Genelyn Magsaysay answers Janelle Manahan: "I have depression. At yung depression ko po, nag-ugat iyan simula po ng aking pagkabata. Nagkaroon ako ng relasyon sa ama ng aking mga anak, na si Ramon Revilla."

IMAGE 0


Genelyn Magsaysay on allegation that she has schizophrenia: "I have depression. At yung depression ko po, nag-ugat iyan simula po ng aking pagkabata. Nagkaroon ako ng relasyon sa ama ng aking mga anak, na si Ramon Revilla."


Mahigit isang buwan matapos maganap ang pagpatay sa aktor na si Ramgen Revilla noong Oktubre 28, 2011, eksklusibong nasilip ng News5 ang mismong bahay at kuwarto kung saan naganap ang krimen.

Pinuntahan ng News5 reporter na si Mon Gualvez ang bahay nina Ramgen sa address nito sa No. 4 President's Avenue, BF Homes, Paranaque City.

Sa report ni Mon, na napanood sa Balitaang Tapat ng TV5 kaninang tanghali, Disyembre 6, kahit nalinis na raw ang kuwarto ni Ramgen ay marami pa ring bakas ng dugo rito.

Nakapanayam din ng News5 si Genelyn Magsaysay, ina ni Ramgen.

Ayon dito, imposibleng hindi marinig ni Ronald Ancajas, ang personal assistant ni Ramgen at ngayo'y testigo sa krimen, ang nangyaring komosyon sa taas.

Saad ni Genelyn, "Ang kuwarto po ni Ronald Ancajas ay nasa ilalim po ng kuwarto naman ni Ramgen. Kaya po imposible na wala po siyang nararamdaman o naririnig na komosyon."

Ipinaliwanag din ni Genelyn kung bakit hindi nasaktan ang kanyang anak na si Ramona, base sa affidavit nito na nakapagtago ito sa ilalim ng aircon.

KIDS STOP SCHOOLING. Ayon pa sa report, hindi na raw nakatira sa naturang bahay ang pamilya.

Tigil na rin daw muna sa pag-aaral ang mga anak ni Genelyn dahil sa pangungutya.

Ayon sa isang lalaking anak ni Genelyn, na hindi ipinakita sa camera ang mukha, "Yung younger sister ko, si Ramlyn, nakakatanggap... ang sinasabi niya po sa akin, nakakatanggap po siya ng, parang, sinasabihan po siya ng 'murderers.'"

Balak daw ng mga bata ay mag-home study na lang.

GENELYN VS. JANELLE. Sinagot din ni Genelyn ang salaysay ni Janelle Manahan, girlfriend ni Ramgen, na may sakit siya sa pag-iisip.

Sa affidavit kasi ni Janelle ay sinabi nitong may "schizophrenia" si Genelyn.

Pahayag ni Genelyn: "I have depression.

"At yung depression ko po, nag-ugat iyan simula po ng aking pagkabata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkaroon ako ng relasyon sa ama ng aking mga anak, na si Ramon Revilla."

Ibinahay at inanakan ng actor/producer na si Ramon Revilla, Sr. si Genelyn noong ang huli ay 16 years old.

Nagkakilala sila sa set ng pelikulang pinagtambalan nina Genelyn at Bong Revilla, anak ni Ramon.

Si Ramon Revilla, Sr. ay mga 61 years old noon. Siyam ang anak niya kay Genelyn. Panganay dito si Ramgen.

Sa huli, nag-iwan ng mensahe si Genelyn para kay Janelle:

"Sana makapag-isip-isip ka pa. Tingnan mo yung both sides.

"Huwag mong idiin kami ng aking mga anak."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN