Ramgen Revilla's personal assistant denies Ramona Bautista's allegation that he's involved in the killing of his boss

IMAGE 0


Ramona Bautista accuses brother Ramgen Revilla's personal assistant, Ronald Ancajas: "Alam niya lahat ng moves ni Ramgen, lahat-lahat. Kung merong capability na magpapasok ng ibang tao, ng killer sa bahay namin, si Ronald yun. Siya yung pinaka-confidante ni Ramgen."


Sa exclusive taped message ni Ramona Bautista na nakuha ng ABS-CBN News, may direkta siyang idinawit sa pamamaslang sa kanyang kapatid na si Ramgen Revilla: ang personal assistant nitong si Ronald Ancajas.

Sabi ni Ramona sa taped message: "Alam niya lahat ng moves ni Ramgen, lahat-lahat.

"Kung merong capability na magpapasok ng ibang tao, ng killer sa bahay namin, si Ronald yun.

"Siya yung pinaka-confidante ni Ramgen."

RAM'S P.A. DENIES RAMONA'S ALLEGATIONS. Para sagutin ang mga akusasyon ni Ramona, humarap sa ABS-CBN News si Ronald, na napanood kagabi, November 6, sa TV Patrol Weekend.

Pero nakiusap ito na huwag nang ipakita ang kanyang mukha.

Masama ang loob ni Ronald sa pahayag ni Ramona.

Napakabait daw ni Ramgen sa kanya at itinuring na niya itong kapatid.

Nawalan na nga raw siya ng amo at trabaho ay pinagbibintangan pa siya ngayon ni Ramona.

Saad ni Ronald, "Wala pong katotohanan yun.

"Alam ng Diyos iyan, na hindi ko kayang gawin 'yan.

"Mabuting tao po sa akin 'yan [Ramgen]," depensa ni Ronald.

Salaysay pa ni Ronald, tulog daw siya nang mangyari ang krimen.

Nagising lang daw siya saglit para dumura sa bintana at doon niya nakitang palabas ng gate ang magkapatid na Ramona at Ramon Joseph.

Pero wala pa rin daw siyang kamalay-malay sa nangyari kaya muli siyang natulog.

"Kung talagang pagbibintangan niya ako, harapin niya ako rito.

"Huwag siyang magtago," hamon ni Ronald kay Ramona.

WHY ONLY NOW? Nagtataka naman si Ronald kung bakit ngayon lang siya idinawit ni Ramona.

Kumbinsido rin siyang may kinalaman si Ramona sa krimen dahil umalis ito ng bansa.

Ani Ronald, "Kung talagang wala siyang kasalanan, sana hindi siya umalis.

"At saka yung statement na iyan, dapat sinabi niya sa mga pulis."

SOMETHING TO TELL SENATOR BONG. Nais naman ni Ronald na personal na makausap si Senator Bong Revilla dahil may mahalaga raw siyang sasabihin sa senador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman sa ParaƱaque police, magiging balewala ang mga binitiwang alegasyon ni Ramona laban kay Ronald kung hindi ito babalik ng bansa at magbibigay ng sinumpaang salaysay.

Matatandaang umalis ng Pilipinas si Ramona at pumuntang Hong Kong noong Biyernes, Nobyembre 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN