Suspected killers' text messages reveal plot to kill Ramgen Revilla; new witness surfaces

IMAGE 0


The cell phones of some of the suspects in the killing of Ramgen Revilla (in photo) were recovered by authorities following their arrest. These cell phones contain messages that supposedly pertain to the murder of the 22-year-old actor.


Ilang mga text message ng mga sinasabing hired killers para patayin si Ramgen "Ram" Revilla—o Ramgen Magsaysay Bautista—ang na-recover ng mga awtoridad, batay sa report na ipinalabas sa TV Patrol noong Biyernes, November 4.

Sa pagsusuri ng Philippine National Police (PNP), ilan sa mga mensaheng ito ang tumutumbok sa krimeng kanilang ginawa.

Hapon ng Oktubre 30, Linggo, sa kasagsagan ng imbestigasyon ng Parañaque police sa pagkamatay ni Ramgen, boluntaryong nagtungo sa presinto si Ruel Puzon, alias "Cacho."

May impormasyon daw siyang nalalaman na makapagtuturo sa mga suspek sa pagpatay kay Ramgen.

Sa isang affidavit, idinawit niya ang mga pangalang Michael Jay Altea, Roy Francis Tolisora, isang alyas "Brian," Glaiza Vista, at Norwin dela Cruz.

RAMON JOSEPH: THE MASTERMIND? Ayon kay Puzon, sina Tolisora, Altea, at Brian ang mga kinontak umano ni Ramon Joseph "RJ" Bautista para patayin si Ramgen kapalit ng halagang P200,000 bilang kabayaran.

Si RJ ang nakababatang kapatid ni Ramgen at itinuturong mastermind sa krimen.

Nagbigay raw si RJ ng advance payment na P19,000 kay Altea.

Kinagabihan, agad inaresto ng mga pulis sina Altea at Tolisora sa Poultry compound sa Tramo, San Dionisio, Parañaque.

Na-recover ng awtoridad ang mga cell phone ng mga suspek. At paniwala ng pulisya, tila pinagtitibay nito ang salaysay ni Puzon.

TOLISORA CELL PHONE. Galing ang mga sumusunod na text messages sa cellphone ni Tolisora.

Tila sa text message na ito tinatanong kung si Altea o si Puzon ang tumira o pumatay kay Ramgen:

"Tol, ung 220 lang, cla chokat b tumira?"

Sa sumunod na text, tila natatakot din sila dahil baka may mag-ikot sa bahay nila:

"Lalo ko nppraning tol.. di nga aq umuwi ng bhay dhl bka my nagiikot smen. Tol, p2long nman. Uuwi nlang muna ko btaan. Khit pmsahe lang tol."

GLAIZA VISTA TEXT MESSAGES. Ang mga sumusunod na text messages naman na ito ay galing umano sa cellphone ni Glaiza Vista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila nagbabala pa sa text na huwag nang magsalita para hindi mapagkamalang suspek:

"Ahh... ndi cla, akin un tol dapat ndi magsalita."

Sinasabi rin sa text na nasa kanila ang baril na ginamit sa krimen:

"nsa akin lahat pati boga kaya nga wag ka aalis dba"

Binabanggit din dito ang P500,000 reward para sa impormasyon sa killer ni Ramgen:

"sbe ko ppaligpt na kau kaya wala na cia paproblemahin... pabuya 500k sa mgtuturo kunwari... wla na dn tlaga nkakaalam kung d tau 2 lang dba kya lahat suspect walang kawala"

Sa isa pang text message tila nagbabanta sa hindi natapos na trabaho.

Pinababalik din ang pera at sinasabing papalitan na ang grupo.

OTHER SUSPECTS STILL AT LARGE. Pinaghahanap pa ngayon sina alyas Brian, Norwin at Glaiza Vista.

Ayon sa mga pulis, alas onse ng gabi noong Oktubre 31, naispatan pa umano si Brian kasama si RJ, na nagtungo pa sa burol ni Ramgen sa Angelus Eternal Garden.

NEW WITNESS. Sa pinakabagong ulat, isang witness sa pagpatay kay Ramgen ang lumitaw sa Paranaque City police.

Nakilala lamang ang bagong witness bilang "Alias Lim," na diumano'y kaibigan ng mga arestadong suspek na sina Altea at Tolisora.

Sa kanyang testimonya, sinabi ni Lim na nakipagkita siya kina Norwin at Glaiza ng dalawang beses bago ang pagpatay kay Ram noong Oktubre 28.

Sinabi rin niya na pinag-usapan nila ang bayaran sa pagpatay, pero umatras daw siya dahil nakonsensiya siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN