Senator Bong Revilla seeks help of DFA and PNP to bring sister Ramona Bautista back to the country

IMAGE 0


Senator Bong Revilla on Ramona's departure: "We are dismayed over the reported departure of Ramona to Hong Kong while the investigation is still ongoing. At the very least, she owes not only our family but an entire nation, appalled by a gruesome crime that has been committed, a clear explanation as to why she fled the country. We are also caught by surprise on the sudden change of statements of Ramona, particularly on her prior statement that she was kidna



Desidido si Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. na mabigyan ng hustisya ang pagpatay sa kanyang half-brother na si Ramgen Revilla.

Ito ang dahilan kaya nanawagan siya sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine National Police (PNP) na tulungan siyang maibalik sa bansa ang kanilang kapatid na si Ramona "Mara" Bautista para mabigyang-linaw ang mga tunay na nangyari noong gabi ng Oktubre 28.

Sa imbestigasyon ng ParaƱaque Police, may kinalaman si Ramona at ang nakababatang kapatid nito na si Ramon Joseph (RJ) sa pagpatay kay Ramgen.

Lalong naging masalimuot ang kaso nang lumipad kagabi, Nobyembre 4, si Ramona papuntang Hong Kong habang nasa kalagitnaan ng imbestigasyon ng kaso.


Nitong Nobyembre 5, sa pamamagitan ng kanyang official statement, sinabi ni Senator Bong ang kanyang saloobin tungkol sa mga nakagugulat na pangyayari:

"Patuloy ang paghingi natin ng katarungan sa pagkamatay ng kapatid naming si Ramgen at muntik nang pagkamatay ni Janelle Manahan [girlfriend ni Ramgen].

"Ang resulta ng imbestigasyon ng ParaƱaque police na nagsasangkot sa krimen sa dalawa ko pang kapatid sa ama na sina RJ at Ramona Bautista ay hindi magiging dahilan para magbago ang aking paninindigan sa paghingi ng hustisya.

"We are dismayed over the reported departure of Ramona to Hong Kong while the investigation is still ongoing.

"At the very least, she owes not only our family but an entire nation, appalled by a gruesome crime that has been committed, a clear explanation as to why she fled the country.

"We are also caught by surprise on the sudden change of statements of Ramona, particularly on her prior statement that she was kidnapped by the killers of Ramgen.

"Matindi ang idinulot na dalamhati, pait, at lagim ng pagkamatay ni Ramgen sa aming pamilya.

"Ito ay lalo pang pinalubha ng pagkakadawit ngayon ng dalawa kong kapatid sa ama, sa krimeng ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngunit ipinapangako ko na ang sakit na dinaranas ng aming pamilya ay hindi magiging hadlang o sagabal sa agarang paglutas ng kasong ito, at paghahanap nating lahat ng hustisya.

"Ako ay inihalal ng taumbayan bilang senador ng Republika at hindi senador ng pamilya kaya kailanman ay walang dahilan para mag-atubili ang PNP sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.

"Walang kabuluhan ang aking pagiging senador kung hindi ako makakapagpakita ng tamang halimbawa bilang isang responsableng mamamayan at miyembro ng pamilyang naghahangad ng katotohanan at katarungan.

"Kaya nga sa unang pagkakataon pa lamang na itinuro ng testigo si RJ ay hindi natin hinadlangan ang mga pulis nang ito ay kanilang isailalim sa kanilang custody.

"Ang hindi ko pagpigil sa PNP na arestuhin si RJ ay nagresulta ng matinding galit sa akin ng kanyang ina na si Genelyn subalit ako'y naninindigan na walang dapat pumigil sa isinasagawang imbestigasyon ng pulis.

"Kung ang pag-iimbestiga sa kaso ng pagpatay kay Ramgen ay magtatapos sa pagkamit ng katarungan kahit sino pang tamaan, malugod itong tatanggapin ng aming pamilya.

"Sa ngayon, nananawagan ako kay Genelyn bilang ina, na pabalikin sa bansa sa lalong madaling panahon si Ramona at harapin ang imbestigasyon ng pulisya.

"Nalulungkot tayo sa mga development sa kasong ito subalit hindi ito magpapahina sa atin para maghangad ng katarungan sa pagkamatay ni Ramgen at malubhang pagkasugat ni Janelle.

"Sa bahagi ng PNP, ako ay nananawagan sa inyo na gawin n'yo ang nararapat gawin ayon sa inyong mandato bilang alagad ng batas. Walang sino man ang puwedeng humadlang sa proseso ng batas.

"I am making an appeal to the Department of Foreign Affairs to exert legal and diplomatic efforts, and to the PNP to coordinate with the Interpol, to bring Ramona back to the country and face our justice system.

"Hangad natin na magkaroon ng agarang solusyon ang kasong ito upang mabigyan ng katarungan ang pagpatay kay Ramgen at tangkang pagpatay kay Janelle."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN