Senator Bong Revilla's camp says Genelyn Magsaysay and children are "generously provided" for by former Senator Ramon Revilla, Sr.

IMAGE 0


Ayon kay Lolit Solis, manager ni Senator Bong Revilla, hindi dapat pag-awayan ang pera dahil hinati-hati na ni dating Senator Ramon Revilla, Sr. ang daan-daang milyong pisong ari-arian nito sa kanyang mga anak—na ayon sa pinakahuling bilang ay nasa 45.


Away sa pera.

Ito ang isa sa mga lumulutang na isyu at anggulo sa pagpatay kay Ramgen Revilla.

Sa gitna ng masalimuot na imbestigasyon sa pagpatay kay Ramgen, dumagdag pa sa problema ng pamilya Revilla ang mga pahayag ng ina ni Ramgen, si Genelyn Magsaysay, sa kanyang Facebook account.

Patungkol ito sa isyu ng hindi pagkakaunawaan at kakulangan umano ng sustento sa mga anak ni Genelyn kay dating Senador Ramon Revilla, Sr.

Ayon sa Facebook ni Genelyn:

"I need to work ASAP so i can have my own ,i dont like to hear them saying im a parasite.before i met him im working already,now they are telling me im a parasite when the allowance that you are giving is not enough for monthly consumption.God is my witness,election is coming again then you will publisized that you love all your siblings ,God knows what to do ,You want to be the president of the Phillipines ,it's up to the Lord."

Sa isa pang Facebook message ni Genelyn, ilang beses nitong tinukoy ang pagbawas umano ng sustento nilang mag-iina mula kay Don Ramon:

"...they are pushing us to the limit, im trying to cope, my children are the ones holding our allowance, im always the one making abono, they cut off our allowance but they are the ones living luxurious living..."

BONG SPEAKS UP. Pero agad itong itinanggi ni Senator Bong Revilla sa isang panayam.

Si Senador Bong ay half-brother ni Ramgen at anak ni Senator Ramon Revilla, Sr. kay Azucena Mortel.

Ayon pa sa senador, maayos at regular ang sustento sa pamilya ng kanyang half-brother na ipinagkatiwala mismo kay Ramgen.

Siyam na magkakapatid sina Ramgen.

Sabi ni Senator Bong, "I don't think na napapabayaan sila. That's not true.

"Huwag nating ibahin ang usapan.

"Siguro harapin natin ang tunay na problema ng bayan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman sa abugado ni Senador Bong, si Atty. Jeffrey Zarate, malayo sa katotohanan ang mga sinasabi ni Genelyn.

Sabi ni Atty. Zarate, sa panayam sa kanya ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News, "Walang problema sa sustento.

"Sila Genelyn at ang mga bata are generously provided by former Senator Ramon Revilla, Sr."

LOLIT EXPLAINS THE "SUSTENTO." Ayon naman kay Lolit Solis—talent manager ni Bong, isang senador na lumalabas pa rin sa pelikula at TV—handa nilang patunayang hindi napapabayaan sina Genelyn.

Maaari raw nilang ilabas ang lahat ng dokumentasyon hinggil sa regular allowance ng pamilya ni Genelyn mula 2008.

Sabi ni Lolit sa ABS-CBN News pa rin, "Lahat naman ng kumukuha ng pera dun sa matanda [Ramon Revilla, Sr.], yung sinusustentuhan, siyempre naman may voucher yun, di ba? Pera yun, e."

Pagsisiwalat ni Lolit, may kabuuang P260,000 ang natatanggap buwan-buwan ni Genelyn at ng kanyang mga anak.

May P50,000 revolving fund pa umano para sa iba pang pangangailangan.

Kasama na rito ang paglilingkod-bayan ni Ramgen sa Cavite kaugnay ng plano sana nitong pagpasok sa pulitika.

Ayon kay Lolit, "Nagsabi nga si Ramgen na he wanted to go to politics.

"Parang binigyan siya ng daddy niya ng additional... I don't know if it's P50,000 or P30,000 or whatever.

"Pero may additional siya para, kumbaga, ngayon pa lang kung may hihingi sa iyo ng tulong, whatever, meron kang revolving fund."

Sabi pa ni Lolit, masinop sa accounting ng pera si Ramgen, kaya't nitong huli ay ipinagkatiwala na sa kanya ang pagtanggap ng pera.

Bukod pa raw sa perang ito ang tuition fee ng magkakapatid.

Kasama raw rito ang tuition ng suspek sa pagpaslang kay Ramgen na si Ramon Joseph, na pinag-aaral sa eksklusibong kolehiyo sa Taguig.

DON RAMON DIVIDES HIS PROPERTIES. Giit din ni Lolit, hindi rin dapat pag-awayan ang pera.

Ito raw ay dahil sa hinati-hati na ni Don Ramon, ang dating Senador Ramon Revilla, Sr, ang kanyang daan-daang milyong pisong ari-arian sa kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Ayon sa isa sa mga anak ni Don Ramon na si Rowena Bautista-Mendiola, 45 ang kabuuang bilang ng mga anak ng kanilang ama.)

Kabilang na sa mga ari-ariang tinutukoy ni Lolit ang real estate na kinatatayuan ng dalawang malls sa Cavite, isang sabungan, dalawang sementeryo, at iba pang real-estate properties.

Sabi ni Lolit, "Yung nabili ng SM yata at saka yung ano yata na nabili yata ng Robinson or something.

"Lahat yun talagang hinati-hati na among them [mga anak].

"Kasi ang gumagawa lang naman ng isyu, si Genelyn, e."

Ibinunyag din ni Lolit na ang bahay sa BF Homes Parañaque, kung saan nangyari ang pagpaslang kay Ramgen, ay nakapangalan kay Genelyn.

At tulad ng ibang babaeng naugnay sa veteran actor-politician, binigyan din si Genelyn ni Don Ramon ng puhunan sa negosyo.

Noong 2004 nga raw ay prinodyus ni Genelyn ang launching movie ni Ramgen na Anak Ka Ng Tatay Mo.

Samantala, sinabi ni Lolit na sinagot daw ni Senator Bong ang pagpapagamot at paglalagay ng aluminum brace kay Janelle Manahan, ang nabaril na girlfriend ni Ramgen.

Ayon kay Lolit, umabot na raw ang gastos sa pagpapagamot ng P200,000.

Ngunit hindi kinumpirma ng ama ni Janelle na si Mr. Julius Manahan kung si Senator Bong nga, o kung sino man sa pamilya Revilla, ang sumasagot sa medical expenses ng anak. (CLICK HERE to related story.)

Sa kabila ng pagtugis kay Ramona at paglilitis kay RJ, ipinaalala ng abugado ni Senator Bong na walang kinakampihan ang actor-politician.

Tiniyak din ng isa pang kapatid ni Senator Bong na tuloy ang pagsustento sa pamilya ni Genelyn sa kabila ng trahedya.

Pero kailangan pa raw piliin kung sino ang dapat nilang pagkatiwalaan sa pera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN