang buhay.

"Si Ramgen po ang sumagip ng buhay ko kaya hindi ako nasaktan...

"Utang ko po ang buhay ko sa kapatid ko.

"Hindi ko siya kayang saktan," diin niya.

Sinabi rin ni Ramona na pagkatapos ng pag-atake kina Ram at Janelle, sinubukan niyang i-revive ang kapatid pero huli na raw ang lahat.

Sinubukan din daw niyang tulungan si Janelle sa pamamagitan ng pagsabi rito ng "hang on," dahil baka maubusan ito ng dugo na magiging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Hiningi rin daw ni Ramona kay Janelle ang susi ng kotse ni Ram para madala niya ito sa ospital.

Pero hindi na raw nagsasalita si Janelle sa puntong iyon.

RAMONA FLEES THE HOUSE. Ayon kay Ramona, dahil nangamba siya para sa kanyang buhay, tumakbo siya palabas ng bahay.

Tamang-tama naman daw na dumating ang isa pa niyang kapatid na may dalang sasakyan, kaya sumakay siya rito.

Sa kanyang pananalita: "Tumakbo na ako sa kotse.

"Hindi na ako lumingon ng bahay.

"Ang iniisip ko na lang nun, lalayo ako ng bahay dahil ang killer nandun pa po, o wala pa po, dahil wala na pong nagbigay sa akin ng saklolo.

"Ang alam ko lang, mata-trust ko yung mga kapatid ko, at hindi na ako masusundan doon."

Sabi pa ni Ramona, in a state of shock pa rin siya nang matuklasan niyang napatay si Ram at nabuhay naman si Janelle sa pag-atake.

Sinabi raw niya sa awtoridad na dinakip siya ng pumatay kay Ram at inabandona sa Star Mall sa Las Piñas dahil nahihiya siya sa pagkakaiwan niya kina Ram at Janelle.

Paliwanag ni Ramona, "Wala na po ako sa state of mind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang gusto ko na lang, maligtas yung sarili ko at makaalis ako ng incident, nung place na pangyayari nun...

"Nahihiya ako sa pamilya ko at sa buong mundo na iniwan ko lang sila.

"Hindi ko na po naisip.

"Ang gusto ko lang makaalis nung gabing yun.

"Kung hindi ako nag-panic, hindi ko rin po maiisip ang gagawin ko po."

Sa kabila ng pagbawi ng kanyang pahayag tungkol sa pagkidnap sa kanya, itinanggi ni Ramona na may kinalaman siya sa pagpatay kay Ram.

RAMONA CLAIMS SHE HAS A CLEAN CONSCIENCE. Si Ramona, ang isa pa nilang kapatid na si Ramon Joseph "RJ" Bautista, at limang iba pa ang itinuturo ng Parañaque police na mga suspek sa krimen.

Pero ani Ramona, "Malinis po ang konsensiya ko.

"Tinulungan ko po si Janelle ng hangga't makakaya ko po.

"Sigaw ako nang sigaw. Humihingi po ako ng tulong.

"Alam niya rin po 'yan."

JANELLE'S TESTIMONY. Kung pagbabasehan ang ibinigay na testimonya ni Janelle Manahan mula sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa, na ibinigay sa mga awtoridad kahapon, Nobyembre 3—hindi tugma rito ang salaysay ni Ramona.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa testimonya ni Janelle ay higit sa isa ang umatake sa kanila ni Ram.

Sa salaysay ni Ramona ay isa lamang ang pumasok sa kuwarto ni Ram.

Sa kuwento ni Janelle, pinagbuksan daw niya ng pinto si Ramona at makalipas lamang ng ilang minuto ay pumasok na ang mga mamang nakamaskara.

Sa salaysay ni Janelle, kausap na niya si Ram sa kuwarto ng huli, noong mga minuto bago pumasok ang nag-iisang killer.

Sa kuwento ni Janelle, sinabihan niya si Ramona na tumawag ng ambulansiya pagkatapos na pagkatapos ng pag-attack sa kanila ni Ram.

Dagdag ni Janelle, walang dumating na ambulansiya at nawala na rin si Ramona.

Sa salaysay ni Ramona, tinulungan niya agad sina Ram at Janelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit nung hindi na raw nagsasalita si Janelle ay tumakbo na siya papalabas, na wala na sa sarili.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN