(UPDATED) Ramona Bautista leaves country for Hong Kong; Senator Bong Revilla says his sister's departure is "sign of guilt"

IMAGE 0


Ramona Bautista (in photo), sister of slain actor Ramgen Revilla, was spotted at the departure area of NAIA Terminal 1 earlier tonight waiting for her flight to Hong Kong. In the backdrop is the Parañaque home she occupied with brothers Ramgen and Ramon Joseph before the tragedy.


Lumipad patungong Hong Kong ngayong gabi, Nobyembre 4, si Ramona "Mara" Bautista.

Si Ramona ang kapatid ng pinaslang na aktor na si Ramgen "Ram" Revilla.

Sa exclusive video ng ABS-CBN na ipinalabas sa The World Tonight ng ANC kanina, namataan si Ramona sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nag-check in siya para sa Cathay Pacific flight papuntang Hong Kong bandang alas-otso ng gabi.

Maliliit na bagahe lamang ang dala-dala ni Ramona, na may pulang balabal sa kanyang ulo.

Ayon sa awtoridad, pinayagan nilang umalis ng bansa si Ramona dahil wala namang hold departure order kontra sa kanya.

Hindi naman tinukoy kung kailan babalik ng Pilipinas si Ramona.

Batay sa imbestigasyon ng ParaƱaque police, idinadawit ang pangalan ni Ramona sa pagpaslang kay Ram.

Kasabwat diumano siya ng isa pa nilang kapatid na si Ramon Joseph "RJ" Bautista sa planong pagpatay kay Ram noong gabi ng Oktubre 28, Biyernes.


SENATOR BONG REVILLA IN SHOCK. Kanina lamang ay nakausap naman ng late-night primetime newscast ng ABS-CBN, ang Bandila, si Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr., ang half-brother ni Ramona.

Ayon kay Senator Bong, nagulat siya at ang kanilang buong pamilya sa pag-alis ng bansa ni Ramona.

"We're in shock, the whole family," sambit niya.

Sabi pa ng actor-politician, hindi nila mapapatawad si Ramona sa ginawa niyang ito.

Ang ginawa raw nitong pagtakas ng bansa ay senyales na guilty siya.

"This is a sign of guilt.

"Kung hindi guilty ang bata, walang dapat ikatakot," sabi ni Senator Bong, na halata sa kanyang tinig na nababahala sa pangyayari.

Nagulat din daw si Senator Bong sa pagpapa-interview ni Ramona sa ANC, kung saan binawi nito ang una niyang pahayag na siya'y kinidnap. (CLICK HERE to read related story.)

"Bakit siya nagsisinungaling? Bakit siya tatakas?" mariing sabi ng senador.

Ayon pa kay Senator Bong tungkol sa pag-alis ni Ramona, "This is a bad sign. Parang lalo niyang inipit ang kapatid niya sa ginawa niyang ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huli raw silang nagkita ni Ramona nang hulihin ang kapatid nitong si RJ, na kasalukuyang nakapiit sa ParaƱaque City Jail. (CLICK HERE to read related story.)

Isiniwalat na rin ng senador na galit sa kanya ang ina ni Ramona na si Genelyn Magsaysay.

Ito ay dahil ibinigay raw ni Senator Bong si RJ sa mga awtoridad.

Paliwanag naman ng aktor at pulitiko, wala itong dapat ikatakot kung totoo namang wala itong kasalanan.

Iginiit din ni Senator Bong na wala sa kustodiya niya si Ramona magmula pa noon.

Nagpaunlak din ng phone-patch interview si Senator Bong sa late-night news program ng GMA-7 na Saksi, kung saan ganito rin halos ang kanyang naging pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN