Senator Bong Revilla denies P1M monthly allowance of Ramgen and siblings

IMAGE 0


"Ayaw ko nang magsalita sa away-away nila, e. Kung ano man ang pinagmulan nun, hindi ko alam," says Senator Bong Revilla about the reported rivalry between slain half-brother Ramgen Revilla and his two other siblings, Ramon Joseph and Ramona.


Pinabulaanan ni Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. ang naunang ulat na P1M ang monthly allowance ng napaslang na si Ramgen "Ram" Revilla at walo pa nitong kapatid. (CLICK HERE to read related article.)

Si Ram ay kapatid ni Senator Bong sa amang si Ramon Revilla, Sr., isang dating senador at aktor na ang tunay na pangalan ay Jose Acuña Bautista.

Ang ina naman ni Ram ay ang dating aktres na si Genelyn Magsaysay, samantalang ang ina ng senador ay ang yumaong si Azucena Mortel Bautista.

Ayon sa imbestigasyon noon ng Parañaque Police, lumalabas na alitan sa pera ang dahilan sa pagpatay sa 22-year-old na biktima.

Itinuturong pangunahing suspek sa krimen ang mga kapatid na buo ni Ramgen—sina Ramona "Mara" Revilla, 21, at Ramon Joseph "RJ" Revilla, 18. (CLICK HERE to read related article.)

Ayon sa ulat ng GMA News na nailathala ngayong hapon, Nobyembre 4, sinabi ni Senator Bong na wala siyang alam sa personal na relasyon ng tatlong magkakapatid.

Subalit siniguro niya na hindi totoo ang ulat na tumatanggap ang mga ito ng P1 million allowance kada buwan mula sa kanilang ama.

Nauna na rin itong itinanggi ng ina ni Ram na si Genelyn sa hiwalay na panayam.

Hindi rin naniniwala si Genelyn na may kinalaman ang dalawa pa niyang anak sa pagkamatay ni Ram.

Sa kabilang banda, iniwasan na ni Senator Bong na magbigay pa ng anumang komento sa kaso.

Aniya, "Ayaw ko nang magsalita sa away-away nila, e. Kung ano man ang pinagmulan nun, hindi ko alam."

At sa huli, umaasa raw ang actor-politician na mailabas ang katotohanan at panagutin sa batas ang mga tunay na may sala sa pagkamatay ng kanyang kapatid.

Sabi pa niya, "Gusto lang natin malaman kung sino talaga gumawa nito, dahil kung iyong bata naman e inosente, itong naa-accuse ngayon—e, kawawa naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN