Janelle Manahan's affidavit affirms sibling rivalry as motive in boyfriend Ramgen Revilla's murder; claims Ramgen's mom has schizophrenia

IMAGE 0


"She is confirming and affirming the deep family rift between Ramgen, on the one hand, and the rest of the siblings. He [Ramgen] is a strict disciplinarian who at some point during several confrontations with... some of the brothers and sisters had [been] hit, sinaktan, tinutukan, sinakal ang mga kapatid which will establish that this is the motive for the siblings to have conspired to kill him," says Atty. Restituto Mendoza, Janelle Manahan's legal counsel,


Idinetalye ni Janelle Manahan sa kanyang reply affidavit ang mga pangyayari nung gabing binaril siya at pinatay ang kanyang nobyong si Ramgen Revilla.

Isinumite ng mga abugado ni Janelle ang naturang affidavit noong Biyernes, Disyembre 2.

Sa report kinagabihan ng late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, ipinunto ni Janelle sa kanyang affidavit ang away ng magkakapatid na sinisilip ngayong motibo sa krimen.

RAMONA'S ACTIONS. Ayon sa affidavit ni Janelle, nag-uusap si Ramgen at ang kapatid nitong si Ramona Bautista nang bigla niyang maramdamang may tumama sa kanyang balikat.

Nakita raw niya ang isang lalaking may baril.

Salaysay ni Janelle, "While I was just sitting, waiting, I suddenly felt something hit me on my right shoulder...

"I saw a man with a plastic Halloween mask...

"He was holding a pistol with a silencer pointed at my face. Then he shot me in the face."

Naulinigan daw ni Janelle na tumawag si Ramona at humingi ng tulong sa kapatid nitong si Gail. Pero tila hindi raw naalarma si Gail.

"Mara [Ramona] said, 'Ga [Gail], may emergency dito, nabaril si Janelle at si Ramgen ang daming dugo.'

"What struck me from the voice of Gail on Mara's phone was Gail's simple response, 'O sige, papunta na kami diyan.'"

Umalis daw si Ramona para humingi ng tulong, pero hindi na bumalik.

Patuloy ni Janelle, "I sat on the floor beside the window waiting for the rescue that Mara promised.

"However, it did not come...

"I used my cellphone to text my mother and some friends for help.

"It was only after I did that rescue finally arrived."

Sa ospital, napansin din daw ni Janelle na walang umiyak sa mga kapatid ni Ramgen.

FAMILY RIFT. Ayon sa abugado ni Janelle na si Atty. Restituto Mendoza, malinaw ang ibig sabihin ng affidavit ng kanyang kliyente: mayroon ngang malalim na away sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Atty. Mendoza, "She is confirming and affirming the deep family rift between Ramgen, on the one hand, and the rest of the siblings.

"He [Ramgen] is a strict disciplinarian who at some point during several confrontations with each of the... some of the brothers and sisters had [been] hit, sinaktan, tinutukan, sinakal ang mga kapatid, which will establish that this is the motive for the siblings to have conspired to kill him."

Salaysay pa ni Janelle, sa limang taon ng relasyon nila ni Ramgen, nakita niya ang walang katapusang away ng magkakapatid dahil sa pagdidisiplina ni Ramgen.

Sa affidavit pa ni Janelle, sinabi rito na maituturing na "black sheep" ng pamilya si Gail.

Dagdag naman ni Atty. Mendoza, "Si Gail, sinaktan niya [Ramgen], sinakal niya, dahil parating hindi umuuwi sa bahay."

Nakasaad pa sa affidavit na sina Ramgen at Ramon Joseph o RJ—ang kapatid na nakakulong sa Paranaque City Jail dahil sa pagpatay kay Ramgen—ay nag-away rin dahil sa pagbili ni RJ ng mamahaling gadgets gamit ang credit card.

"Joseph's conflict with Ramgen normally arises from his buying tech gadgets that are expensive using credit card that would normally strain the family's finances," saad ni Janelle sa kanyang affidavit.

GENELYN HAS SCHIZOPHRENIA. Samantala, sa report naman ng TV Patrol Weekend noong Sabado, Disyembre 3, isa pa sa mga rebelasyon sa affidavit ni Janelle ay ang pagkakaroon ng sakit na "schizophrenia" ni Genelyn Magsaysay, ina ni Ramgen.

Sila raw ni Ramgen ang nagbibigay ng gamot na pampakalma at anti-depression kay Genelyn.

Ayon sa isa pang abugado ni Janelle na si Atty. Luke Espiritu, "Based nga dun sa observation at personal knowledge ni Janelle, she [Genelyn] really has a problem—schizophrenia."

Ayon sa MedlinePlus, ang schizophrenia "is a severe, lifelong brain disorder. People who have it may hear voices, see things that aren't there or believe that others are reading or controlling their minds. In men, symptoms usually start in the late teens and early 20s. They include hallucinations, or seeing things, and delusions such as hearing voices."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil daw dito kaya't napilitang tumayong tatay at nanay si Ramgen sa kanyang mga kapatid.

Istrikto raw sa kanyang mga kapatid si Ramgen.

At dahil daw matigas ang ulo at palaban ang ilan, ilang beses daw silang nasaktan ni Ramgen.

Ayon sa affidavit ni Janelle: "...most of which were a result of Ramgen's way of disciplining his brothers and sisters and putting order in the house.

"I recall that once, Ramgen had to hit Mara with his Glock 9mm handgun which he had at that time."

Sabi pa ni Atty. Espiritu, bukod sa pera, posibleng ang pagtrato ni Ramgen sa mga kapatid ang dahilan umano kung bakit humantong sa patayan ang kanilang pag-aaway.

"Yung kanilang away, walang nagme-mediate, walang nagre-regulate, walang nagdidisiplina, e, kaya nagkaganun-ganun," pahayag ng abugado.

Naniniwala naman ang mga abugado ni Janelle na bukod kina RJ at Ramona, na kapwa isinasangkot sa krimen, posibleng may kinalaman din ang iba pa sa kanilang mga kaanak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN