Genelyn Magsaysay takes a swipe at Senator Bong Revilla; tells him not to use her son's murder case as publicity stunt for the elections

IMAGE 0


Genelyn Magsaysay on daughter Ramona "Mara" Bautista's decision to leave the country for Hong Kong: "My daughter left the country on her own, [in] fear for her life. It was a decision made by her, and her alone as a mature, married woman. And I respect her decision."


Pinasaringan ni Genelyn Magsaysay, ina ng pinaslang na aktor na si Ramgen Revilla, si Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. na huwag gamitin ang murder case ng kanyang anak para sa sarili nitong publicity para sa eleksyon.

Ginawa ni Genelyn ang pahayag na ito sa kanyang statement na binasa niya sa harap ng GMA News kaninang umaga, Nobyembre 6, Linggo.

Mariin at matapang ang pagsasalita ni Genelyn habang binabasa ang kanyang mga pahayag na nakasulat sa puting papel.

Ito ay bilang sagot niya sa mga naging pahayag ni Senator Bong pagkatapos lumipad patungong Hong Kong ang isa pang anak ni Genelyn na si Ramona "Mara" Bautista noong Biyernes ng gabi, Nobyembre 4. (CLICK HERE to read related story.)

"Sign of guilt," ayon kay Senator Bong ang paglipad ni Mara.

Sina Ramgen at Ramona ay kapatid ni Senator Bong sa amang si Ramon Revilla, Sr.

STATEMENT. Narito ang bahagi ng pahayag ni Genelyn:

"Una po sa lahat, ako ay isang ina.

"Napakasakit po ang nangyari sa akin na namatayan po ako ng panganay na anak sa karumal-dumal na paraan.

"Pagkatapos, pinararatangan ngayon ang aking ibang anak bilang mastermind sa karumal-dumal na pagpatay.

"Hinihiling ko lang po sana, huwag kayong makialam sa aking pamilya.

"Wala kayong karapatang magsalita for, and in behalf of, my children because they are my children, not yours.

"Kung gusto ninyong magsalita, pag-usapan ninyo ang sarili ninyong mga anak, hindi ang aking mga anak.

"Ako rin po ay isang kapatid.

"At ang pagkakaintindi ko po sa isang kapatiran ay ang malinaw na napagbubuklod-buklod ang magkakapatid ng sariling pamilya.

"Hindi gawain ng isang kapatiran ang pinaghihiwalay o pinag-aaway ang pamilya.

"Ginagalang ng mga anak ko ang lahat ng kanilang mga kapatid, lalo na ang mga nakakatanda.

"Kaya please lang, please lang, ipakita ninyo na kayo ay karespe-respeto bilang nakatatandang kapatid.

"Ako po ay isang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bilang isang babae ay labis akong nasasaktan dahil ang pagkakaintindi ko ay ang mga babae ay dapat na inaaruga, minamahal, at pinoproteksyunan ng mga kalalakihan.

"Ang aking anak pong si Ramona ay babae din na dapat pinoprotektahan, iniintindi, at minamahal.

"Tulad ng hinahanap ng aking mga anak sa kanilang kuya, na siya pang nagdidiin sa kanyang mga kapatid.

"Di pa nagsisimula ang kaso, kinondena na niya ang kanyang mga kapatid na aking mga anak.

"Siya na ang gumawa ng sarili niyang batas at siya na rin ang naghukom.

"Parang mali.

"Maliwanag po ang pahayag ni Senator Bong Revilla sa Bandila noong Nobyembre 4, 2011, na siya daw mismo ang nag-turnover sa anak kong si Joseph sa mga kapulisan.

"Nakakalungkot."

ELECTION CAMPAIGN? Pagpapatuloy ni Genelyn Magsaysay: "Malayo pa po ang eleksiyon, bakit napakaaga ng kampanya?

"Mga minamahal ko, bakit ang laki ng hinanakit ng senador na ito sa aking mga anak upang paratangang ng isang kahindik-hindik na pangyayari—na pagpatay sa aking panganay na anak na si Ramgen?

"Pag-isipan n'yo pong mabuti.

"Uulitin ko po, senador na hukom pa, para po sa kaliwanagan ng lahat, my daughter left the country on her own, [in] fear for her life.

"It was a decision made by her, and her alone as a mature, married woman.

"And I respect her decision.

"Good enough.

"She did not leave without shedding light [on] what transpired on that fateful day of October 28, of which she was a direct eyewitness to the brutal killing of my son and her brother Ramgen.

"And, therefore, my daughter Ramona has direct personal knowledge of the incident."

STATE WITNESS, NOT A KILLER. Sabi pa ng isa sa mga naging partner ni former Senator Ramon Revilla, Sr: "She is a state witness, not [an] alleged brutal killer.

"Maliwanag po sa mga news na ang preliminary examination ay magsisimula pa lamang po sa susunod na linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ibig sabihin po ay wala pa pong opisyal na kaso laban sa aking mga anak na sina Joseph at Ramona.

"...Wala pa pong korteng humahawak ng kasong ito, kaya wala pang warrant of arrest na nakababa laban sa aking mga anak.

"Nakapagtataka lang po, na ako po ang nanay, ako po ang namatayan, kung meron pong dapat magdemanda dito, ako po 'yon.

"Pero ito, namatayan na nga ako, bigla na lang may nag-file ng kaso at ang mga anak ko ang itinuturo.

"Nakikiusap po ako, huwag n'yo na po sanang gamitin ang pagkamatay ng aking anak na si Ramgen para sa kung anu-anong publicity.

"Mahiya naman kayo!

"Simpleng tao lamang po ako.

"Ano po ba ang laban ko sa isang malaking pulitiko?

"Madiin na sinabi po ng Korte Suprema na ang paratang o alegasyon ay hindi nangangahulugan na may pagkakasala ang isang tao.

"Nais ko pong ipaalala sa mga hindi nakakaintindi na may tatlong sangay ng gobyerno—ito ay ang lehislatibo [legislative], hukuman [justice], at ehekutibo [executive].

"Lehislatibo ang sangay ng gobyerno na gumagawa ng batas.

"Hukuman ang siyang nagpapatupad ng batas.

"At ehekutibo, nagpapatakbo ng gobyerno, mga sangay nito na pinangungunahan ng ating kagalang-galang na Pangulo.

"Akin pong nabanggit ang tatlong sangay na ito sapagkat ang mga desisyon at pagpapatakbo ng bawat isa nito ay dapat malaya sa isa't isa.

"Sa madaling-salita, walang pakialaman.

"Kaya di pupuwede na senador na, mambabatas ka pa, hukom ka pa!

"Sa maseselang pangyayaring ito sa aking pamilya, na maaari ring mangyari sa iba, sana ilayo ng Panginoon na may ganitong mangyari sa inyo.

"Kaya natural sa aking anak na si Ramona o Mara na nataranta sa mga nasaksihan niya, na halos hindi na niya alam ang kanyang pinaggagagawa.

"Sa inyo kaya mangyari ito, baka ganyan din ang maging reaksiyon ninyo.

"Malinaw naman sa kanyang inilabas na video kung paano siya nataranta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sana po ay maintindihan naman ninyo, hindi madali ang pinagdadaanan at pinagdadaanan niya."

CLICK HERE to watch the video.

SENATOR BONG REVILLA'S REACTION. Nakunan din ng GMA News ng reaksiyon si Senator Bong Revilla kaugnay ng naging pahayag ni Genelyn Magsaysay.

Ayon sa senador, harapin na lang ni Genelyn ang problema at pabalikin sa Pilipinas ang kanyang anak na si Ramona Bautista.

Hindi na lang daw papansinin ni Senator Bong ang alegasyon ni Geneleyn na ginagamit lang niya ang pagkamatay ni Ramgen bilang publicity para sa susunod na eleksiyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN