Genelyn Magsaysay on Janelle Manahan's revelations: "Mahal ka namin. Pero huwag naman to the extent na magamit mo ang aking pamilya."

IMAGE 0


"Merong isang tao o ilang tao na may galit sa aming mag-iina. Puwedeng magkapatayan para sa allowance, hindi. Pero sa inheritance, maaari," says Genelyn Magsaysay.


Binuweltahan ni Genelyn Magsaysay si Janelle Manahan.

Si Genelyn ang ina ng napaslang na aktor na si Ramgen Revilla, na nobyo naman ni Janelle.

Kaugnay nito ng diumano'y pangdidiin ni Janelle sa kanya at sa mga anak niya sa pagpatay kay Ramgen, base raw sa nilalaman ng affidavit at sa mga interview ng dalaga sa media.

Sa panayam ng GMA News kay Genelyn na napanood sa 24 Oras at sa Saksi kagabi, Disyembre 12, inihayag ni Genelyn ang sama ng loob niya kay Janelle.

Ayon sa ina ni Ramgen, "Ako ay isang ina na nagmamahal sa aking mga anak.

"Limang taon kitang inalagaan. Limang taon na minahal kita.

"Pag may problema ka, sa akin ka lumalapit.

"Janelle, mahal ka namin.

"Pero huwag naman to the extent na magamit mo ang aking pamilya."

Ginawa ni Genelyn ang pahayag na ito tungkol kay Janelle kahapon sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa kasong pagpatay kay Ramgen sa ParaƱaque City Regional Trial Court.

Hindi na raw kinakaya ni Genelyn na itago ang tunay niyang nararamdaman sa ginagawa umanong pangdidiin ni Janelle sa pamilya niya sa pagpatay kay Ramgen.

Giit ni Genelyn, balikan daw ni Janelle ang mga nangyari ng gabi ng krimen, lawakan pa ang pag-iisip, at huwag idawit ang kanyang mga anak.

Ngayong araw, Disyembre 13, ay inaasahang makakaharap ni Genelyn sa piskalya si Janelle dahil susumpaan nito ang kanyang reply-affidavit.

"I'd rather not say anything. I'll just look at her, stare at her.

"Or I'll just pray...na may the Lord find justice really for Ramgen and for my other children," sabi ni Genelyn tungkol sa kanyang gagawin kapag nagkita sila ni Janelle.

GENELYN IMPLICATES RAMGEN'S P.A. Ipinakita pa ni Genelyn sa media ang isinumite nilang mga litrato ng peronal assistant ni Ramgen na si Ronald Ancajas.

Diumano'y tugma raw ang tangkad at pangangatawan nito sa gunman na inilarawan ni Janelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya [Ancajas] po ay 5'6" to 5'7", na may access po sa loob ng aking pamamahay anytime," ani Genelyn.

Pero sa text message ni Janelle sa GMA News, ipinaliwanag ng dalaga na hindi raw niya intensiyon na idiin si Genelyn o ang kanyang pamilya.

Sinabi niya lang daw ang kanyang nakita, narinig, at naranasan nang mangyari ang krimen.

Ani Janelle, "I never intended to incriminate anybody, I only stated facts. What I saw, what I heard, what I observed and my experience. My personal knowledge."

Hindi rin daw maintindihan ni Janelle kung bakit nasabing kahalintulad ni Ancajas ang gunman gayong wala pa naman siyang inilalabas na detalye tungkol dito.

Saad ni Janelle sa kanyang text message: "I never or haven't released specifics about the gunman yet...how were they able to conclude that it matched Ancajas?"

Samantala, hindi na nagbigay ng pahayag sa media si Ancajas.

Pero sa isinumite niyang salaysay, pinanindigan niya ang nauna niyang pahayag na nakita niyang magkasunod na naglakad palabas ng subdivision ang mga kapatid ni Ramgen na sina Ramon Joseph at Ramona "Mara" Bautista.

Kapwa suspek sa pagpatay kay Ramgen sina RJ ay Mara.

INHERITANCE MAY BE A MOTIVE. Sa report naman kagabi ng Bandila ng ABS-CBN, naglahad pa ng iba niyang hinanakit at panunumbat si Genelyn kay Janelle.

Ayon kay Genelyn, "Kami ng aking mga anak, pinipilit ka naming unawain.

"Una, Janelle, hindi ka naglilinis ng kuwarto n'yo ni Ramgen.

"Merong naka-assign na yaya para kay Ramgen at para sa iyo.

"Kahati ka sa allowance na ibinibigay sa amin ng kanilang ama."

Malabo rin daw na away sa allowance ang motibo ng pagpatay kay Ramgen.

Sabi pa ni Genelyn, "Merong isang tao o ilang tao na may galit sa aming mag-iina.

"Puwedeng magkapatayan para sa allowance, hindi.

"Pero sa inheritance, maaari."

Patuloy ring idinidiin ni Genelyn ang PA ni Ramgen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya ang may hawak ng baril ni Ramgen.

"Siya ang nakakaalam ng mga appointment ni Ramgen," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN