Genelyn Magsaysay on dwindling allowance issue: "Pabawas ho nang pabawas ang sustentong ibinibigay ho sa amin..."

IMAGE 0


In the program, State of the Nation with Jessica Soho, aired November 11 on GMA News TV Channel 11, Jessica Soho asked Genelyn Magsaysay if anyone in her family knew about the plan to kill her son, Ramgen Revilla. "Wala pong kaalam-alam ang kahit sinuman sa amin sa pagkamatay ni Ramgen. Hindi po kayang gawin ng aking pamilya na pumatay ng kanilang sariling kapatid. At ako bilang ina, hindi ko kayang gawin kay Ramgen yun. Ako ang nag-alaga sa



Live na humarap si Genelyn Magsaysay, ina ng napaslang na si Ramgen Revilla, kay GMA News anchor at executive na si Jessica Soho para sa programang State of the Nation with Jessica Soho na napanood kagabi, November 11, sa GMA News TV Channel 11.

Maraming inilantad si Genelyn sa one-on-one interview na ito kaugnay ng trahedyang hinaharap ng pamilya nila.

Kabilang na nga rito ang paniniwala niyang hindi magagawa ng mga anak niyang sina Ramona at Ramon Joseph na ipapatay ang sarili nilang kapatid.

Napag-usapan din ang kontrobersiyal na sustentong ibinibigay sa kanila ni dating Sen. Ramon Revilla Sr.

At siyempre kasama rin ang tumitindi pang alitan sa pagitan nila ni Sen. Bong Revilla Jr.

Sinadya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ilathala ang interview kung paano ito napanood sa telebisyon upang mas maunawaan ng mga mambabasa.



WORST EVENT IN HER LIFE. Narito ang kabuuan ng naging pag-uusap nina Jessica at Genelyn:

Jessica: Unimaginable, napakahirap isipin kung ano ang pinagdadaanan mo. Namatayan ka ng anak.

Tapos isinangkot din yung dalawa mo pang anak. Paano mo nakakayanan ito?

Genelyn: Unang-una po, siguro tinutulungan po ako ng Panginoon na kayanin po ang pinagdadaanan ko po sa ngayon dahil nag-iisa po ako na ipinaglalaban ang aking mga anak.

Jessica: Ano ba ito, parang bangungot ba ito para sa iyo na sana magising ka na lang [at] tapos na?

Paano mo maiku-compare ito sa lahat ng mga pinagdaanan mo sa iyong buhay?

Genelyn: Ito po yung pinaka-worst na pinagdaanan ko po sa buhay ko.

Dahil wala po akong ibang pwedeng mahalin kundi po ang mga sarili kong mga anak.



RAMONA'S WHEREABOUTS. Sumunod na pinag-usapan nila ang kinaroroonan ni Ramona ngayon.

Gabi ng November 4 nang umalis sa bansa si Ramona at lumipad patungong Hong Kong.

Pinaniniwalaan namang ito ay nasa Turkey na ngayon kung saan nakatira ang kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Jessica: Nasaan si Ramona? Nasa Turkey nga ba?

Kasi sabi ni Sen. Bong Revilla dapat daw i-turnover mo na siya para masabi niya kung ano yung version niya tungkol sa nangyari.

Bakit daw hindi mo na lang siya kumbinsihing umuwi para magsalita?

Genelyn: Wala po akong magagawa sa desisyon ng aking anak na si Ramona dahil siya po ay may asawa na at nakatira po talaga sa Turkey.

Gusto ko lang pong sabihin kay Senator Bong na sana bilang kapatid ay maging kapatid po siya hindi lang po ni Ramgen, kundi ni Ramona at ni Joseph.

Hindi pa po napapatunayan ng kahit saang korte na nagkasala ang anak kong si Ramona at si Ramon Joseph.

Jessica: Pero on the other hand, pwede rin kasi na pag umuwi si Ramona dito at nagsalita, pwedeng ma-solve yung pagkamatay ng isa mong anak at pwede ring ma-clear yung nakakulong mong anak na si RJ—kung talagang wala siyang kasalanan, hindi ba?

Don't you look at it that way? Kasi sinasabi rin nila na flight is an admission of guilt.

Pag tumakbo ka ay guilty ka, ayon sa ating batas. Ano ang reaksyon mo diyan?

Genelyn: Can I quote po a Bible verse? When you are being persecuted, you have to flee away.

Not because of admission of guilt, but because you have to wait for the process na kailangang mapatunayan mo rin na wala ka talagang kasalanan.

In this country, napakahirap kunin ang hustisya. Napakaraming tao ang nakakulong ngayon na walang kasalanan at nakakaawa sila.

Ito po ay isang lesson para sa ating lahat at sa mga nanonood at nakikinig na maging maingat po dahil hindi po natin alam kung ang nangyari po sa akin at sa aking mga anak ay mangyayari din po sa kanila.



TRUSTS RAMONA & RJ. Hindi raw naisip ni Genelyn na magagawa nina Ramona at Ramon Joseph ang ibinibintang sa kanilang pagiging mastermind sa pagpatay kay Ramgen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki raw ang tiwala niya sa kanyang mga anak.

Jessica: Pero nagkaroon ka man lang ba ng pagkakataon na tanungin ng deretsahan ang iyong mga anak, si RJ at si Ramona, kung ano ang alam nila sa nangyari?

Kung ano ang nakita nila that night?

Genelyn: May tiwala po ako kay Ramona at may tiwala po ako kay Ramon Joseph.

Matatalino pong bata ang aking mga anak, may buhay ng Panginoon.

At nakita ko po sa aking anak na si Ramona na na-shock talaga siya sa pangyayari.

Kung ako ho ay hindi ko ho nakita ang pagkamatay ni Ramgen.

Nakita ko lang ho sa cellphone ang hitsura ng anak ko na bukas pa ang mata at napakaraming saksak at...ibinaril sa kanya.

Hindi ko po ma-imagine na nagawa ng isang taong killer na ito ang isang karumal-dumal na krimen, na ginawa nilang kinatay na baboy ang aking anak.

Jessica: So, you trust Ramona and RJ enough na hindi mo sila matanong kung totoo yung sinasabi ng pulis?

Genelyn: Tinanong ko si Joseph, tatanungin ko si Ramona, wala silang kinalaman. Dahil nang panahon ng araw na yun, lahat kami ay pupunta sa Baguio. Pupuntahan po namin ang imbitasyon ng PMA na full cadet na si Ram Joshua Bautista.

Jessica: Yung isa mong anak na kadete sa PMA?


Genelyn: Opo.

Jessica: So, ayaw mong tanungin, ever?

Genelyn: Hindi na ho. Nakapag-usap naman po kami ni Ramon Joseph e.

Yung yakap po ng anak ko sa akin, at ang yakap po ng isang ina ay hindi ho magkakamali.

CONTROVERSIAL SUSTENTO ISSUE. Naging malaking usapin naman ang sustentong natatanggap ni Genelyn at ng kanyang mga anak mula kay Sen. Revilla Sr. dahil na rin sa pagsasapubliko ni Genelyn ng isyung ito sa kanyang mga ipino-post na mensahe sa Facebook account niya.

Jessica: I hope you don't mind, pero yung Facebook account mo raw ay ginawa mo namang public.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Doon nakita yung mga nakaraan mong mga shoutout at status update.

At nakita na mukhang may pinagdadaanan kayong matinding financial crisis sa pamilya. Okay lang ba na pag-usapan natin ito?


Genelyn: Okay lang po.



Jessica: Naghirap ba kayo? Kasi sinasabi ng kampo ni Sen. Bong Revilla na hindi naman daw natigil yung inyong sustento.

Merong allegations na malaki raw ang pagkakautang mo sa credit card.

At yun nga kasi ang pinupuntirya na baka daw posibleng motibo dito sa pagpatay sa iyong anak, na may financial problems ang inyong pamilya.

Nabawasan daw ang inyong allowance. Nagsumbong daw siya kay Sen. Ramon Revilla Sr. Nagalit yung iba etcetera. Anong masasabi mo diyan?

Genelyn: Pabawas ho nang pabawas ang sustentong ibinibigay ho sa amin simula ho nang ma-stroke si Senator Sr. Kung sasabihin ko ho yung figures, ahh... from P350 [thousand] naging P260 at naging P150.

Nagtataka lang po ako bago ho namatay si Ramgen, bigla pong binaba sa P150 yung aming sustento, yung aming allowance.

Ngayon po, tungkol po dun sa credit card. Bakit ho ba ako nagke-credit card?

Kasi ho wala ho akong option. May anak po akong siyam.

Kailangan ko naman pong bihisan. Kailangan kong pakainin.

Kailangan kong dalhin sa isang maayos na lugar pag may birthday sila.

Hindi na nga ho kami nagsasama-sama katulad [nuong kaarawan ni] Gabby, nagpunta kami sa Days Hotel at doon nag-birthday si Gabby.

Kumuha kami ni Ramgen ng isang kuwarto para makapag-swimming kami kasama si Janelle [Manahan, girlfriend ni Ramgen].

At kasama namin ang isang kapatid pa sa ama ni Ramgen. At masaya kami.

Kahit simpleng situwasyon lang, basta mairaos namin yung birthday ng bata.

Ang mga anak ko ay kailangan ng shelter, clothing.

Lahat po yan ay dapat kasama sa allowance na ibibigay sa amin.

Pero sa totoo lang po, hindi po ito kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



STATUS OF RELATIONSHIP. Sumunod namang napag-usapan ang status ng relasyon ngayon ni Genelyn kay Senator Revilla Sr. at kung nagsasama pa rin ba sila.

Jessica: Pasensiya ka na ulit pero medyo personal din itong susunod kong tanong. Ano ba ang estado n'yo ni Senator Revilla Sr.?

Kayo po ba'y magkasama pa o hiwalay na?

Genelyn: Simula po nang ma-stroke si Senator at ng mga ilang taon na naiwan kami ni Senator ahh... binigyan po ako ng pagkakataon ng Panginoon na magkaroon ng access sa mansyon.

Dahil po nang ma-stroke po siya, tumira po ako [sa] mansyon at ako po ang nag-alaga sa kanya.

Noong panahon po na nagkakasakit po siya, katulad po nung naoperahan po siya nung na-stroke siya... ay, hindi po, nung huli po niyang bypass operation, ako po ang nagbabantay sa kanya sa Makati Medical.



Jessica: So, kayo po ba'y magkasama pa hanggang sa mga oras na ito?

Nakausap n'yo na po ba siya tungkol dito sa matinding trahedyang pinagdadaanan n'yo?

Genelyn: Sa ngayon ho, hindi ko pa siya nakakausap. Ang huling usap lang po namin, sinabi po niya na bumalik po ako sa bahay ko.

Ang sagot ko po sa kanya, hindi ko kayang bumalik sa bahay kasi hindi mo pa alam ang lahat ng nangyayari.

Gusto ko ho siyang makausap pero wala po akong access ngayon sa mansyon para makausap siya.

CONSECRATED. Pinag-usapan din ang isyu ng "consecration" sa pagitan nina Genelyn at Senator Revilla Sr., na batay sa kanilang religious belief.

Jessica: May sinabi po kayo dun sa previous interview n'yo sa GMA News na kayo ho ni Senator ay "consecrated." Ano ho ba ang ibig sabihin nun?

Genelyn: Ang consecration po ay isang blessing ng Panginoon para sa mag-asawa.

At inaalay ang kanilang mga anak para sa pagsisilbi ho sa Panginoon sa aming eklesiya o church.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Jessica: Hindi ho nangangahulugan yun na meron kayong legal na relationship o kasal?

Genelyn: Hindi ko alam po kung paano nila binibigyang kahulugan na ipinipilit nilang isa itong kasal.

Dahil kung sasabihin nga na ako ay kasal kay Senator, ang pinag-uusapan ho ako ay entitled sa mga mamanahin.


Kaya ko po ginawa ang consecration na yun at pumayag si Senator Sr. na mag-consecrate sa Panginoon, ang sabi ko sa kanya, 'Tayo ay ikakasal sa harap ng Panginoon para sa blessing Niya.

'Hindi para sa mamanahin namin sa iyo.'"



RIFT WITH SEN. BONG REVILLA. Tumitindi na ang alitan sa pagitan nina Genelyn at Sen. Bong Revilla dahil na rin sa palitan nila ng mga salita sa media.

Jessica: Papaano ho kaya yun ngayon, mukhang matindi po ang alitan n'yo. On one side, kayo, on the other hand, si Sen. Bong Revilla Jr.

Nagdaan na kayo sa trahedya, nawalan ka ng anak. Nagbunsod pa ito ng matinding alitan sa inyong pagitan.

Genelyn: Hindi ko po nakita kasi ang pagmamahal ng isang kapatid sa kanyang mga kapatid sa ama.

Ako po ay half-sister din lang ng iba pong kapatid ko. Dalawa po kaming magkapatid na illegitimate.

Pero po kami ay nagmamahalan. Kung kailangan ng isa ng tulong, nagtutulungan po kami.

Inaalam po muna namin kung ano ang situwasyon bago po kami magsalita ng kahit ano pang bagay.

Hindi po kami nagpapadala sa emosyon o ambisyon o anuman pong bagay.


Jessica: Ano hong balak n'yo ngayon? Paano ho kaya kayo makakapamuhay araw-araw na meron kayong mabibigat na dinadala?

How do you even expect to move on from this tragedy and crisis?

Genelyn: Being a Christian po, una po kay Ramgen, alam ko po na siya ay nasa Panginoon na.

Yun po ay tanggap ko na. Pero nung panahon na sinabi sa akin ni Sen. Bong Revilla na ang aking anak na si Joseph ay iniimbitahan ng mga pulis for questioning, sinabi ko sa kanya, bakit mo pinayagan, senador ka?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



A MOTHER'S MESSAGE. Sa huli, nagbigay ng mensahe si Genelyn para sa kanyang mga anak.

Jessica: Meron ka pa bang gustong sabihin sa iyong anak na si Ramona, kay RJ, kahit kaninuman? You have the floor.

Genelyn: Sa mga anak ko, gusto ko na maging matibay tayo ngayon. Magkaroon tayo ng mas higit na oneness.

Meron tayong pagkakaisa, na meron tayong laban.

Ito ay hindi lang para sa atin, kundi para kay Janelle at para kay Ramgen.

Mahal natin si Janelle at mahal natin si Ramgen. Kailangan makita talaga kung sino ang totoong killer at kung sinuman ang mastermind.



Jessica: Pahabol na tanong. Kahapon kasi may nagsabi, isa yata sa mga suspect o sa witnesses, sinabi na, alam daw ng pamilya itong plot para patayin si Ramgen.

Genelyn: Wala pong kaalam-alam ang kahit sinuman sa amin sa pagkamatay ni Ramgen.

Hindi po kayang gawin ng aking pamilya na pumatay ng kanilang sariling kapatid.

At ako bilang ina, hindi ko kayang gawin kay Ramgen yun. Ako ang nag-alaga sa anak ko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN